Chapter 5

245 5 0
                                    

ANNOUNCEMENT

"Aga mo ah" ani ni miles na kararating lang.

Hindi ko alam kong paano natapos ang araw na iyon, buong linggo ko iniisip ang nangyari sa mall. Hindi ko inaasahan na ang isang porche na kinababaliwan ng lahat pati ang kaibigan ko ay nakasama ko sa lunch!

"Baka malunod ka na diyan sa sobrang lalim ng iniisip mo" hindi ko parin siya pinapansin.

Nakakahiya yung ginawa ko sakaniya! Ano nalang kaya iniisip niya ngayon, mukhang hindi pa maganda ang naging katapusan ng lunch namin.

"Hoy!" Binutakan na niya ako kaya bumalik ang ulirat ko. "Ano ba para na akong baliw dito tapos hindi mo man lang ako kinakausap".

"Aray naman! Eh kase naka-" hindi ko tinapos ang sasabihin ko ng may maalala ako.

Hindi ko pwede sabihin sakanya na nakasabay ko maglunch si porche for sure kung ano ano naman gawing issue nito.

"Ano, may chika kaba na hindi sinasabi?" Hinarap pa ako ng babae.

"Eh kase noong nakaraang araw ay nagmall ako tapos" may tiwala naman ako sakanya but i need to lie.

"Tapos?"

"Nawala ko si lian" pagsisinungaling ko.

"What? You mean your pamangkin, gaga ka nahanap mo rin ba siya kaagad kung ano ano kase ginagawa mo buti hindi ka pinalayas" ang oa naman nito.

"Why would they do that to me tsaka hindi ko naman sinabi no, kung sasabihin ko yun jusko malalagot talaga ako kay kuya".

"Kung sabagay kung ako rin ang nasa pyesto mo hindi ko rin sasabihin".

Dumating rin kaagad yung dalawa kaya nagtuloytuloy ang chismis nila. Akala ko sobrang oa na ang reaction ni miles pero mas may ooa pa pala.

"Grabe ka lea wala kang puso puro kase sarili mo inaatupag mo pano kung may nangyaring masama sa bata ano ha!" Si buddha.

"Hindi ikaw ang ama beh" ani naman ni yanna.

Natigil ang chismisan namin ng dumating si miss lourdes.

Wala siyang dalang books and laptop so it's mean hindi kami maglelesson i am so very very happy kung maari sisigaw pa ako dito eh.

"Ok announcement makinig kayong lahat!" Malakas niyang sigaw. "Hindi tayo maglelesson ngayon".

"Yes!"

"Yay, recess na".

"You're the best miss lourdes".

Sigaw ng mga kaklase ko. Agad naman nagiba ang reaction ni miss lourdes.

"Is that why you all coming in this school? To be happy that there is no lesson? What kind of mindset is that" galit na galit na ani ni miss lourdes.

Walang sumagot dahil sa takot.

"Lahat kayo ay pumunta sa gymnasium dahil may importanteng iaanounce ang dean, be kind wag kayong bastos dun". Pagkatapos sabihin ni miss lourdes yun ay umalis na rin siya kaagad.

Tumayo na ang iba kong mga kaklase para pumunta sa gymnasium. "Ang init kaya sa gym my god" pagmamaktol ni buddha.

Kung kanina ay masaya ako pero ngayon parang nabagsakan ako ng lupa sa sobrang lungkot. Paano pag nakita ko siya dun ano gagawin ko, pinaglalaro ba ako ng tadhana?

Pero hindi ko naman siguro siya makikita dun sa sobrang lawak naman siguro ng gymnasium ay hindi ko naman siguro siya makikita.

Sa sobrang tagal ko na nagiisip ay sumama rin naman ako dahil mas mahirap ang mapagalitan kay miss lourdes.

Nakarating rin kami kaagad sa gym at marami na ang studyante mukhang wala na nga rin kaming mauupuan eh buti na lang may sariling upuan by grades.

"Sana makita ko si porche para mabuo na ang araw ko" ani ni buddha bago umupo.

Para akong nabulunan ng marinig ko ang pangalan na iyon.

"Sana hindi naman" bulong ko.

Pero mukhang narinig nila. "Ano?" Nabigla pa ako sa sobrang lakas ng boses ni buddha.

"Ikaw lea ah bat naman ayaw mong makita nitong si budda si porche" omg ano ba naman kase itong iniisip ko.

"H-ha hindi ah wala naman akong sinabi" nauutal ko pang aniya.

"Naku rinig na rinig namin lea siguro pati si porche narinig rin" si buddha.

Bwisit na porche namab kase yan oh. "Wala nga oa niyo may iniisip lang naman ako eh tsaka fyi hindi ko kilala yang porche na yan" pagsisinungaling ko.

"Tumigil na nga kayo,tama naman si lea hindi naman nia kilala si porche" my savior buti nalang laking anghel tong si yanna.

Dumating na rin kaagad ang dean kaya nagsimula na ito. Marami pa ang sinasabi niya bago nagsimula ang important announcement na sinasabi nila.

"So let's go to the point kung bakit ko kayo pinatawag dito. Dahil malapit na ang anniversary ng ating paaralan ay may gaganapin na foundation next week, i announce it now because you need to be ready dahil kada grade ay magpeperform and any else ok that's it. You can now take your recess".

"Yun lang?" Ani ni budda.

Yun lang naman pala ang sinasabi nilang important announcement eh jusko pwede naman iannounce nalang by room.

Lumabas na rin kami sa gym dahil ang init talaga. Napagpasyahan naman namin na si buddha at miles ay bibili ng pagkain tapos kami ni yanna ay mauuna na sa garden baka kase mawalan kami ng table for sure marami ang tatambay dun ngayon.

Naglalakad kami ni yanna papunta sa garden ng shs ng may marinig kaming nagsisigawan. Tumingin kami ni yanna sa pinaggalingan ng mga ito ng may maraming studyante ang nakakumpon doon mukhang may tinitignan sila.

Nang lumapit kami ni yanna dun ay may mga nagsusuntukan ngunit napatigil ako ng makita ko ang lalaking iniiwasan ko, nakatayo siya at nakacross ang kamay na parang wala siyang pakealam sa mga kaibigan niyang nakikipagsuntukan.

"Is that porche?" Tanong nitong kasama ko.

Hindi ko nalang siya sinagot baka kase mahalata niya na kilala ko ang lalaking iyon.

Lumapit si yanna doon kaya sumunod nalang ako. "Stop it" pero hindi pa rin sila tumigil.

Nakuha namin ang atensyon ni porche nakakunot ang noo siyang tumingin kay yanna at napaatras ako ng mapunta saakin ang atensyon niya kaya ako na ang umiwas.

"Pwede ba tumigil na kayo!" Malakas na sigaw ni yanna kaya napatigil silang lahat.

Pero mas napatigil ako ng makita kung sino ang kaaway nila. It's xian! Bwisit na buhay talaga eh no silang dalawa pa itong nakita ko.

"Tinaguriang senior high pa naman kayo pero kayo pa itong nagsisimula sa away!" Dahil sa kaepalan ko ay napunta saakin lahat ng atensyon nila. My god alea ano nanaman ba ginawa mo!

"At sino ka naman, kung ikaw kaya tirahin namin diyan" sabi ng isang kasama ni xian.

Wow! O kung siya kaya upakan ko!

"Stop it bro" tumingin saakin si xian tsaka niya ako kinindatan. Kadiri! "Wag yan girlfriend ko yan" tsaka sila umalis!

Bulong dito bulong doon ang naririnig ko.

What!!!!!!! Epal talaga!!!!!!!!

"Let's go" narinig kong yaya ni porche sa mga kasama niya.

"Porche, we need to talk" ania ni yanna.

Tinignan ko si porche ngunit nakatingin siya ngayon kay yanna, ibinaba na niya ang nakacross niyang kamay.

"I don't have a time" tsaka siya umalis at sumunod naman ang mga kasama niya sakanya.

-ali💗💗💗

Destiny Where stories live. Discover now