CHAPTER 03: ANG MAGULANG KO, SANDIGAN KO

3 1 0
                                    

"Luna bumangon ka nang bata ka, 6am na ngunit hanggang ngayon nasa higaan ka parin. Ma late kana ng pasok sa school dahil dyan sa ginagawa mo." iyan ang palaging bungad sa umaga ng aking mahal na Ina wari akala mo nakalunok ng mega phone sa lakas ng boses nito "5 minutes more nay, antok pa po ako eh." saka nagtalukbong ng kumot.

"Bibilang ako hanggang tatlo Luna kapag 'di kapa bumangon ay sasamain ka talaga sakin, sinasabi ko sayo. Isa... Dalawa..." pagbilang nito na agad kong ikinainis. "Arggg naman nay eh. Eto na babangon aist, gusto ko pa sabi matulog tapos bibilangan mo ako." padabog kong sabi sabay bangon at pumunta na lamang sa banyo para gawin ang morning routine ko. Babangon na talaga ako lalo nat tinawag na nya ako sa aking pangalan.

"Kumain kana muna at ito ang lunch box mo 'nak." malumanay na bigkas ni Ina. Kumain akong nakabusangot ang aking mukha at 'di siya pinansin. Bago ako pumunta sa school ay palaging may bilin ang Inay. " 'Nak mag-aral ka ng mabuti ah para hindi ka matulad sa sinapit namin ng iyong Itay. Pag aaralin ka namin hanggang maabot mo ang mga pangarap mo sa buhay. Alam mo naman ang hirap na dinanas natin noon hanggang ngayon kaya sana mas lalo ka pang mag pursiguro sa buhay. 'Di habang buhay nandito lang kami 'nak." mga katagang palaging binabanggit ni Ina na aking pinagsasawalang bahala at 'di binigyan ng importansya.

Ang trabaho ng aking Itay ay mason samantalang si Inay ay isang labandera. Inaamin ko na isa akong suwail na anak at 'di makuntento sa kung anong meron kami. Suki ako palagi ng guidance sa aming school dahil sa aking pagiging pasaway kahit na ako'y scholarships pa kaya ang ending palaging napapatawag si Inay sa aming paaralanan.

3rd Year College na ako sa kursong Engineering. Kung kailan ay konti na lamang ay saka ako aayaw at gustong tumigil na lamang. Habang kumakain kami ng hapunan ay biglang nasambit ko ang mga katagang " Inay Itay titigil na po ako sa aking pag-aaral." Biglang natigilan ang mga ito at natulala sa aking harapan at para bang nakakita sila ng multo.

Diko pinagkakailang 'di ako pinagpala sa katalinuhan kaya palaging mababa ang aking marka dagdag mo pa ang pagiging pasaway ko. Alam ko rin na wala akong ibang talento na ipagmamalaki. Kaya rin nawawalan ako ng gana mag-aral dahil dito. Ngunit ewan ko sa aking magulang na pilit akong pinag-aaral at diko alam kung saan sila humuhugot na Kaya kong lampasan ang mga ito. Na may hidden talent akong diko alam.

" Bakit? May nangyari ba? Anak saan ba kami nagkulang ng iyong Itay sa iyo?" naiiyak na turan ni Inay. "Alam kong mahirap lamang tayo ngunit kailan man 'di kami nagkulang ng paalala at gabay sayo 'nak." saad naman ni Itay. " Kahit ganyan ka 'nak alam namin na kaya mo ito at hindi ako nagsisising ikaw na si Luna ang aming naging anak. At sobrang proud kami sayo. Mahal na mahal ka namin 'di magbabago ito kailan man. Balang araw mawawala kami 'nak ngunit palagi pa rin kaming nasa tabi mo at nakasuporta." Makahulugan turan ng aking magulang.

"Wala naman Inay Itay salamat po sa pag iintindi at pagtitiwala sa kakayahan ko. Pangako po magbabago at magtatapos ako ng pag-aaral, magsusumikap akong lalo at magiging isang ganap na Engineer Luna po ang nag iisa niyong prinsesa balang araw at magtatayo ng sarili natin bahay nay tay." proud kong sabi ng may galak sa aking puso.

Pagkalipas ng isang taon ay pumanaw ang aking Itay. Mahirap na para ba nabaon ang aking kanan paa sa pagpanaw nito, ngunit nandyan pa si Inay na patuloy akong pinapalakas. Alam ko nahihirapan din siya ngunit para sakin ay nagpapakatibay ito. Kaya lumalaban at nagpapakas ako tulad nya. Anim na buwan na lamang ay magtatapos na ako sa aking pag-aaral.

Kaya tulad ng pinangako ko ay ginawa ko ang buong makakaya ko. Tama nga ang bigkas ng aking magulang noon "magsumikap ka at maging desidido ay walang impossible at makakamit mo ating bithiin sa buhay."

Naging mahirap at hindi naging madali subalit tignan mo ngayon naging top natcher ako sa loob ng dalawang taon sa aming generation. At ngayon ang pagkatatapos ng aming pag-aaral at pagsisimula at pagbukas ng mga oportunidad na naghihintay satin.

Ito ang isa sa aking hinihintay ang maisaibit ang medalya sa aking Inay sa harap ng puntos ni Itay. Habang sinusuot ko sa kanya ito ay sabay sabing "nakaya ko at nagawa natin Inay kasama ang presensya ni Itay." sabay tingin sa lapida nito. Itay tignan mo oh ang prinsesa mo ay totoong isang ganap na Engineer Luna tulad ng pangako ko sa inyo noon.

Hinawakan ko ang kamay ni Inay, "Salamat po ng marami sa inyo ni Itay. Kung ano man ako ngayon ay dahil sa inyo ni dalawa yun Inay. Mahal na Mahal ko po kayong dalawa."

- END -

❥︎: @𝑺𝒉𝒂𝒎𝒊𝒔𝒆𝒏_𝑪𝒉𝒂𝒓𝒎𝒔 ✍️

ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now