When Sunshine Faded Its Shine

28 4 2
                                    

OFFICIAL ENTRY#3

When Sunshine Faded Its Shine

By: MaybelAbutar

Blurb:

Simula high school, ginawa ni Rayder ang lahat para iwasan ang makulit niyang tagahanga na si Sunshine. Naiinis siya sa mga kabaliwan nito para lang mapansin niya. Kahit lagi niya itong tinataboy, lagi naman siya nitong sinusundan. Wala rin epekto ang pagsusungit niya rito. Sa halip, tutumbasan nito ng matamis na ngiti ang talim ng kanyang mga tingin. Natahimik lang ang buhay niya nang manirahan sa America ang kanyang pamilya.

Pagkalipas ng sampung taon bumalik si Rayder sa Pilipinas at muling nag-krus ang kanilang landas. Sa muli nilang pagkikita isa lang ang napagtanto niya, ang Sunshine na baliw sa kanya noon ay ibang tao na ngayon. Naglaho ang matamis nitong ngiti at napalitan ng seryosong mga tingin. Tila balewala na siya sa dalaga na unti-unting bumago sa damdamin niya. May pag-asa pa bang mabawi ang dati nitong pagmamahal sa kanya kung si Sunshine ang bagong kinakasama ng lolo niya? Paano niya ito pakikisamahan kung magkakasama sila sa iisang bahay? Malaman niya kaya ang dahilan kung bakit nawala ang kinang ni Sunshine?


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
GOLDEN PEN NOVEL AWARDS 2023 OFFICIAL ENTRYWhere stories live. Discover now