Part 3~ (Last Part)

43 0 1
                                    

A/N: Hala sge mag bunyiiiiii >:) Tatapusin ko na ang kalokohan at kaguluhan saaking storyang iteyyyy :> But mag bubukas naman ako ng new short story. Nyahahaha. Maraming salamat sa mga nag basa sa storyang itey na waley na kwenta XD 

Okay so eto na :*

xoxo,

DEAMiN

Part Three~

Nagising ang dalaga sa silaw ng sikat ng araw.

Ngiti-ngiting nag lakad ito papuntang kwarto, ginawa ang mga dapat nya gawin at nag bihis .

Bumaba sya sa kusina upang mag luto at kumain, pag katapos noon ay pinili nalamang nya na mag relax sa garden nya sa harap ng bahay.

Di nya maintindihan pero parang may hinihintay sya.

Yung lalaki kaya kahapon?

Basta nandon lang sya at inulit lahat ng magandang ala-alang nangyare sakanila kahapon ng lalaki. Parang bigla nalamang syang naka ramdam ng saya sa puso.

Tumibok ng mabilis ang puso nya.

Sa kabilang dako naman,

Agad nag bihis ang binata at sumakay sa taxi nya, hapon na at naisipan nyang lumabas ng bahay.

Pero sa totoo lang naman talaga ay day off nya pero parang may nag tutulak sakanya na bumalik sa bahay nay un.

Mga bandang hapon ay naisipan nyang bumalik sa bahay nay un, sa kadahilanang di nya maintindihan.

Basta ang alam nya lang ay Masaya sya sa ginagawa nya.

Naka ngiti parin sya ng malapad habang pa punta sa bahay nayun.

Pag ka dating nya roon ay nakita nya ang babae na naka upo sa damuhan, na para bang may hinihintay. Bago sya kumatok sa gate ay kumuha sya ng bulak-lak na kulay pula. Ewan nya kung ano naisipan nya pero gusto nya bigyan ng bulak-lak ang babae.

Kumatok sya sa gate, agad naman sya pinag buksan naman ng babae.

“oh ikaw pala.” Naka ngiti na bungad sakanya ng babae.

“Ah oo, sya nga pala para sayo oh.” Nahihiyang iniaabot nya ang pulang bulak-lak. Na rosas.

“Salamat.” Natatawang pasalamat ng babae. Ngayon lang kase may gumawa sakanya ng may mag bigay ng rosas.

Pinapasok nya ang lalaki at naupo sila sa damuhan.

“Bakit ka nga pala andito?” Tanong nya habang pinipitas ang isang piraso ng pisngi o petal ng rosas, inipit nya ito sa isang makapal na libro. At inilagay sa tabi.

“Di ko rin alam eh naisipan ko lang.” –Lalaki

“HAHAHAHHAHA.” NAgulat naman ang lalaki kung bakit tumawa ang babae.

“Bakit?”

“kase naman parehas tayo.” Napaka simpleng sagot ng babae.

“HUH?”

“Ganon din  kase ako eh di ko alam pero inaantay kita pero di ko alam ang dahilan.”

“Tama ka ang weirdo hano?”

“Tama ka dyan.”

Katahimikan.

Simoy ng hangin.

“Gusto ko Makita ang pag lubog ng araw.” Bigla nalang na sabi ng babae.

“Tara?” Yaya nya. At iniabot ng lalaki ang kanyang kamay sa babae.

That Girl , That Guy ... SHORT STORY~ (Finish/ed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon