Chapter 16

125K 5.7K 855
                                    

Nakaupo ako sa may gutter malapit sa tindahan sa may kanto namin. Hawak-hawak ko ang isang plastic cup na puno ng kwek-kwek. Maaga akong nagising kanina, kaya dito muna ako dumiretso para magmuni-muni. Things are getting more complicated habang padami ng padami ang nalalaman ko.

Isinubo ko ang isang piraso ng kwek-kwek at saka ulit nag-isip. "Nakakaninis!" Ipinadyak ko ang mga paa ko sa sahig sa sobrang inis. Curious na curious ako sa reasons ni Lucian kung bakit ayaw niya maging hari.

Hindi ko rin alam kung ano ba uunahin kong alamin ngayon, kung love story ba namin? Ang libro na nabasa ko na sinulat ng dating reyna? Or ang mystery sa pag-ayaw ni Lucian maging hari.

I let out a loud sigh. Daig ko pa si detective Conan sa dami ng ng kailangan i-investigate. Nakaka-stress! "Besss!" I rolled my eyes nung marinig ko na naman ang boses ni Eureka. And then I realized na may kailangan pa nga pala ako malaman tungkol sa kanya. "Bes!" Kumaway din ako sa kanya, tumatakbo sya palapit sa'kin.

"Gusto mo?" Ako na mismo ang nag-offer sa kanya ng kwek-kwek na kinakain ko dahil alam ko namang kukuhanin niya rin 'to sa'kin. "Hahaha alam na alam mo talaga gusto ko bes ah" She said pagkakuha niya sa'kin ng cup ng kwek-kwek. I sighed and murmured. "Alam ko lang talagang patay gutom ka"

"Grabe bes narinig ko 'yan ah! Ang dyosa kong 'to patay gutom? Like duh" Natawa ako habang sinasabi niya 'yun, though I am still puzzled kung bakit niya sinabi sa'kin that night na sya ang ex ni Lucian. And kung bakit sila magkakilala? Is she somehow connected to him?

"Eureka, tanda mo pa 'yung sinabi mo sa'kin before? Kung gusto kong tumira sa bahay mo?" I asked. Tumigil sya sa pagsundot ng stick sa kwek-kwek at saka tumingin sa'kin. "Oo naman bes, bakit? Payag ka na ba? Oh come on! I know, nagsasawa ka na sa apartment mong maliit"

"Hindi naman, pero naisip ko lang kasi na bakit hindi ko i-try mag-stay doon for a day or two para you know, malay mo magustuhan ko rin diba?" I lied. Because the truth is, I just want to know kung ano ang itinatago niya sa'kin.

"Alam mo bes? Sa lahat ng sinabi mo, ayan ang pinaka-bet ko!" Excited syang tumayo at pati ako hinila niya patayop. "Tara na, mag-impake ka na!" She pushed me habang kumakain pa sya ng kwek-kwek kaya hinampas ko ng mahina ang braso niya. "Baliw ka bes!" Natatawang sabi ko, pero naglakad na rin ako pabalik sa apartment.

**

"Welcome to my place"

I smiled, para kunwari tuwang-tuwa akong nandito ako. Pero ang totoo, mas komportable talaga ako sa apartment ko. We entered her house and "Wow! Hindi ba masyado 'tong malaki para sa'yo?" I asked habang inililibot ko ang paningin ko. She loves gems kaya hindi na ako magtatakha kung punung-puno ng mga designs na crystal ang halos lahat ng kagamitan dito sa bahay niya.

Ang classy tuloy tignan, dahil halos lahat kumikinang. "Talaga? Malaki ba?" Tanong niya habang nagtatakha. "Eh mas malaki pa nga dito ang bahay namin sa kabilang-" She paused for a while nung makita niyang nakatingin ako sa kanya. "-bayan" She laughed, and I know she's faking it. "Ha-ha-ha 'yung bahay namin sa kabilang bayan" Iniba niya ang direksyon ng tingin niya kaya hindi na ako nagsalita.

"I better show you your room" She pulled me at patakbo kaming pumunta sa sinasabi niyang kwarto ko-"Wow!" Is she serious? "Dito ba talaga ako matutulog?" Malamang Alexis! Kakasabi nga lang na kwarto mo daw diba? Hayy!

"Ayaw mo ba bes? Kung ayaw mo, magpapalinis ulit ako ng ibang room. May mas malaki pa di-"

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon