part 4

1K 34 1
                                    

Freen's POV

Asan na kayo yung apat na yun. Kanina pa akong 11am dito. Kahit kelan talaga di sila on time. Makapag order nga muna.

Pagkaorder ko eh bumalik ako sa upuan, maya maya lang eh anjan na yung apat na asungot.

Nam: Freen!!! (sabay kaway)

Freen: katagal niyo naman kanina pa ako dito ohh

Heng: eto kasing si Bai apakatagal magprepare, kala mo naman kagandahan

Bai: oh talaga talaga?? (Akmang susuntukin si Heng)

Freen: nako umorder na kayo ng inyo kasi nakaorder nako

Nam: oki oki

Pagkaorder nila ay umupo na rin sila sa table namin.

Nam: so freen anong balak mo sa loob ng 1yr?

Freen: ganon pa rin, magpapakahousewife kay seng. Habang hinihintay kung kelan ko na mapipirmahan yung divorce paper.

Noey: may naisip ako guys

Heng: spill bro

Noey: what if puntahan natin si Becky?

Nam: eh sira pala ulo neto eh. Dimo ba nakita yung security nun kahapon? Sige aber sabihin mo samin plano mo kung pano tayo makakalagpas sa mga security niya ng hindi napipilayan?

Noey: sabi ko nga dapat di nako nagsalita

Nagsitawanan naman kami sa sagot ni Noey.

Freen: nga pala invite ko kayo sa condo namin, party tayo

Bai: sure

Nam: hindi ba magagalit si seng?

Freen: nasa business trip naman siya eh. Ok lang yan

Nam: well then....let's partyyyy!!!

Heng: kelan ba tol?

Freen: tomorrow night?

Nagtinginan sila sabay sabing "G!!"

(At Becky's Office)

Irin's POV

Ano kaya nangyari sa babaeng to. Kagabi pa siya ganyan. Parang may gumugulo sa isip niya.

Irin: hoy bes anyare sayo?

Di siya sumagot kaya mas nilakasan  ko boses ko.

Irin: bes anyare sayo?!!

Yown nabalik din sa ulirat

Becky: ahh. Ehhh. Ah wala. Ahm yung mga papers pala for the new condo na ipapatayo, ok na ba?

Irin: oo naayos na yun. Anything you want?

Becky: ah wala na sige you can go.

Pagtalikod ko eh bigla niya akong tinawag

Becky: wait Irin

Irin: yes

Becky: can you call Mr. Bravo. Tell him it's urgent.

Irin: ok.

Lumabas na ako ng office niya at nagtungo sa desk ko para tawagan si Mr. Bravo. Ano kaya binabalak niya bakit niya pinapapunta dito yung private investigator na yun.

Becky's POV

Becky: I need to find you my love. I will do everything to get you back, even if it'll cost all I have.

Still YouWhere stories live. Discover now