Chapter 22

123K 5.2K 934
                                    

Marami pa kaming napag-usapan kanina kaya mas naging clear sa akin ang lahat. Ang mga memorya ko tungkol kay kuya Lulu ay walang katotohanan. Iyon ay parte lamang ng memorya na inilagay ko sa aking sarili bago ko burahin ang mga memories ko tungkol dito sa kabilang mundo.

Tinignan ko ang kwintas na inakala kong ibinigay sa akin ni kuya Lulu noon. Iniabot 'to sa'kin ni Lucian kanina dahil nasa kanya "Akala ko naman totoo si kuya Lulu" Napangiti na lang ako dahil sa mga katangahan ko. I heard Lucian chuckled kaya tinignan ko sya. "Bakit hindi mo man lang ako pinigilan mag-kwento ng tungkol kay kuya Lulu, nagmukha tuloy akong tanga" Saad ko. Aba! Lahat ng alam ko tungkol kay kuya Lulu nai-tsismis ko na sakanya at saka 'yung mga childhood experiences namin, only to find out na lahat ng 'yun ay hindi pala totoo.

Tumawa ng mahina si Lucian bago nagsalita. "Ang ilan kasi sa mga ikinwento mo mahal ko ay totoo. Ang kaibahan nga lang, ako dapat ang kasama mo. Hindi 'yung tinutukoy mong kuya Lulu" Natawa ako sa sinabi niya pero hindi nakaligtas sa'kin ang endearment na 'mahal ko'.

"Uhm Lucian pwede bang magtanong?" Nakatingin sya sa'kin kaya nagtanong na rin ako. "Ang tawagan ba na'tin noon ay 'mahal ko'? Lagi kasing 'yun ang tawag mo sa'kin" Diretsong tanong ko. Natawa sya ng mahina at saka tumango. "D-dapat ba tawagin din kitang ganun?" Tanong ko saka umiwas ng tingin. Hindi pa kasi ako sanay! Bago lang sa'kin ang mga ganito, kaya hindi ko alam kung naiilang ba ako, kinikilig o talagang natural lang sa'kin ang pagiging malandi. Nahawa yata ako dito sa kalandian ni Eureka.

"Kung saan ka mas komportable mahal kong prinsesa" Mabilis kong tinignan si Lucian at kitang-kita ko sa mga mata niya na 'yung mga ngiti niya aymay halong pang-aasar. Kinuha ko ang isang nakatuping damit ko at saka inihampas sa kanya. "Nang-iinis ka talaga eh 'no!" Bwisit na sabi ko. Pero tumawa lang sya ng mahina kaya tumawa na lang din ako.

"Yehey! Mag-aaral kami sa Rivrantine!"

"Matututo ako ng abaracadaba"

"Huwaaa excited na ako!"

Tinignan ko 'yung tatlong gamu-gamo na nagsasalansan ng mga damit ko at mukhang mga excited din. Naglakad ako palapit sa kanilang tatlo at saka pumamewang sa harap nila. "At sino may sabing kasama kayo?" biro ko sa tatlong ipis. Masarap kasi silang lokohin eh.

"Kailangan pa ba namin ng permiso galing sa'yo?"

"Oo nga! Kaya naman naming pumunta doon"

Pinandilatan ko sila ng mga mata dahil sa mga sinabi nila. "Gusto nyo spray-an ko kayo ng baygon?" Iritang tanong ko. "Luella pigilan mo ako, ikukulong ko sa garapon 'yang mga kaibigan mong Lumapit si Lucian sa gawi namin kaya sumuot sa ilalim ng mga damit 'yung tatlong tipaklong para magtago.

"Luella pigilan mo raw si Alexis sabi niya"

"Ayokong makulong sa garapon huhuhu"

"Ang ingay niyo kasing dalawa. Lagi nyong iniinis si Alexis"

Napailing na lang ako dahil sa nadidinig kong pinag-uusapan nung dalawa.

**

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon