Takbo

29 0 0
                                    

Takbo sabay hinto
Lingun sa kanan at pagpipiring ng panyo
Hawak ang kulay puting jacket ay nahuli ng aking mga mata
Ang pagtulak ng iyong tingin sa kanya

Masakit sa balat na sikat ng araw
Mga titig na sa gulo ng paligid ay nangingibabaw

Tatalikod ka sa akin
Sabay kausap sa iyong mga kaibigang nasa harapan
Magtatanong ng mga bagay-bagay
Habang boses mo'y aking pinakikinggan

Umatras ka at apakan ang aking puting sapatos
Kausapin ako at kamustahin pagkatapos

"Pasensiya na"
Kung sakali mang marinig iyon mula sa iyong mga labi
"Ayos lang"
Tititigan ka sa mga mata kung sakali

Takbo, lakad, lingun sa likod
Sa pagtakbo palayo ay hindi ka ba napapagod?
Huminto muna
Magpahinga at punasan ang pawis sa mukha
Huwag tatakbo nang mabilis, Sinta kung ayaw mong madapa
Mabuti sana kung sa akin babagsak
Ngunit sa maruming tekstura ng lupa





-sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now