Chapter 1: Do i know you?

8 1 0
                                    

Kring! Kring!

Napabalikwas nalang si Ayumi ng may biglang tumawag sa cellphone niya na de-keypad at halatang napag-iwanan na ng panahon.

" Hello sino ito? " biglang sabi ni ayumi sa kausap nito.

" Huy gâga kang bakla ka may balak ka pa bang pumasok? "
sagot naman ng kausap nito.

" Huh? may pasok ba ngayun justin? " saad niya naman

" Girl it's Jasmin , grabe ka naman maka justin tehh kalorka naiistress ang beauty ko sayo tehh " sagot naman ng kausap niya.

" Oo na teh kaloka ka pero meron ngang pasok? "

" Wala i just want to prank you kaso naistress lang ang beauty ko sayo, sige na babush "saad naman ng kaibigan niya sa maarteng boses.

" Sige n- "

Toot toot-

Ayumi Claire Pov.

" Ohh diba binabaan pa ako nang-istorbo na nga ehh. " umiiling-iling ko naman na bulong.

Oo tama kayo may pagkabakla kasi ang kaibigan ko  at pati pangalan ay pinalitan na din na dapat ' Justin Jocson ' pero naging ' Jasmin Pearl ' o diba dinaig pa ang sirena.

Siya lang ang nag-iisa kong kaibigan. Nagpapasalamat nga ako at hanggang ngayon hindi niya ako iniiwan.

Hi ako nga pala si Ayumi Claire Chan 'Oy hindi ko kaano ano si Jackie Chan ha!' so ayun na nga 18 yrs. Old and college na. Magisa nalang ako sa buhay dahil bata pa lang ay iniwan na ako ng magulang ko dahil sa isang car accident.

Nag bya-byahe kasi sila nun at pauwi  na sa  manila kaso may isang mabilis na motor daw ang iniwasan nila kaya napapunta sila ay sa bangin. Hanggang ngayun ay hindi pa din nakikilala kung sino ang nakabunggo.

Tumulog nalang ulit ako dahil alas- tres pa laang naman ng umaga.

———————

Nagising nalang ako sa sigawan ng aking kapit-bahay. Nako paniguradong nag-aaway na naman si aling marites at ang asawa nitong mangingisda na si ka Natoy.

" NATOY! HAYÔP KA, KAYA PALA INAABOT KA NG HAPON SA PANGINGISDA AY IBA NA PALA ANG SINISISID MO " sigaw ni aling marites sabay sampal kay ka Natoy.

Booghs!

Kailan ba sila titigil sa kakaaway nila grabe pati bahay ko nadadamay na lagi kasi itong binabato ng kawali o kaldero ni aling Marites sa tuwing nag-aaway sila ng asawa niya, minsan nga eh itak pa.

Kaya hindi na ako nagtataka sa bahay ko kung mabutas ang dingding nito , dahil ang bahay ko ay gawa lang sa kawayan. Nakita ko lang itong bahay na ito nung napadpad ako dito sa Bicol. Maganda pa naman ito at mukhang matibay, sabi ng mga tao dito namatay na daw ang nakarira dito kaya ako nalang ang tumira kesa sa ilalim ako ng tulay tumulog.

——————

Maya-maya ay tumigil na sa pag-aaway sila aling marites paniguradong sa kama naman yun nag-aaway, pano ba naman dinig na dinig dito ang mga atungal nila grabe.

Kaya pumunta nalang ako sa tindahan ni ka Brenda para bumili ng mauulam.

Pagkabili ko ayy niluto ko na ang tuyo at itlog na binili ko, sinangag ko nalang ang tirang kanin na niluto ko kagabi.

Nang matapos na akong kumain ay sinara ko na angg pinto at ako ay umakyat na ako sa kwarto ko.

Kahit na kawayan lang ang bahay na ito ay maganda naman may salas na medyo malaki meron ding tv , sa kusina naman ayy kalan lang , may palapag din pala ang bahay na ito meron dung isang kwarto na may palikuran at bathtub na din na gawa sa kahoy. Pagsilip mo naman sa veranda ng kwarto ay merong kadikit na puno. Sa puno naman ay may akyatan at meron ding pahingahan sa tuktok nito.

Kaya sobra akong nagpapasalamat sa nakaiwan sa bahay na ito.

——————

Pagkatapos kong magbihis ay pumunta na ako sa sakayan ng  dyip, may trabaho pala ako tuwing biyernes at sabado. Samantalang tuwing lunes hanggang meyerkules  lang ang pasok ko.

Pag pasok ko sa isang cafe ayy agad kong isinuot ang aking uniporme at kumuha na ng ballpen at maliit na notebook para pagsulatan ng mga oorderin.

Isa pala akong waiter dito sa Sandoval's Cafe na pagmamay-ari daw ng isang kilalang tao.

" Waiter! " pagtawag naman ng isang lalaki sa akin na halatang galing pa sa isang kompanya. Nakasuot pa ito ng coat na pang opisina.

" Welcome to Sandoval's Cafe sir, What's your order sir " sabi ko naman dito na may ngiti sa labi.

" Ahm miss bigyan mo ako nitong Creamė lattė and your name please " saad niya naman sakin sabay kindat pa.

Kahit gaano pa siya kayaman hindi ko siya papatulan noh.

" Sorry sir it against on the Sandoval's Cafe rule sir , but don't worry your Creamė Lattė will arrive.

Agad naman akong pumuntang counter para ibigay ang order niya.

" Huyy Claire mukhang tipo ka nung mayaman na yun ahh "
sabi naman sakin ng katrabaho ko na si Susan.

" Oo nga eh lakas ng trip pati pangalan ko hihingin " tumatawa ko namang saad.

" Pero kung ako yan hindi na ako magpapakipot, halatang mayaman ohh "

Napairap nalang ako sa sinabi nito.

" Pedeng humingi ng pabor Claire "

" Ano yun?" Tanong ko naman sa katrabaho ko.

" Ako na magbibigay ng order niya dito ka muna sa pwesto ko"
pag mamakaawa ni susan sa akin.

" Sige lang" tipid ko naman na sagot dito.

Nakita niya nalang ang likod ni Susan na nakikipagusap sa lalaki at halatang tuwang tuwa.

" 1 chocolate cake and almond cafe. " biglang sabi naman ng lalaki na wari ko ay mas matanda lang sakin ng isang taon.

May tinda din palang cake ang shop na ito dahil may ibang mayayaman na gusto pag magkakape ay meron ding cake.

Bigla naman aking napatingin sa lalaki may mapupula itong labi na wari ko ayy nakita ko na noon, pointed nose din ito at kulay bughaw na mata.

" Done checking me miss? " baritonong boses naman ang nagpaayos sa akin kaya dali dali ko ng prinepare ang order niya.

Kahit waiter ako ayy marunong din naman akong mag timpla ng mga kape dito dahil dati ako ang nas counter nakipagpalit lang sakin si Susan dahil muntikan na itong mabastos dati.

——————

Natapos ang araw na puro pagseserve at pagsusulat lang ng order ang ginawa ko.

Pauwi na ako ngayun kaya heto ako ngayun naghihintay ng masasakyan.

Habang naghihintay ako ng dyip ay may napansin ako na sumusuray- suray sa paglalakad na lalaki. Tumingin naman ako sa paligid para tingnan kung merong maaring tumulong minlang sa lalaki.

Hindi na ako nakatiis dahil wari ko ay tutumba na ito sa pwesto niya kaya dali dali akong tumakbo palapit sa kanya para alalayan siya.

Dumating na ang taxi ko na tinawag kaya naman sinakay ko na ang lalaking ito, hindi ko maaninaw ang mukha nito dahil nakatungo ito.

Nang maipasok ko na ito sa loob ayy tinanong ko kung saan sya nakatira at sinabi ko na sa driver.

Palabas na sana ako ng bigla ako nitong hilahin paupo at hinalikan ako sa labi tumagal iyon ng 5 segundo. Maya-maya pa ay bigla na itong nakatulog. Nang aninawin ko ang mukha ng lalaki ay ito ang lalaki na bumili kanina sa coffee shop nung nasa counter siya.

—————

Pagdating ko sa bahay ay tulala pa din ako dahil sa ginawang paghalik ng lalaki kanina sakin , first kiss ko pa naman yun HUHU :(

Nang bumalik na ako sa wisyo ay kumain na ako , nilock ko na din ang bintana at pinta saka umakyat na sa kwarto ko para maglinis ng katawan.

Humiga na ako at ang huling nasa isip ko lang ayy ang mapupulang labi ng lalaki kanina dahil parang nakita ko na ito dati, bago ako tuluyang hilahin ng antok.

I'm the long lost witchWhere stories live. Discover now