Chapter 3

1 0 0
                                    


Artemis Pov;

Gabi na nang maka rating ako sa apartment na tinitirahan ko.

Hindi na namin namalayan ni Yshia kanina na gabi na pala at apat na oras na kaming naka tambay sa cafe na yun. Pano ba naman kasi nag enjoy kami sa pagku-kwentohan tapos sumabay pa sa kanta ng paborito naming k-pop na Enhypen.

The Heaven's Sweet Cafe is a bit famous on our school, ah not only to our school pati din pala sa ibang school. Pano naman kasi yung owner din pala ng cafe ay usang Enhypen fan din kaya very Tuesday, Thursday and Saturday ay nagpapa tugtug sila ng Enhypen songs at may free wifi pa kaya marami ang naka tambay dito palagi.

Palagi rin itong dinadayo ng ibang mga tao, mapa estudyante man o hindi. But most of the time every Tuesday, Thursday and Saturday ay mas marami ang tumatambay doon.

"Kanina pa kita hinihintay Artemis. Where have you been? Uwian ba ito ng matinong babae ha?!" bungad na sigaw ni Yugen pagpasok ko palang sa loob ng apartment namin.

Napa buntong hininga naman ako at nilampasan ito dahil pag papatulan ko ito ay baka mag aaway na naman kami.

"What the fuck Atemis! I'm talking to you, don't you dare turn your back on me!" Galit na naman na saad nito at hinila ang kamay ko paharap sakanya.

"Ano ba Yugen! Pagod ako okay? Pwede ba? Bukas mo nalang ako sigawan?" inis ding untag ko dito.

"No! Answer me first, where have you been?" tiim bagang na saad nito habang nanlilisik ang mga mata nito.

"Tumambay kami ni Yshia sa cafe, hindi namin namalayan ang oras kaya ginabi kami. Ano okay ka na?" pagod na saad ko dito at binitawan naman ako nito.

"Akala ko lumandi ka na naman e. Sa susunod tumawag ka naman Artemis." inis na saad nito at tinalikuran ako.

Napa buntong hininga naman ako at tuluyan nang pumasok sa kwarto ko at pagod na humiga sa malambot na kama at tuluyan ng hinila ng antok.

*********

"Aalis ako ngayon!" bungad ni Yugen ng lumabas ako mula sa kusina para sana tawagin ito.

"Saan ka pupunta? Akala ko ba may tinatapos ka?" takang tanong ko dito.

"Pupuntahan ko lang iyong agency na papasahan ko ng script na ginagawa ko." sagot nito

"Bakit?" takang tanong ko dito dahil sa loob ng ilang weeks ay hindi ito lumalabas sa apartment namin.

"Pinapatawag ako. Dami mo namang tanong e." inis na saad nito

"Ah sige, ingat ka."

Saad ko bago ito tuluyang tumalikod at lumabas na ng bahay.

Bumalik naman agad ako sa kusina at nagsimulang ligpitin ang kinainan ko at nilagay sa ref ang mga natira.

Pagka tapos kung mag ligpit ay dumiretso ako sa sala at kinuha ang naka handang bag ko saka pumasok na sa trabaho.

We don't have class kasi ngayon at mamaya pa iyon, mga five pm pa kaya papasok muna ako sa part time job ko pandagdag narin sa gastusin.

Nag p-part time job ako sa isang medyo sikat na restaurant at ilang minuto pa ang byahe para maka rating doon.

Nang maka labas ako ng apartment ay agad ko namang nilock ang pintuan at naglakad na palabas ng gate para pumara ng masasakyan.

Ng may humintong taxi sa harap ko ay mabilis naman akong pumasok at sinabi sa driver ang distinasyon ko.

Minutes had past ay nakarating na rin ako sawakas sa restaurant na pinag t-trabahohan ko kaya nagbayad muna ako kay manong driver saka bumaba na.

Alas syete umpisa ang trabaho ko at sampong oras nalang ang natira para mag umpisa na ang trabaho ko.

"Good morning ma'am Alice." naka ngiting bati ko sa boss ko ng bumungad ito pagpasok ko sa loob.

The restaurant I am working right now is two story building. Malapad ito at malaki. Sa unang palapag ay kinakainan din pero ang nasa pangalawa ay VIP room. Exclusive only for those private customer na mayayaman at gusto ang VIP. Malaki din ang sahod ko dito kaya nakaka tulong din ito sa pangagailangan ko.

"Good morning too Artemis. How are you? How's your study?" naka ngiting tanong nito.

"Ayos naman po ako ma'am saka yung studies ko. Kayo po?" ngting balik na tanong ko dito.

"Well i'm fine naman. By the way iiwan ko muna kayo dito ha! Kayo na muna bahala sa mga customer dahil may importante pa akong gagawin. Got to go!" tugon nito saka nagmamadaling umalis na.

Pumasok naman ako agad sa loob ng locker room naming mga nag t-trabaho at kinuha ang uniform at sinuot na ito.

Mabilis naman akong lumabas sa locker room at pinusod ang buhok into messy bun.

"Omg Artemis! kamusta ka? Na miss kita girl!"

Tiling saad ng kaibigan kung bakla na ka trabaho ko din dito sa resto at niyakap ako.

Agad ko naman itong niyakap pabalik.

"Na miss din kita bakla."

Naka ngiting saad ko dito at humiwalay sa yakap. Maliban kay Yshia ay may kaibigan rin akong bakla. Nagka kilala kami dito sa restaurant na tina trabahohan ko at matagal na pala siyang nag ta-trabaho dito.

His name is Kenzo Loui Fior, pero dahil bakla siya Kendra daw dapat ang itawag namin sakanya. Nanghihinayang nga ako e kasi nung una ko siyang nakita akala ko lalaking lalaki siya kasi makisig ang katawan niya at halatang palaging nasa gym. Pero nagulat ako nung maka usap ko ito at nakita ko itong maglakad ay mas malambot pa ang katawan kisa sakin.

Akala ko nung una lalaki siya, binabae pala. Nanghihinayang nga ako nung una e kasi sayang yung kapogian niya pero shuta balikong baliko talaga e.

"Anong iniisip mo girl bat ka tulaley?"

Napa balik ako sa ulirat ng marinig ko ang sambit ng bakla na nasa harap ko pala.

"Wala! O siya mag umpisa na tayo madami ng customer oh."

Pag iiba ko nang usapan at nag umpisa ng asikasuhin ang mga customer dahil dumadami na rin sila.

Pagod naman akong napa upo sa upuan nang matapos na ang trabaho ko. Anim na oras na ang naka lipas at tanging pag ta-trabaho lang ang ginawa ko sa anim na oras na yun dahil madami ang mga customer.

Madami ang customer ngayong araw, kahit marami na ang umaalis marami parin ang dumadating kaya hindi nauubusan ng customer at walang tigil din kami sa kaka asikaso sakanila.

"Maraming customer ngayon, nakaka pagod gosh! Ang panget ko na." maarteng saad ng bakla ng tumabi ito sa'kin.

"Pangit ka naman talaga HAHAHAHA!" Natatawang saad ko dito at napa simangot naman ito.

"Maganda ka, Maganda?" mataray na saad nito sa binabae na boses kaya napa tawa naman ako sa tono ng pananalita nito.

"Syempre ako na to e." mayabang na saad ko dito at nag flip hair pa para mas lalo itong inisin.

"Chee! Ewan ko sayo diyan ka na nga!" mataray na saad nito at kumikembot kembot na lumayo sa tabi ko.

Natatawa at naiiling ko naman itong tinignan na naglakad dahil kumi kembot talaga ang katawan nito at malambot pa ata sa'kin. Gwapos sana kaso bakla, sayang yung lahi nila tskk.

Maya maya ay tumayo na din ako sa inuupuan ko at saka pumunta na sa locker room para magbihis at umuwi na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 14, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Writer's DreamWhere stories live. Discover now