Chapter 7

191 3 0
                                    

HATE

Pagbalik ko sa upuan namin ay di na ako kumibo dahil iniisip ko ang sinabi ng lalaki.

'I don't give a fuck'.

Pabalik balik sa isip ko ang sinabi niya.

'My god alea 'wag mo na nga isipin yon, wala ka rin pakelam sakanya bakit sino ba sya'.

Urghhhhhhhhhh!

"Hoy alea, gaga ka jan!"

Natauhan ako nang sigawan nila ako.

"H-ha? A-ano?" di ko alam kung ano ang pinag uusapan nila kase iniisip ko ang nangyari kanina.

Pinalo ni buddha ang noo ko "gaga ka, kanina ka pa jan nakatunganga" sumandal siya sa upuan. "Ano ba yang iniisip mo at parang di ka na makakain".

"Oo nga kanina ka pa ano ba nagyari sa cr ha, nagcr ka lang eh parang namaligno ka na" pagsusunond naman ni miles.

"Ha? wala may naiisip lang ako" pagtatago ko. Hindi nila ito kailangan malaman kase bibwisitin lang naman nila ako.

Pinilit pa ako na sabihin kung ano ba talaga ang aking iniisip ko pero wala rin naman silang napala kaya tumuloy na lang sila sa pagkain.

Pagkatapos ng ilang minuto ay umupo na ang lalaki sa harap pa talaga ng table namin!

He is always focusing on his phone, ano bang meron sa phone niya na sobrang kinakaabalahan niya. Maybe chatting her gf? Omg why i'm so curios!

I hate him.

"Ba't kaya mag-isa ngayon ang campus crush" ani ni buddha habang nakatingin sa lalaki sa harap namin.

"Malay namin, lapitan mo" ani ni miles sabay inom.

"Gaga baka rambulin pa ako nun, kay yanna pa nga na pinsan di kinakausap ako pa kaya" may tama naman rin 'tong si buddha.

Ako nga rin sinabihan ng i don't give a fuck. Tangina nya.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na rin kami agad sa school. Dumeretso kami sa garden dahil wala rin naman kaming gagawin ngayon.

Hindi pa kami tumatagal sa garden ng bigla kaming pinatawag lahat ni miss lourdes sa room.

"Ano ba yan, wala rin naman tayong gagawin eh" reklamo ni buddha.

"Tama, ewan ko dun nabuang na ata" sumbat ko.

"Ikaw ang nabuang teh, simula sa restaurant hanggang dito ngayon ka lang nagsalita" si buddha.

"Bakit kailangan ba derederetso magsalita, oa mo" tawa ko pa.

"Ganon ka naman talaga gaga, nonestop ang pagiging chismosa ngayon ka lang tahimik" pagtulong naman ni miles kay buddha.

'Ewan ko sa inyo, ooa nyo'.

"Tumigil na nga kayo jan, pasok na lang tayo sa room" si yanna.

Si yanna lang talaga ang pinakaseryoso samin eh, buti may matino pa.

                       
                              ****

Pagdating namin sa room ay nandoon na lahat pati si miss lourdes.

"Pinatawag ko kayong lahat dahil sisimulan na natin ang pagpapractice para sa ipeperform nyo nextweek, lia tawagin mo na ang kabilang section" ani ni maam lourdes.

"Gosh ayoko".

"Dance nanaman".

"Pagod na ako agad".

"Di po ako sasali miss".

Reklamo nila.

Kung hindi lang para sa grades ko di rin ako sasali eh. Bwisit talaga.

Pagdating ng mga kabilang section ay pumunta na kami sa labas para magpractice, masikip lang kase room namin.

Habang nagprapractice kami ay dumating ang grupo ni Xian. Gosh badtrip na nga ako mas lalo pa mababadtrip. Nagkatinginan pa kami at nginitian niya ako, umupo sila mismo sa harap ko!

Ako kase ang nasa harap kaya kitang kita ako.

"Go Alea".

Napatingin ako sa harap ko ng icheer ako ni Xian!

Ano ba trip nito nakakabwisit.

Inirapan ko sya pero nginitian lang ako. Halata na pinipikon nya ako.

Kapag ako talaga napikon, pipigasin ko to!

"Omg narinig nyo yon, chineer ni xian si alea".

"True te lakas non, is there something ba sa kanila?".

Mga chismosa naman oh, may pabulong bulong pa eh naririnig ko naman.

Hinayaan ko nalang sila dahil ayoko naman gumawa ng eksena dito no.

Ilang minuto na ang nakalipas sa aming pagprapractice pero di parin umaalis ang lalaki sa harap ko. Nakakairita na.

Dahil mejo marami na rin naman ang nagawa namin kaya binigyan kami ni miss lourdes ng 30 minutes break. Kukunin ko na sana ang gamit ko ng marealize ko na nasa tabi pala ng kinakaupuan ni xian!

Nakatingin siya sakin at mukhang alam niya na papunta ako dun. "Shet naman!".

Wala rin naman akong magagawa kaya pumunta na lang ako dun.

"Hi alea, mukhang pagod ka eto may tubig ako" inabot pa nya sakin yung tubig niya.

Tinignan ko ang tubig na hawak nya bago ako tumingin sa kanya.

"No thanks, bibili na lang ako" saka ko kinuha ang ang bag ko.

Aalis na sana ako ng hinila nya ako!

Sobrang lapit namin sa isa't isa. So awkward.

"Tignan natin kung hanggang kailan yang taray mo" ani nya.

Agad akong kumawala sa kanya. "How dare you to touch me, i don't even know or close to you".

"Kuya ano ba, tigilan mo na nga si alea respeto naman oh. Iba sya sa mga babae mo ok she's my friend" pumagitna si buddha sa amin.

"Wag mo akong sabihan buddha, kuya mo pa rin ako" si xian.

"I don't care kuya, binabalaan kita isa pa na lapitan mo si lea makikita mo talaga ang langit. Walang baklaan dito".

Sobrang bilib talaga ako kay buddha. Isa talaga siyang kaibigan kahit kuya nya ba kakalabanin nya.

"Tara na buddha" pagaaya ko para matigil na ito. I don't want to waste my time rin naman sa mga walang kwentang tao.

"Makukuha rin kita Alea Michelle".

-ali💗💗💗

Destiny Where stories live. Discover now