Chapter 3

6 3 0
                                    

Alea's POV:

"Sobrang init!" Daing ko sa pagitan ng pagpaypay.

"Nandito kasi ako." Muntik na akong masuka sa sinabi ni Ash.

"Ulol!"

"Don't move around so you don't feel even hotter."

Nilingon ko si Aryka na nasa kaliwa ni Ash at malumanay na nagpapay-pay habang nakapikit ang mga mata. Kalmante lang siya.

"Grabe naman kasi ang panahon na ito, paiba-iba."

Kahapon umuulan tapos ngayon tirik ang araw. Sumabay pa na brown-out kaya walang kuryente dito sa school.

Kaya nga nandito kami ngayon sa bench malapit sa field dahil vacant namin. Mabuti nga at kahit papaano ay presko dito at wala gaanong estudyante ang dumadaan o tumatambay.

Mula pa kanina panay na ang kain namin ng malamig at panay ang paypay dahil napakainit.

"Sana wekeends na." Sabi ni Ash at bumuntong hininga.

"Bakit naman?"

"Para makapag car racing na ako. Sa tingin mo madam, available si Theo no'n?"

"Malay ko. Bakit, lagi ko ba siyang kausap?"

"Hindi ba magkaibigan na kayo?"

"Sino naman ang may sabi? Porket nakakausap ko ay kaibigan na agad?"

"Tama! May number ka niya."

"So?"

"Hihingiin ko lang para matanong ko siya."

"What's with car racing? And Ash, don't tell me you and Theo are friends already?" Puno nang pagtataka ang mukha ni Aryka.

"Hindi sa gano'n pero parang. Sumama kasi ako sa dinner nila Alea last week kaya nagkakwentuhan kami at mahilig din pala siya sa car racing."

"Dinner?"

"Gabihan. Ano pa ba?"

"I know."

"Ba't mo pa tinatanong?"

"Damn, Ash!"

"Wala naman 'yun Aryka, dinner lang para sa parang tuluyan namin na pagkakaayos." Ako na ang sumagot dahil baka bigwasin niya si Ash.

"I see. I can just ask Theo personally if you want?"

"Very nice! Tapos sabihan mo ako kapag pwede siya."

"Okay."

"Tara cafe." Aya ko sa dalawa.

"Libre mo, madam?"

"Si Aryka."

Tumayo siya at umalis sa pagkaka-upo, naglakad palayo sa amin at huminto ng nakatatlong hakbang na.

"Let's go."

"Papasok na?"

Akala ko nainis na siya dahil sa sinabi ko pero mali ako.

More than one ChancesWhere stories live. Discover now