ANG SIMULA

560 23 4
                                    

Sa likod ng mortal ng mundo  ay may isang mundo, kung saan hindi kailaman mapupuntahan ng mga normal na tao.  Dito naninirahan ang mga immortal. Sinadyang pinaghiwalay ni Bathala ang mundo ng mga tao at mga immortal upang mapanatili ang kaayusan at balanse sa bawat mundo. Maraming ang naninirahan sa mundo ng mga immortal. Isa na rito ay ang mga engkanto, lobo, bampira, at iba pang mga nilalang na hindi makikita sa mortal na mundo. Bawat lahi ay may sariling kaharian.  Ngunit may dalawang lahi na pinakamakapangyarihan sa mundo ng mga immortal. Ito ang mga lahi ng bampira, at nahahati ito sa dalawang lahi. Ang lagi ng mga Alba (puting bampira) at Nigrum (itim na bampira). Ipinagkatiwala ni Bathala sa mga puting bampira o Alba, ang pagbabantay sa portal papunta sa mundo ng mga mortal. Ang lahi ng Alba ang nagpapanatili ng kaayusan sa mundo ng mga immortal, at ang kanilang hangarin ay namumuhay ng payapa. pinamumunuan sila ni Haring Azzurion at Reyna Lemuela. Mayroon silang anak na lalaki, si Prinsipe Magnus, na isang sanggol pa lamang.

Isa sa mga lahi na lumayo kay Bathala ay ang lahi ng Nigrum. Ang hari nila ay si Sukerion at ang Reyna  Dashia, may dalawa silang anak, sina Orion at Awiry. Ang lahi nila ay nagdudulot ng gulo sa ilang kaharian. Nais ni Haring Sukerion na sakupin ang kaharian ng mga Alba, maging ang mga mundo ng mortal upang malampasan ang kapangyarihan ni Bathala. Nais ni Haring Sukerion na maging mas makapangyarihan sa lahat, kaya't lumayo siya kay Bathala. Gayunpaman, nauwi sa wala ang ambisyon ni Haring Sukerion na malampasan si Bathala. Sinakop nila ang iba't ibang kaharian upang makakuha ang sinag ng bawat kaharian hanggang sa nalaman nila ang propesiya. Ayon sa propesiya, isang sanggol na lalaki ang isisilang at magpapabagsak sa lahi ng Nigrum, Nang malaman ito ni Haring Sukerion, pinatay niya ang mga bagong panganak na lalaki sa iba't-ibang kaharian.

SA KAHARIAN NG ALBA.

"Mahal na Hari!" sigaw ng isang mensahero.

Nagmamadaling pumunta ito kay Haring Azzurion kasama niya ang puting salamangkero.

"Isang mensahe mula sa mundo ng mga diwata at engkanto."

 "Ano ang dala mo sa aking kaharian?" tanong ni Haring Azzurion.

Yumuko ang engkanto sa harap ni Haring Azzurion.

"Ako si Maguseo, at ito si Aram, ang puting salamangkero." Kami ay ipinadala ng aming Reyna upang ipaalam sa inyo na kinakailangan nyong isara ang daanan patungo sa inyong kaharian. Ang lahi ng Nigrum ay unti-unting kumakalat sa maraming kaharian dahil nais nilang patayin ang lahat ng sanggol. Tatlong  sanggol sa aming lahi ay malupit na pinatay. Nais naming magbigay ng babala sa inyo. Ang mga sanggol sa inyong kaharian ay maaaring isunod na patayin."

"Bakit nila kailangan patayin ang mga sanggol?"

"Dahil iyon ang nakasulat sa propesiya."

Kumunot ang noo ni Haring Azzurion. "Nahanap na ba nila ang nawawalang pahina mula sa Aklat ng Paglikha?"

"Hindi ko alam. Narito kami upang magbabala sa inyong kaharian."

"Salamat, Maguseo, Ad tempus removendum scutum signatum!" Nagliwanag ang mga mata ng Hari ng kulay asul, at itinaas niya ang kanyang puting kapa sa hangin. Ito'y kumilos nang sobrang bilis na parang hindi makikita.  Lumitaw ang isang bilog ng liwanag, at makikita sa liwanag na iyon ang daanan patungo sa kaharian ng Alba.

"Salamat, mahal na Hari," sabi ni Maguseo.

"Sa pag-uwi ninyo sa inyong kaharian, nawa'y gabayan kayo ni Bathala," wika ni Haling Azurrion

"Aram, bumalik na tayo sa ating kaharian" 

"Viam regni nostri aperi. (Buksan ang daan patungo sa aming kaharian!) sigaw ng salamangkero. 

Nang pumasok sila sa sinag ay biglang nawala ang mensahero at ang puting salamangkero. Ginamit nila ang salamangka upang hindi sila mahuli ng mga Nigrum. Nang umalis ang mensahero, at salamangkero, bumalik si Haring Azsurion sa kanyang trono.

Napansin naman ito ng kanyang pinakamalapit na alalay, si Gionano. "Anong iniisip mo, aking Hari?" tanong ni Gionano.

Huminga ng malalim na hininga si Haring Azzurion. "Ako'y nag-aalala sa kaligtasan ng aking Prinsipe."

Nakaramdam ng kalungkutan si Gionano. "Bakit kayo nag-aalala sa kanya, aking Hari?"

"Ang lahat ng mga bagong panganak sa iba't ibang kaharian ay pinatay ng mga Nigrum. Kapag nalaman nila na nagsilang ang aking Reyna ng isang batang lalaki, siguradong sasakupin nila ang ating kaharian upang patayin ang mga sanggol at ang aking prinsipe.”

"Ang ating kaharian ay naka-selyo sa kapangyarihan ng sinag. Hindi sila makakapasok dahil sila ay magiging abo."

"Ang Nigrum ay nakapabagsak  na ng maraming kaharian, kaya malamang nakuha na nila ang sinag ng bawat kaharian. Kung pagsasamahin nila ang sinag na kanilang hawak, malilipol ang ating depensa."

"Mahal na Hari, bakit hindi ka makipag-ugnayan kay Bathala para malaman natin ang nararapat gawin?"

"Maganda ang suhestiyon mo. Pakiabisuhan ang tagapangalaga ng templo na ihanda ang alay," wika ni Haring Azurrion.

Tumango si Gionano. "Gaya ng inyong kagustuhan, aking Hari."

Sa isang saglit, si Gionano ay nawala sa harap ng Hari. Ilang minuto lang ang nakalipas, ang mga alay ay naroon na sa loob ng templo. Pumasok si Haring Azurrion at yumuko, ang kanyang mukha ay nakalapat sa sahig habang nagdarasal kay Bathala.

Matapos ang ilang segundo, may nakakasilaw na liwanag ang lumabas. Sa lakas ng sinag na ito ay kayang gawing abo ang mga karaniwang bampira.

"Bakit mo ako tinawag, Azurrion?" wika ni Bathala 

Siya'y nanatiling nakaluhod, at ang kanyang mukha ay nakalapat sa sahig.

"Bathala, binalaan ako ng kaharian ng mga Diwata. Ang mga Nigrum ay nagsisimulang maghasik ng gulo. Sila'y pumapatay ng mga sanggol, ako'y nag-aalala para sa aking anak."

"Ang nakasulat sa propesiya ay hindi mababago, dalhin mo ang iyong anak sa mundo ng mortal upang maiwasan ang pagkakasakop sa inyong kaharian."

"Bathala, ako'y natatakot na baka hindi ko na makita ang aking anak."

"Ang pagtatagpo ng liwanag at dilim ay itinakda. Tanging ang iyong paniniwala ang magiging sandata upang maligtas ang inyong kaharian."

"Maraming salamat, Bathala. Susundin ko ang iyong kahilingan."

"Ang iyong kaharian ay mananatiling malakas sa maraming taon."

Biglang nawala ang liwanag sa loob ng templo, at ang natirang ilaw ay ang kislap ng bilog na buwan.

Malungkot si Haring Azzurion at Reyna Lemuela habang bitbit nila ang kanilang sanggol na lalaki. Sampung araw pa lamang ito sa kanila.

"Mahal ko, huwag kang umiyak. Ito ay utos ni Bathala," sabi ni Haring Azzurion sa kanyang Reyna.

Hinawakan niya ang kanilang sanggol habang nakatayo sa harap ng lagusan patungo sa mga mortal.

Pinunasan ng Reyna ang kanyang mukha. "Wala akong alinlangan sa utos ni Bathala. Mamimiss ko ang ating anak, kahit sampung araw pa lang ito sa atin."

"Magtiwala tayo kay Bathala. Ito ang kanyang nais."

Tumango ang  Reyna, pagkatapos ay maayos na inilagay ang sanggol sa malaking bato na lumiliwanag.

"Maligayang paglalakbay, Prinsipe Margus. Dalhin mo ang aming pagmamahal sa mundo ng mga mortal. Pagpalain ka ni Bathala sa inyong paglalakbay. Mahal na mahal ka namin," wika ni Reyna Lemuela.

Umagos ang mga luha ng Reyna Lemuela habang unti-unti bumukas ang lagusan  patungo sa mundo ng mga mortal.

Niyakap ni Haring Azzurion ang kanyang Reyna. "Aking Reyna, pagdating ng tinakda ni Bathala ay muli nating makikita ang ating anak."

Pilit na ngumiti ang Reyna Lemuela. "Ako'y naniniwala na makikita ko ang aking anak na prinsipe muli."

"Bumalik tayo sa ating Palasyo," sabi ni Haring Azzurion. Winasiwas lang nito ang kanyang puting kapa sa hangin, pagkatapos ay tuluyan na silang naglaho.

I KISSED THE LAST VAMPIREWhere stories live. Discover now