Kill Yourself!

138 12 0
                                    

Save the Forests.

Save the Animals.

Save the Planet Earth.

KILL YOURSELF!

Sa food court tumambay si Albert matapos mapagod sa kalilibot sa Mall.

Biglang may lumapit sa kanya na isang babaeng naka-formal attire. May dala itong dalawang bote ng juice drink.

Ngumiti ito sa kanya at bumati. "Magandang hapon po, Sir! I'm Stephany Valdez. Puwede ko po ba kayong makausap?"

Hindi sanay makipag-usap sa mga estranghero si Albert pero dahil maganda at maputi ang babae ay pinagbigyan niya ito. "Okay lang. Ano pala ang pag-uusapan natin?"

Inalok sa kanya ng babae ang isang bote ng juice. Tumanggi pa siya noong una dahil medyo busog pa siya. Subalit makulit ang babae kaya napilitan na rin siyang tanggapin ito.

"Isa po akong member ng Planet Saver Church. Ang goal po namin ay ayusin ang lahat ng mga gusot at problema sa ating mundo para maibalik ang dating masigla at mapayapang planeta."

"That's good!" sambit ni Albert, sabay tungga sa bote ng juice. Sa totoo ay wala siyang interes sa ganoong mga bagay. Marami pa siyang problema sa buhay na dapat unahin kaysa sa problema ng planeta.

Depressed siya hanggang ngayon dahil sa paghihiwalay nila ng kasintahan noong nakaraang linggo. Dagdag pa ang pagsasara ng kanilang kumpanya na lalong nagpabigat sa dinadala niya.

"Naglilibot po kami sa iba't ibang lugar para mag-imbita ng mga taong handang magbigay ng contribution para sa ikapapayapa ng kalikasan."

Napatango si Albert. Mukhang alam na niya kung ano ang kailangan ng babaeng ito. "Okay! Magkano ba ang kailangan mo?"

Umiling ang babae at sinabing hindi pera ang kailangan nito. "That's not what I mean, Sir. I'm sorry pero didiretsuhin ko na po kayo. Nangangailangan po kami ng mga taong puwede mag-alay ng kanilang buhay para sa ikapapayapa ng ating mundo."

Doon nagulat si Albert. Nagtawa pa siya at inulit ang sinabi ng babae. Tumango naman ito at kung anu-ano na ang sumunod na sinabi sa kanya.

Ayon dito, ang tanging solusyon daw para maibalik ang dating hitsura ng kalikasan ay kamatayan ng tao. Ito raw ang tanging paraan para manumbalik ang mga nawasak na bahagi ng mundo na kagagawan mismo ng tao.

"Alam n'yo po kasi, tayong mga tao lang din ang sumisira sa mundong ito. Ginawa ito ng Panginoong Diyos para sa ating lahat. Pero ano ang ginawa natin? Tayo lang din ang nagpuputol sa mga puno. Tayo lang din ang pumapatay sa mga hayop. Tayo lang din ang nakakasira ng mga bagay na gawa ng Diyos. Sa totoo lang, mas malaki pa sa mundong ito ang kasalanan natin sa Diyos. Kaya ang paraan para mapagbayaran natin ito ay ialay ang sarili nating buhay upang makamit muli ng mundo ang kapayapaan at kalinisan."

Tinakpan ni Albert ang bibig upang pigilan ang pagtawa. Hindi niya alam kung pasyenteng nakatakas lang ba sa mental ang kausap niya. Sayang at maganda pa naman pero may tama yata sa ulo. Lalo na nang sabihin nitong "world peace" daw ang goal nila kaya naghahanap ng mga taong handang magpakamatay para sa ikatatahimik ng mundo.

Kung ganoon, literal na katahimikan ang nais nitong mangyari.

"O, talaga? Kung totoo 'yan bakit buhay ka pa rin ngayon?"

"Dahil isa po ako sa mga namumuno sa simbahan namin. Hangga't nasa posisyon kami ay hindi pa kami puwedeng mag-alay ng buhay."

Hindi napigilan ni Albert ang malakas na pagtawa. Hindi naman lasing ang babae pero bakit ang lakas ng tama nito. Gusto pa sana niyang tanungin kung naka-drugs ba ito pero pinipigilan lang niya dahil baka maka-offend pa siya.

Nowhere to Hide (Published by Bookware Publishing)Where stories live. Discover now