CHAPTER 8

3.6K 47 0
                                    

Nasa parking na kami ng condo ko. Gusto niya sana daanan sila daddy kaya lang nag bago ang isip niya.


"Dito condo mo?" tanong niya.

"Oo mas malapit sa school mas maganda." Sagot ko na kinatango niya.


"Let's go?" Pag aaya niya. Pumasok na kami sa condo ko. Halos mabali na ang leeg ng mga babaeng makakasalubong namin dahil sa kakatingin kay Ares.


"Ma stiff neck na lahat ng babae niyan Ares..." Pag bibiro ko nang malapit na kami sa room ko.

"Hayaan mo," natatawang sagot naman nito.


Ares, he's typical simple guy. Pogi si Ares yung pogi niya na may pagka masungit pero mabait.


"Kasalanan ko bang pogi ako," dagdag niyang naka ngisi na.

"Oo na pogi kana"

"Mas pogi sakin si Kiel..." Natatawang dugtong niyo. Habang ini-slide ang card sa pintuan.


"Pa humble ka nanaman"

"Totoo naman Sam, kahit ako minsan nababading kay Kiel eh."


"Oo na, oo na" natatawang sabi ko sabay pasok na sa condo ko. Pagka pasok ay binaba na ni Ares ang mga gamit ko.

"Nagugutom ka ba? Mag luluto ako if oo" sabi ko sabay tingin sakaniya.


"Hindi na Sam, pupunta pa akong hospital may kailangan akong tignan don." Sabi niya sabay tingin sakin.


"Ah ganon ba, Aalis ka na?" Tanong ko ng nag lakad na ito papunta sa pintuan ko.


"Oo, Text kita mamaya pag maaga ako naka uwi pag dala kita nang dinner" Seryosong sabi nito. Lumapit siya at hinalikan ang noo ko.


"Lock the doors Sam, I gonna go" he said na kinatango ko at tuluyan ng umalis.


Pagkaalis ni Ares ay naligo na ako. Halos ilang oras rin ang tagal ko sa loob ng banyo atska napag pasyahan ng lumabas. Pagkalabas ko ay nag suot lang ako ng puting sando at dolphin short na itim. Nag patuyo na ako ng buhok gamit ang hair dryer. Hindi ko alam pero parang sobrang pagod ko kaya nag luto muna ako ng cup noodles kinain ko na iyon at tapos kumain ay tinignan ko ang wallclock 5:53PM na pala kaya humiga na ako sa kama ko. Hindi na ako nanonood sa tv or cellphone dahil hinila na ako nang antok.


Nagising nalang ako nang marinig ko ang pintuan nang aking kwarto na bumukas. Bago ko tignan kung sino iyon ay kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras. It's 10:43PM! Grabe hindi ko man lang natapos ang dapat gagawin kong pending activity.


"Oh God.." inis kong sabi at mapungaw kong tinignan ang pumasok sa kwarto ko. Nakatalikod pa ito dahil sinasara ang pintuan kaya tinawag ko sya.


"Ares?" Tawag ko at laking gulat ko nang hindi si Ares ito!


"Ezekiel..." Natatakot kong sabi.


"Mukhang pagod ka ha," naiinis nitong sabi at umupo sa vanity chair ko at tinignan ako.


"Naka tulog lang.." iwas Kong tingin.


"Bakit ka nandito?" I asked. Ngunit titig na titig ito sakin. Nag iwas ito ng tingin at tumayo.


"Let's eat, I saw your trashcan you eat only 1 cup noodle huh?" tinignan ko siya.


"Ah yun ba, oo nagutom kasi ako kanina yun lang available na pagkain sa cabinet ko, hahaha. Hindi pa kasi ako nakakapag grocery." Natatakot akong tumingin sakanya. Mukha siyang preditor na nag hihintay ng pagkain kung maka tingin!


Chasing your loveWhere stories live. Discover now