Prolugue

5 0 0
                                    

This story is unedited. So expect Typo's and Grammatical Errors!

***

Artemis Pov;

"Love? Susunduin mo ba ako mamaya?" bungad ko sa boyfriend kung si Yugen na kausap ko sa kabilang linya.

"No Artemis! I'm busy, mag commute ka nalang. And stop bothering me will you? may hinahabol akong deadline." sigaw nito sa kabilang linya na may inis sa boses kaya napa buntong hininga nalang ako.

"Sige. Ahhmm pwede bang ikaw nalang magluto ng dinner natin? Baka kasi gabihin ako, pwede?" mahinang tugon ko sa kabilang linya.

"Sige na! Sige na! just stop calling and texting me, ang ingay e!" galit na sigaw nito at magsasalita pa sana ako kaso binabaan ako agad kaya napa buntong hininga nalang ako.

And he's Yugine Feris my boyfriend. We've been together for almost three years and he's a writer, a not well known writer for now. At first maayos naman ang lahat, but three years later unti unti narin itong nagbabago.

He became cold to me, palagi nalang s'yang naiinis at nagagalit sa'kin. And were living in the same roof, he's already graduated and i'm a fourth year college taking Law course. I know it's hard but since I was a kid, pangarap ko na ito.

I'm a working student kahit sino-sustentohan naman ako ng parents ko pero hindi yun sapat. And Yugen? Graduated na ito pero hindi ito nag hanap ng trabaho dahil ang lahat ng atensyon nito ay naka tuon lamang sa laptop at papel nito habang nag susulat.

Lahat ng gastosin sa bahay ay ako ang gumagastos. Kuryente, tubig, pagkain at saka monthly bayad sa inuupahan naming apartment. Nagkakandarapa na ako sa kaka hanap ng ibang part time job para hindi ako kapusin sa pera. Sinasabay ko ang pag t-trabaho ko habang nag-aaral, mahirap pero pilit kung kinakaya dahil may pangarap ako.

At andito pala ako ngayon sa loob ng campus ng school namin at papalabas na sa gate dahil tapos na ang klase namin. 

Alas sais na din ng gabi kaya medyo madilim na ang kalangitan. Naglakad naman ako papuntang bus station para maka uwi na.

Nang makarating ako sa bus station ay sumakay agad ako para maka uwi na.

Ilang minuto ang lumipas ay naka rating din ako sawakas sa harap ng apartment na tinitirhan namin. Alas siete na ng gabi dahil malayo ang eskwelahan na pinapasukan ko sa apartment namin kaya palagi nalang akong ginagabi pauwi.

Hawak ang duplicate key ay binuksan ko agad ang pintuan at pumasok na sa loob.

"Hi love, I'm home!" sigaw ko at nilapag ang bag sa sofa.

"Ano ba Artemis, ang ingay mo!" singhal ng boyfriend ko habang naka upo ito sa lapag at kaharap na naman ang loptop nito.

"Sorry." hingi ko ng tawad

"Ahmm by the way, nakapag luto kana ba love?" tanong ko dito

"What? nakapag luto? Are you insane Artemis? Obligasyon ko bang magluto ha?! tanga ka ba?! sigaw nito kaya napa yuko naman ako.

"Ahh sige ako nalang magluluto." mahinang saad ko dito saka ngumiti ng pilit at tumalikod na.

"Tskk!" saad nito pero hindi ko na ito pinansin pa.

Gusto kung maiyak dahil sa pinanggagawa ni Yugen sa'kin pero pinigilan ko. He's always like that. Nawalan na ito ng oras sa'kin bilang girlfriend nito at para narin akong yaya nito kung makapag utos. Pero tiniis ko lang iyon lahat dahil alam kung stress ito sa ginagawa at alam ko ding mahirap maging isang writer. Kaya hanggat kaya ko, titiisin ko.

And besides I loved him. I can't lose him sa kabila ng pinangagawa nito sakin, I still love him. Kaya hanggat kaya kung tiisin, titiisin ko. I know nag papaka tanga na naman ako sakanya pero hindi ko talaga siya kayang iwan e.

Martyr na kung martyr wala akong pakialam. As long as kaya ko pa, mananatili ako sa tabi niya. But when the time come's na mapagod ako sakanya I swear i'll leave him.

Ng dahil sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na tapos na pala ang adobong niluluto ko. Kaya pinatay ko na yung kalan at nilagay ito sa mangkok at inihain ito sa lamesa kasama ang kanin.

After arranging the table, ay pumunta ako agad kung nasaan si Yugen na nasa laptop  parin ang tingin.

"Ahh love, luto na yung pagkain. Let's eat?" tanong ko dito

"Mauna ka na Artemis! I'll just finish this, and stop asking me and bothering me again. Kumain ka mag isa mo!" sagot nito sa masungit na boses kaya napa buntong hininga naman ako.

"Sige. Titirhan nalang kita baka gutumin ka mama—"

"Sige na! Sige na! Dami mong dada, umalis ka na nga!" sigaw nito at tinulak ako at muntik na akong matumba, mabuti nalang at naka hawak ako sa sofa na nasa tabi ko.

Tumulo yung luha ko dahil sa inasta nito pero agad ko din namang pinunasan at tumalikod. Nasasanay na ako sa ganto kaya hindi na bago sa'kin lahat.

Masama man ang loob ay kumain akong mag isa. Hindi naman nag tagal ay natapos din ako, kaya hinugasan ko muna yung pinagkainan ko.

After cleaning the kitchen, ay pumasok ako agad na kwarto ko. Nadaanan ko pa si Yugen pero hindi ko na ito pinansin dahil baka sigawan na naman ako nito.

When I entered my room ay dumiretso agad ako sa closet at kumuha ng susuotin. Pagka tapos kung kumuha ng susuotin ko ay dumiretso agad ako sa banyo para maligo.

When I entered the cr, I started to take off my cloths and I open the shower.

Minutes later ay natapos din ako agad, kaya bumihis naman ako agad at lumabas sa cr. I dry my hair and after that I fix my bed para humanda na sa pag tulog.

Ng dahil sa kapagodan ay hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako.

A Writer's DreamWhere stories live. Discover now