Chapter 3

69 6 8
                                    

Disoriented ako pagkagising ko. Alas otso na ng gabi. Kelangan ko na magbihis para sa 9pm shift ko. Buti na lang may isang pares pa ako ng uniporme. Kahit papaano naisip din ni Aling Leticia na magtatrabaho pa ako. Babayaran ko rin naman siya, at babalik ako sa boarding house.

Hindi ko na ginising sina Mark at Shania. Nakabukas ang pinto sa kwarto niya, at nang sumilip ako, nakita kong nakayakap si Shania kay Mark. Magsyota yata sila, pero labas na ako dun.

Pangit naman kung aalis lang ako na di nagpapaalam. Ang problema, hindi ko alam ang numbers nila. Hinanap ko rin sila sa Facebook, pero di ko makita ang accounts nila. Kaya nag-iwan na lang ako ng note.

Kinuha ko na ang bag ko. Nilagay ko na lang pati yung marumi kong damit na sinuot ko nang nakaraang magdamag.

Ganun pa rin naman ang itsura ng ospital. Parang walang nangyari. Si Sir Patrick ang una kong pinuntahan. Nasa nurse station sila. Masayang nagkukwentuhan kasama ang iba kong katrabaho.

"Sir Patrick!" bulyaw ko sa kanya.

Tumigil sila sa kwentuhan nila at sabay silang napatingin sa akin. Lumabas si Sir Patrick sa station na parang osong mabigat ang mga paa.

"Alam mo bang muntik na akong patayin nung baklang kaibigan mo kagabi?" Hininaan ko ang boses ko, pero diniinan ko.

Tinulak ako ni Patrick sa isang sulok. "Huwag kang mag-eskandalo kung ayaw mong malaman ng mga kasama natin ang sideline mo."

"Edi ipaalam mo!" Bulyaw ko sa kanya. Lumapit ako sa nurse station. "Oy, alam niyo bang nagsa-sideline ako ng pagpopokpok ako." siyempre nagulat sila. Hindi naman talaga ako nagpopokpok. Isang beses pa lang akong nagpachupa sa isang bank manager na inaya ako sa kotse niya habang naglalakad ako pauwi.

Hinila ako ni Sir Patrick. "Tumigil ka nga."

Tinulak ko siya. "Ikaw ang tumigil. Gago ka! Nagtiwala ako sa'yo tapos ipapain mo lang ako sa gagong baklang yun."

"I'm sorry, Nathan." Pinunasan niya ang pawis niya sa noo. "Hindi ko naman alam na ganun siya. Na drug addict siya."

"Ano!"

"Actually, hinuli siya ng mga pulis kagabi."

Nabigla ako sa siniwalat niya.

"May narinig kasing putok ng baril sa room niya. Niyo. nakakulong siya ngayon."

"Buti nga sa kanya."

"Hinahanap ka rin ng mga pulis. May mga pulis na pumarito kagabi. Nakita ka kasi sa CCTV ng hotel na kasama ka niyang nagcheck in, naka uniporme ka pa."

"Putang ina, madadamay pa ako sa kagaguhan ng kaibigan mo!"

"Hindi naman. Tatanungin ka lang nila kung anong nangyari. Don't worry."

Naalala ko na naman ang nangyari sa hotel, kung paano muntik na akong mababoy ng hayop na yun. At kung paano niya ako muntik barilin. Kung paano tumigil ang bala sa era. Kung paano tumigil ang oras.

"Okay ka na?" tanong ni Patrick.

Tinitigan ko lang siya. "Kung alam mo lang kung anong nangyari sakin..."

"Sorry na nga."

"Wala nang magagawa yang sorry mo, Sir Pat!"

"Alam ko, pero kung gusto mo akong sapakin, mamaya na lang after ng shift natin, okay?" Bumalik siya sa nurse station.

Isa o dalawang minuto akong napako sa kinatatayuan ko hanggang sa lumabas si Jonie na kanina pa yata nakatingin sa akin.

"Ikaw ha," saad niya na parang nilalandi niya ako. "Akala ko di ka callboy."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ORBETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon