CHAPTER 20

4.2K 48 3
                                    

Pauwi na ako nang Condo ngayon. Hindi ko kayang matulog sa tabi niya pagkatapos ng lahat ng mga sinabi niya. I can't stand him for now. He's words haunt me every minute. Wala masyadong sasakyan sa daan dahil oras na ng gabi. 


Paano niya kayang sabihin iyon? Ayaw niyang magka anak sakin? Hindi niya ba ako nakikitang mapapangasawa niya? or  Is he cheating on me? Hell no, hindi magagawa ni Ezekiel iyon. Mahal niya ako eh, sabi niya mahal na mahal niya ako. 



Nandito na ako ngayon sa unang palapag ng building. Akin rin ito sekreto kong hinulog hulugan para bayaran. Ang Alam na condo nila mama, Kiel,  and Ellie ay doon sa 3rd floor. Umakyat ako kanina doon para kunin ang uniform ko para bukas, may pasok pa ako bukas. 



Ito yung gusto ko, kahit mag isa ako alam kong mag isa ako hindi katulad kanina. May mga kasama nga ako pero para naman akong hangin. I cried like a baby. Alam ko naman at ramdam ko naman na may kakaiba na sa katawan ko. Alam ko naman na may baby na sa tiyan ko eh, I didn't take my pill last time. Nakalimutan ko dahil busy ako sa Thesis pero hindi ko sinabi kay Ezekiel because my body betrayed me every time he touched me. 



Pagod na akong mag-aral. Pagod na akong maghintay sakaniya gabi gabi. Pagod na ako mag hintay kung mag rereply ba siya. Pagod na akong mag mukhang tanga at intindihin siya.Pagod na ako isipin ang kapakanan nya bago ako. Nakakapagod. Nakakapagod palang mag mahal. 



Nagising ako dahil sa tawag ng tawag sa phone ko. Tinignan ko ang oras 1PM na pala. 

Ellie: 99+ Missed calls

Mama: 99+ Missed calls 

Daddy: 99+ Missed calls 

Love ^^: 99+ Missed Calls


Hahanapin rin pala ako pag nawala ako. Muling tumawag si Ellie kaya sinagot ko na iyon.


"Tanginamo Samantha! Nasan ka?! Anong ginawa mo?! Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko?! Tarantado ka talaga?! Hinahanap kita! Buti naman sumagot ka na! Pinag  aalala mokong gaga ka! Nasan ka ba ngayon?! Pumunta na kami sa Condo mo wala ka don! Nasan ka ba?!" Bungad niya. 



"Hey calm down. Kakagising ko lang, okay? Hindi ko narinig mga tawag niyo dahil naka silent ang phone ko. Papasok ako mamaya last day ng OJT natin, kita nalang tayo don." Mahinahon kong sabi.



"Where are you?" Iyon ang tanong na hindi ko masagot. 



"I am safe here. Don't worry na, sorry pala pinag alala kita." Sabi ko.



"Please be safe, see you later. Madami kang sasabihin." Ani niya sabay baba ko ng tawag. Sunod ko namang tinawagan si mama.



"Oh my God, Anak! Nasan ka?! Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko?! Galing kami dyan sa Condo mo pero wala ka! Kasama ko si Ellie hindi ka sakaniya natulog kagabi, nasan ka?!" Bungad ni mama.



"Calm down mama, ayos lang po ako. Kakagising ko lang po actually, pasensya na mama pinag alala kita. Pakisabi nalang po kay daddy na okay po ako." 



"Call Ezekiel, tell him you are okay. Hindi siya nakatulog kagabi. Hindi rin siya sumama sa daddy niya sa meeting ngayon dahil wala kang paramdam. Call him before he goes to the police station to report that you are missing." Pagpapatuloy ni mama.

 


"I'll text him, thank you mama." 



"Take care next time Samantha. Sabihin mo sa akin next time kung saan ka pupunta." Sabi ni mama.



Chasing your loveWhere stories live. Discover now