xiv #lexian

53 2 0
                                    

Chapter 14

Maaga ako nagpaalam kay tita na gagawa ako ng research. Nagsimula na ako kagabi sa paghahanap ng mga related studies and related literature. May mga nakuha naman na ako. Sinabi ko na si Lizzy ang kasama ko dahil simula last year pilit niya akong iniintriga tungkol kay Jian dahil nakarating sa kaniya ang nangyari noong intrams last year. Malapit na matapos kaya isasantabi ko lahat makaalis lang ako.

Nang makarating ako sa bahay nila ay sinahi ng maids na tulog pa si Jian. Sinabihan ko na lang na hayaan na muna. Ibinigay sa akin ang wifi password kaya naman nagsimula na ako na ang chapter 2 ng research namin.

Around 9 doon pa lang bumaba si Jian. Nasa living room ako kaya nagulat siya nang makita ko habang pababa siya sa hagdan.

"You're so early. Kanina ka pa?"

I nodded. I continued typing on my laptop and didn't even mind him. He's wearing black shorts and white loose shirts, magulo pa ang buhok niya at basa siguro binasa niya paghilamos niya.

"Jian, your breakfast is ready."

"Lets eat muna," he said.

"No thanks. I already ate. Just eat so you can start your part."

After a minute ay natapos din kaagad siya. Dala na ng maids niya ang laptop niya saka naupo sa sofa. Nasa lapag na ako ngayon dahil may carpet naman.

Pauso pa kasi na magsama parang may pakialam siya sa paligid niya. Parang individual activity lang naman ginagawa namin now.

After almost 2 hour nagring ang phone niya. Doon ako napalingon dahil ang tagal niyang sinagot.

Inilapag niya sa tabi ng laptop ko ang laptop niya saka nahiga sa sofa. Halos nasa likuran ko na ang ulo niya dahil nakasandal ako a sofa.

"Hi, baby. I'm busy right now. Why did you call?"

"I just miss you."

Nang gumalaw siya nilingon ko siya dahilan para makita ko ang baby na kausao niya sa screen ng phone. Gulat din ito ng makita ako.

"Who's that, tito?!"

Nilingon ako ni Jian at sinamaan na naman ng tingin.

Kasalanan din naman kasi niya. Nahagip tuloy sa screen ng phone niya dahil sa kagaslawan niya dahilan para makita ako ng pamangkin niya habang magka-usap nila through video call. Nasabi niya noon kay Lizzy na nasa France ang panganay niyang kapatid at ang pamilya nito. Habang nasa Italy naman ang pangalawa. So technically si Jian lang ang naiwan sa Manila since nasa Cebu na sina ang family ni Nicka.

"Tito Jian, I want to talk to him."

"Baby, he's busy. Just talk to Dad okay. I'll call later again. Puntahan mo si Dada mo."

"No! Hindi tayo na bati po! Isusumbong kita kina Dada at Papa! Pati kina Mommy at Daddy! Even to Papa Prince!"

I saw how Jian rolled his eyes on his 4 years old niece.

"Magsumbong ka pa sa buong angkan natin. It's still a no. Caramel, ang sutil-sutil mo na! Naiinis ako."

"Please, tito. I want to talk to him. He's so handsome. He's my crush na. My friends are bullying me because I don't have a crush daw. Now I found my crush na. Please, tito."

"You can't! He's your Tita Nicka's crush. Magagalit iyon sa'yo."

"We can share naman eh."

Natatawa na ako ng palihim sa pag-uusap nila. Kanina pa siya kinukulit ng pamangkin niya. Mana sa tito, napakasutil.

Lumingon sa akin si Jian na hindi na maipinta ang mukha.

"Say hi to her. Kukuha lang ako ng snacks."

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now