Part Two~

81 1 0
                                    

A/N: HELLO sa 8 READS ko XD LOOOOOL. Okay lang yan HAHAHAHAH, Kamusta naman daw yung panget na videong nagawa ko? Hayaan na okay? Atsaka, Want U Back po yan ng Favorite singer ko (pero cover lang) Tiffany Alvord <3 <3 <3 HEHEHE pero ang original po ay kay CHER LLYOD ;) sa mga nag tatanong lang naman.

Dedic. ko to kay ate Ales kase mashado ako na inspire at kinilig sa TBYD :> HOHOHO, AYABYUUUUUUUUUUU~

xoxo,

DEAMiN~

...

Part Two~

Tahimik lang sila sa daan, maya-maya pa ay binasag na ng lalaki ang katahimikan.

“Maam saan po tayo ?”

“Di ko rin alam eh, saan ba masarap mamasyal pag ganito ang panahon?” Habang naka ngiti.

“Ahhh ditto pos a subdivision nyo may play ground maganda dun marami pang bata. Kung okay lang naman ho sainyo?” –Lalaki

“Why not!? Sure.” Ngumiti lang ang babae at napa tingin sa salamin sa harap, ganon din ang lalaki kaya nakapag titigan silang dalawa pero agad din sila umiwas ng tingin.

Tahimik sila , maya maya pay dumating na sila sa play ground. Maraming bata doon, madaling natapos ang araw sa pag lilibot nila. Mga bandang 4 ay nag pahinga muna sila sa swing at umupo sa mag katabing swing. Ewan pero di sila nakaramdam ng inip , pagod at gutom. Masaya silang dalawa pareho.

“Ang saya.” Napatingin naman ang naka ngiting babae sa lalaki, ganon rin ang lalaki.

“HAHAHAHHA.” Mahinang tawa ng lalaki.

“HAHAHAHAH.” Tawa pabalik ng babae.

May isa lang silang napansin, ang tao sa paligid tuloy tuloy lang. Kung gumalaw ang mga ito ay parang di sila napapansin.

Napansin naman ng lalaki na parang kilala nya ang batang dumaan sa harap nila. Ang batang babae na kalaro ng kapatid nya.

“Ah maam saglit lang ang ah babalik po ako.” Tumango lang ang babae.

Nag lakad ang lalaki para tawagin ang bata.

“Bata! Bata na naka yellow!” Sigaw nya sa bata.

Pero tumatakbo lang ang bata pa puntang slide na para bang walang tumatawag sakanya.

“Batang naka ipit ng dalawa at naka dilaw na t shirt!” Sigaw sya ng sigaw pero di sya pinapansin kaya tumigil na sya. Baka kase nag kaka mali lang sya.

Ang ginawa nya ay bumalik nalamang sya sa babae na naka upo sa swing.

“Maam.” Naupo ulet sya sa katabing swing.

“Ah pwede ba tayong bumili ng dirty ice cream at cotton candy?” Tanong ng babae sakanya.

“Ah sige po tara dun oh may nakita akong biliha dun.”

Agad naman silang tumakbo papunta sa lugar ng mga stall ng dirty ice cream at cotton candy. Sa tingin nilang dalawa ay parang pamilyar ang matandang lalaki na nag bebenta ng ice cream. Di lang nila matandaan kung saan pero alam nila kilala nila ang famosong Ngiti ng matandang lalaki.

“Ah manong mag kano ho?” Tanong ng lalaki.

“Wag na hijo libre ko na dahil natutuwa ako sainyong dalawa. Bagay kayo.” Naka ngiting sagot nito.

“Nako hindi ho!” Natatawang kontra ng babae.

“Sige na hija hahahah.” Natawa nalang ang matanda.

Naupo naman sila sa isa sa bench na tanaw ang lake. Habang kumakain ng ice cream.

“Nag enjoy ako ang saya.” Sabin g babae habang naka tanaw lang sa lake at naka ngiti.

“Ako rin ho Maam.” Sagot ng lalaki na naka tanaw lang din sa lake.

“Nakakatuwa eh no kanina lang naman tayo nag kita pero parang kilalang-kilala na kita.” Natatawang sabi ng babae.

“ewan ko rin maam, sa totoo lang ang weirdo ng mga bagay.”

“Tama ka.” Sang ayon naman ng babae.

Ng mga madilim na ay napag pasyahan nila na umuwi na. Inihatid ng lalaki ang babae sa bahay nito.

Pinag buksan nya ang babae ng pinto at inihatid hanggang sa pinto ng bahay.

“AH salamat sa araw na to sobra akong nag enjoy, parang ngayon lang ako nagging Masaya buong buhay ko.” Naka ngiti ng malapad na saad ng babae habang naka hawak sa door knob ng bukas na pinto ng bahay.

“Opo ako din maam.”

“Wag na maam feeling ko tuloy ang tanda ko.” Natatawang sabi ng babae.

“Sige hahahaha mag isa ka lang bas a bahay? Parang ang lungkot?” Nag tatakang tanong ng lalaki.

“oo malungkot nga,” Bigla naman silang natahimik bigla. “Ah sige umuwi ka na good bye and thanks.” Naka ngiti na pambasag sa katahimikan ng babae.

Tumalikod na ang lalaki at lumakad papunta sa gate sinara iyon at lumapit na sa taxi nya. Pero bago nya buksan ang pinto ng drivers seat ay sa pang huling beses ngayong araw ay sinulyapan nya ang bahay.

Sa kabilang dako naman,

 Di na kumain ang babae sa halip ay agad umakyat sa kwarto nya at nahiga. Naka titig lang sya sa kisame.

Kauna-unahang beses na sa buong buhay nya, nagging ganon sya ka saya kasama ang lalaki na ni hindi manlang nya kilala. May isa pa syang napansin, habang kasama nya ang lalaking yun sobrang saya at parang silang dalawa lang ang tao sa lugar nay un. At parang may kakaiba sa puso nya.

Napa ngiti nalamang sya, sa sobrang di mapigilang kasiyahan ay ibinaon nya ang mukha sa unan at doon nag sisisi-sigaw.

“uwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.”

At dun nag tapos ang araw nya, naka tulog din sya pamaya-maya.

Sa kabilang dako naman,

Naka uwi na rin ang lalaki pero napansin nya na wala ang lola nya at kapatid na lalaki sa barong-barong nila. Siguro ay umalis ang mga ito upang mag hanap ng Ulam. Dumaretso nalamang sya sa kanyang kwarto at nag bihis.

Humiga sya sa kama, naka ulo sya sa braso nya. Naka titig sa kisame at muling inulit sa isipan ang lahat lahat ng nangyare sa buong araw niya.

Napa ngiti nalamang sya.

Yung babae kanina.

Yung mga ngiting yun.

Napa ngiti lang sya ng maka hulugan at natulog na.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------End Of Part Two

That Girl , That Guy ... SHORT STORY~ (Finish/ed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon