part 19

716 26 1
                                    

Freen's POV

Nagising na lang ako na nakatali sa upuan, nakaduck tape ang bibig at nakapiring ang mata. Pinilit kong sumigaw.

"Hmmmm!!!" Sigaw ko pero nukhang walang makakarinig sakin. May narinig akong mga yapak na papalapit sakin. Paglapit niya ay tinanggal niya ang piring sa mukha ko at bumungad sakin ang talipantas na si Seng, natakot ako dahil meron siyang hawak na baril.

"Hi my ex wife? Namiss mo ba ako?" tanong niya sakin.

"Hmmm!" hindi ako makapagsalita dahil sa duck tape na nasa bibig ko.

"Oh shoot sorry, wait tanggalin ko lang" biglang niya tinanggal ang duck tape at nagsisisigaw ako.

"Tulong!! Tulungan niyo ko!! Pakawalan moko dito Seng!" sigaw ko. Nagpupumiglas ako sa pagkakatali pero sobrang higpit nito.

"Not too early my dear. Akala niyo ba ay basta basta ko na lang kayo hahayaan ng babaeng yun sa mga pinaggagagawa niya sakin? Sinira niyo ang buhay ko. Dahil sainyo namatay si mommy at daddy. Buhay ang nawala, kaya buhay din ang kukunin ko" natatakot ako kay Seng dahil nanlilisik ang mga mata nito, at aware ako sa kundisyon niya.

"Seng please, maawa ka. Pakawalan mo na ako dito. Promise kakausapin ko si Becky. Ibabalik namin ang lahat ng properties na nakuha sayo. Just please pakawalan mo lang ako" pagmamakaawa ko.

"Wala!! Hindi niyo kayang ibalik ang lahat ng nawala sakin! Sabihin mo nga ha!" lumapit siya sakin at tinutok ang baril sa sintido ko, napapikit na lang ako at nagdadasal. "Sabihin mo! Maibabalik niyo pa ba ang mommy at daddy ko?! Ha!?" sigaw ni seng sakin.

"Seng hindi na namin kasala-" pinutol niya ako sa sasabihin ko.

"Kasalanan niyo ang lahat nang to! kasalanan to ng mommy mo dahil tatanga tanga siya at di niya mamanage ng maganda ang company niyo at kailangan ka pang ipakasal sakin, kasalanan mo kung bakit nawala lahat ng meron ako, kasalanan niyong lahat to!" nagulat ako ng biglang siyang nagpapaputok ng maraming beses.

"Seng please nagmamakaawa ako sayo pakawalan mo na ako, hayaan mo na kami" pagmamakaawa ko sakanya, habang siya ay paikot ikot at pabalik balik habang pinupokpok ang ulo nito. Sobrang natatakot nako sakanya.

"Manahimik ka!" he said and ipinukpok ang baril na hawak niya sa ulo ko and it all went black.

Author's POV

At becky's hospital room

Hindi pa rin nagigising si becky mula kahapon. Sobrang nag aalala na ang family at friends niya, dahil na rin sa kalagayan niya. Habang nakadukmo sa magkabila ni becky ang mommy niya at mommy ni freen, ay dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya.

"Freen? Love? Love asan ka?" saad niya na nagpagising sa mommy niya at sa mommy ni freen.

"My gosh anak salamat at gising ka na!" agad siyang niyakap ng mommy niya.

"Dad, si freen nahanap na ba?" tanong niya sakanyang daddy.

"We're doing our best to find her anak" sagot naman ng daddy niya. Pero biglang umupo si becky at tinanggal ang kanyang swero. Kaya't pinigil siya ng mommy at kuya niya.

"Hahanapin ko siya. Hahanapin ko si freen! Bitawan niyo ako!" sigaw ni becky habang umiiyak at pilit na kumakawala sa mommy at kuya niya.

"Anak huminahon ka please, alalahanin mo ang anak niyo ni freen. Lahat gagawin namin mahanap lang siya" saad ng mommy ni freen habang hinahawakan niya ito si pisngi. Bumaling si becky sa daddy niya

Still YouWhere stories live. Discover now