Epilogue

886 45 14
                                    


Umuulan pa rin.

Walang class suspension kaya kailangan pa ring pumasok ni Divine.

Day-off dapat ni Eugene sa school dahil wala naman siyang klaseng papasukan pero kailangan pa rin niyang mag-attendance dahil tuloy pa rin daw ang opening ng foundation week ng school at kailangang kompleto silang mga professor.

Matagal na si Eugene sa LNU. Nine years na siyang kasama sa bawat opening ng foundation week. Sa mismong araw ding iyon ibinigay sa kanila ang uniform para sa faculty. Black polo shirt na may yellow lines sa dulo ng manggas at meron din sa linya ng mga butones sa neckline. May logo ng school at pangalan ng may-ari ng damit sa left chest. Malaking logo naman ng foundation week sa likod.

Wala namang kamalay-malay si Divine sa foundation week. Mas lalo siyang nawalan ng pakialam dahil nakainom pa siya ng gamot. Pero required silang dumalo sa stadium para sa misa at mismong program para sa opening. Ang sinabi sa kanya sa admin office, next month pa ang pagtatayo ng booth na proposal niya kaya next month pa ang inaasahan niyang celebration.

"Ano'ng kaibahan nito sa mangyayari next month?" walang emosyong tanong niya kay Marjorie, isa sa mga kaklase niyang madalas niyang kausap sa room. Ito rin ang ginawa niyang tagahawak ng payong nila papuntang stadium.

"Yung ngayon, opening lang talaga siya, girl! Ang participants for now, puro sa mga elementary saka high school. Yung atin ang next month hanggang intrams next, next month!"

"Oh . . ." Nalipat ang tingin ni Divine sa harapan. Ang ingay na kahit nagtitipon-tipon pa lang. Saka lang niya naramdaman na marami nga talagang estudyante sa LNU dahil kahit

umuulan, punong-puno pa rin ang stadium. May pinagdikit-dikit na tent para magsilbing bubong ng mga estudyante. Ang daming bata na nakapam-PE at may makukulay na ribbon sa ulo at sa wrist part.

Pumuwesto sila ni Marjorie sa gilid na maraming puno para makasilong. Nakatanaw sila sa malaking stage na may mga nakatayo ring estudyante. May altar din sa gitna at mukhang may misa pa.

Humihina na ang ulan pero lumalakas ang hangin kaya lalong lumalamig sa paligid. Nakatapak sila ni Marjorie sa bakod ng punong mangga kaya mas mataas ang tanaw nila sa stage. Biglang may naghiyawan sa kung saan nang umakyat sa stage si Eugene na may hawak na microphone. Payuko-yuko pa ito at ngumingiti sa lahat habang papunta sa altar. Ito pa pala ang mag-aayos ng mic na gagamitin ng pari.

Pag-steady ng mic sa gilid ng altar, biglang nagturo sa malayo si Eugene. "Yung mga nagsusuntukan sa likod . . ." Bahagya lang siyang nagbaba ng salamin at hindi na tinapos ang sinasabi. Natigil din ang mga estudyanteng nagkukulitan sa direksiyon kung saan siya nagturo.

"Ang guwapo talaga ni Sir Gene, 'no?" pagsiko ni Marjorie kay Divine.

"Sakto lang," walang buhay na sagot ni Divine at nagkrus ng mga braso.

"Sobra naman ang standard mo, bhie! Yung mukhang 'yan, sakto lang sa 'yo?"

"Ano'ng magagawa ko kung sakto lang talaga ang itsura niya?"

"Grabe ka na talaga. Kaya siguro lagi kang kinukulit ni sir, ang tigas mo sa klase niya." Kinalabit pa siya ni Marjorie at itinuro ang direksiyon ng mga prof. "Ang chika sa faculty, kasal na raw siya. Teacher yung asawa, topnotcher last year sa licensure exam. 'Taas ng qualification, 'no? Pero teacher daw sa barrio yung wife niya kaya wala lagi sa Manila."

"Talaga ba?"

"Pero chika lang 'yan, girl. Sobrang doubtful naman kasi ng kuwento niya. Imagine, may asawa siyang teacher, pero wala siyang girlfriend ever since nagturo siya. As in, walang bakas at all! Plus! Walang Scott sa topnotchers last year. Never pa naming nakita yung wife niya. Kahit yung ibang prof, hindi pa rin nakikita kaya duda sila kung totoo ba. Lagi raw kasing sagot ni Sir Gene, busy or wala. Ilang beses kaya 'yang dinalaw nina Ma'am Juliet sa condo niya! Pero walang signs na may nakatirang babae roon."

Good Boy's DilemmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon