xxviii day

47 1 0
                                    

Chapter 28

"Tito."

"Sorry, Lex. Alam mo naman ang batang iyon. Napakasutil din. Mabuti na lang at wala kamong malalang nangyari."

Nang nalaman ko na sumimplang pala siya habang nagmamaneho ng motor ay kaagad ako nagdesisyon na umuwi. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Kailangan ko siya makita.

Pagkabalik ko nakita ko si Jian na nakahiga sa sofa. May band-aid pa sa braso niya. He's wearing my shirts again. Kaagad na naglandas ang mga luha sa pisngi ko na kaagad ko namang pinunsan. Kaagad ko na lang binitawan ang bag ko saka ako lumapit sa kaniya. Hawak-hawak niya pa ang cellphone niya. Naupo ako sa lapag at dahan-dahan kong inalis ang pagkakahawak niya sa cellphone niya dahilan para magising siya.

"Ali."

"Doon ka na sa k'warto, Jian. Ba't ka diyan natutulog?"

Kinabig niya ako palapit sa kaniya at niyakap. Napangiti na lang ako.

Kung pwede lang sana.

"Sleep ka na ulit. I'll stay with you. Let's go to your room."

Ramdam ko ang pag-iling niya. Pilit ko siyang itinulak. Nang maitulak ko na siya ay kaagad ako tumayo at nahiga sa tabi niya patalikod. Kaagad naman niyang inalok ang braso niya para mahigaan ko. Masyadong masikip ang sofa kaya nakayakap na siya sa akin para hindi ako tuluyang mahulog.

Ramdam ko rin ang paghalik niya sa buhok ko.

"Kadiri hindi ka pa man din naliligo after mo sa byahe."

"Wala akong sinabi na halikan mo ako noh!"

Mas hinigpitan niya nag pagkakayakap sa baywang ko at mas isiniksik sa batok ko ang mukha niya.

"Namiss kita. I told you call me para matulungan ka namin but you didn't."

Isa ito sa dahilan kung bakit ayaw ko sabihin sa kaniya. Masyado ng nakakahiya. Alam ko na tutulong at tutulong sila pero problema namin itong pamilya. Masyado ng nakakahiya sa kanila. Hiyang-hiya na ako sa pamilya niya. Napakarami na nilang naitulong sa akin.

"Are you good, baby?" Tumango ako saka ko ipinatong sa kamay niya ang kamay ko na nasa may tiyan ko. "I'm happy that you're okay."

"You miss me that much? Tsaka hindi ka nag-iingat!"

"Sorry. Yeah, ikaw kasi ang tagal mo umuwi. Gustong-gusto kitang sundan kaso si Daddy nagalit. Sinabihan mo kasi na huwag ako pasunurin sa'yo. Wala akong magawa pati si Dad. Kuhang-kuha mo na ngayon ang inis ko."

Natawa ako dahil alam ko na kahit hindi ako lumingon ay nakanguso na siya.

"Huwag na huwag mo akong sundan kapag sinabi ko na huwag, Ji. Kasi ibig sabihin noon unahin mo ang sarili mo huwag ako. May kani-kaniya pa rin tayong pamilya't problema. Pero masaya akong kasama ka ngayon. Sobra. Sobra-sobra."

"Harap ka sa akin. Sinisingil na kita. Kiss me, Lex. That will make you make up with me."

"Then enjoy." I fired back as I faced him.

Halos isang linggo inayos ko na lahat ng papel ko pati ang pagdrop out ko. Pati na rin sa pagputol sa scholarship ko. Naghanap na rin kasi ako ng hospital ko saan pwede ko maipagamot si tita at para na rin sa session ni ate. Buti naman at may nakuha ako. Halos isang linggo ang bigat-bigat ng pakiramdam ko lalo na habang nakikita ko si Jian.

Isusumpa niya ako at iyon ang sigurado ako.

Wala siya ngayon dahil nasa school. Dahil nakahiwalay ang k'warto kong nasaan ang gamit ko ay kaagad ko na iyong inayos sa mga lalagayan. Katulad ng dati hindi naman iyon gaano karami. Panay ang pagtulo ng mga luha ko dahil alam ko sa sarili ko na si Jian na lang ang meron ako pero mas natatakot ako na habang tumatagal ako sa buhay niya mapahamak lang siya. Katulad na lang na parating pinaparamdam ni tita sa akin. Na lahat na lang ng malapit sa akin nawawala at nasasaktan. Ayoko na ulit maranasan iyon.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon