Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

FALLEN 2: Forbidden and Beyond (Part 2: Asmodeus (The Demon of Lust)-Chapter 7)

7.3K 289 84
                                    

FALLEN 2: Forbidden and Beyond

Part 2: Asmodeus (The Demon of Lust)

Chapter 7

Matagal ko na siyang pinagmamasdan. Matagal ko na siyang sinusubaybayan.

Ilang araw na akong unti-unti nagpaparamdam sa kanya, at ilang beses ko na siyang napapansin na nararamdaman niya ako.

Pero hindi muna ako lubos na lumalapit kahit kaya ko na.

Sa wakas nagtagumpay na ako kung paano ako makakalapit sa kanya lalo na sa dalawang libro na hindi ako napipigilan ng harang. Pero hindi ko muna pinipilit lumapit. Sa tamang panahon kaya ko ng sirain ng malapitan ang buhay ng biktima ko.

Malapit na at higit akong nasasabik sa pagkakataong iyon.

Pinapanuod ko siya sa dimensyon ko gaya ng dati. Nakita ko siya sa unang lugar kung saan ko siya nakita. Nakaluhod siya at nagdadasal sa Diyos niya.

Mangmang.

Tumingin ako sa krus.

Bakit ako naging demonyo? Bakit ako naging ganito?

Pero gaya ng dati, nananatiling katanungan na lang ang lahat.

Nakita ko siyang tumayo at umalis sa may altar. Dahan-dahan subalit sigurado ang bawat yabag ng mga paa niya. Hanggang sa may lumapit sa kanya na isa pang tao at inakay siya.

"Makakalabas na ng kumbento, Adie!" masayang sabi ng kasama niyang tao.

Narinig ko siyang tumawa pero hindi siya nakalingon sa kausap niya. "Alam ko Grace, alam ko."

"Nakakainggit ka, gusto ko din lumabas kahit isang beses lang sa isang buwan. Saan ka ba dadalhin ngayon ng Mama mo?"

"Wala ngayon si Mama, sabi nina Ate Anne at Ate Michelle nasa Macau si Mama Fate."

"Nakakalungkot naman, akala ko makakasama mo ulit yung Mama mo."

"Okay lang, ano ka ba. Atsaka may isa akong lugar na gustong puntahan."

"Gusto ko sumama!"

"Alam mong di pa pwede, Grace."

"Oo na Adie, alam kong hindi pa pwede kasi hindi pa ganung kataas ang antas ko bilang estudyante. Samantalang ikaw? Konti na lang magiging madre ka na talaga!"

Nakita ko siyang pumikit. "Malapit na."

"Masaya ka ba?" naging seryosong sabi ng kausap niya

"Kailangan kong maging masaya."

"Masaya ka ba?" inulit niyang tanong

Minulat ng tao ang mga mata niya. "Kuntento ako at iyon ang mahalaga."

Nakita kong niyakap siya sa likuran ng kasama niya at isinandal ang ulo niya sa balikat nito. "Alam mo naman na bestfriend kita at gusto ko lang na maging masaya ka. Karapatan mong maging masaya. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan, huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari noon."

"Naririnig ko pa din sila, Grace. Naririnig ko pa din ang pagtangis ng mga kasama ko noon sa Sanctuary na humihingi ng tulong. Nararamdaman ko pa din ang takot, sakit at pagdurusa nila sa bawat pagpikit ko ng mata sa gabi. Yung kadiliman na bumabalot sa akin, sinasakal na ako unti-unti. Alam kong wala akong karapatang mabuhay—"

Lumayo yung kasama niya at tinampal ang noo nito. "Adie naman, tandaan mo, ang buhay mo ay kasing halaga ng buhay ng iba. Tama na ha?"

"Salamat, Grace."

FALLEN 2: Forbidden and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon