Chapter 1

16 5 0
                                    

Alea's POV:

"Good morning, my friends!" Patakbo kong tinapik si Ash at Aryka sa likod.

Bahagya pang nagulat si Ash dahil hindi yata niya ako napansin, samantalang si Aryka ay wala lang.

"Papasok na kayo?" Masayang tanong ko.

Masamang tingin ang ipinukol ni Aryka sa 'kin.

"Isn't it obvious?"

Napakamot na lang ako sa ulo, alam ko naman kasi gusto ko lang mang-inis.

"Let's go na, girls." Tawag ni Ash ng huminto kami sa gate.

Papasok na kasi ako nang makita ko silang dalawa. Hindi ako hinintay ni Ash ngayon kasi ang tagal ko raw kumilos kaya nainis na. Sabay kami palaging pumasok at ayon din ang palagi niyang reklamo, madalas tuloy kaming late.

"Makapag girl naman ito akala mo hindi one of the girls." Pabiro kong tugon.

"Alam mo ikaw kauma-umaga naninira ka ng araw, Madam Aryka tara na nga at iwan na natin 'yan." Sumunod naman ang babae at agad na silang naglakad palayo.

Napailing na lang ako sabay habol sa kanila.

"Kayo naman nagbibiro lang, masiyado kasi kayong seryoso umagang-umaga dapat good vibes lang po tayo."

"Whatever." Si Aryka.

Sungit naman.

"Anong good vibes ngayon? Exam ang bungad sa atin mamaya ni Ma'am Shirley."

Oo nga pala, kaiyak. No, good vibes pa rin dapat.

Pagkuwan ay agad na rin kaming nakapasok sa room.

Magkakatabi lang kami ng upuan, si Aryka sa left side, si Ash sa right side, tapos ako naman sa gitna.

Kaya nga lagi ko silang dinadaldalan, ayon nadadamay pa tuloy sila pag nahuhuli ako ng mga professor na nag-iingay.

Dati ay hindi naman talaga namin katabi si Aryka pero lagi kaming nakabuntot kaya siguro napagod na.

Gumaganti si Ash sa akin sa tuwing nasisita kami, samantalang si Aryka ay parang walang pakialam.

Kailan kaya siya mababanas sa 'kin?

Pagkatapos ng unang subject ay nagsilabas naman ang mga kaklase ko para kumain.

Nang sure akong umalis si Ash ay agad na humarap ako kay Aryka, may gusto kasi akong itanong.

Tumingin siya sa akin ng nakatikwas ang kilay. Ganda naman kahit masungit.

Ewan ko ba pero para siyang anghel.

"What?" She asks in a soft voice.

"May tanong lang, hehe."

"Go ahead."

"About lang kay, Theo sana."

"I knew him because he is Kaiden's friend. He annoys me anytime we meet or even if he gets a chance to. He is twenty six years old, playboy. Theodore Galvez Barrett is his full name. He was born in Berlin, Germany. Half Filipino, half German. His Mom is a pure Filipino while his Dad is a Filipino-German. Anything else?"

Napaawang ang aking labi dahil sa kaniyang mga sinabi. Paano niya naman nalaman na itatanong ko siya ng gano'n, atyaka kailangan ba lahat? At isa pa playboy? Ibig sabihin pala ay babaero ang lalaki. Nakita ko naman iyon sa itsura niya.

"Hey?"

"W-wala na haha, thank you."

Maya-maya lang din ng bumalik na si Ash at nagsimula na ulit ang klase.

More than one ChancesWhere stories live. Discover now