Chapter 3

2 1 0
                                    

Chapter 3

Shit! Magkatabi pala kami ni Tatay kanina!


Humihinga pa si Tatay pero nanghihina na. Tanging pangalan ng mga anak niya ang tinatawag niya. 


Ginawa ko ang lahat ng magagawa ko para lang maligtas si Tatay pero nauubusan na talaga siya ng dugo.


Maya-maya'y lumapit na rin ang Kapitan at sinabi ng medik ang kritikal na sitwasyon ni Tatay.


"Nauubusan na po siya ng dugo Kapitan! Malabong umabot siya sa kampo." nanghihinang sabi ng medik. 


"Kapitan..." hinang-hinang tawag ni tatay sa Kapitan at agad na lumapit ang Kapitan dito. "Nagawa ko ba ng maayos... ang trabaho ko?" hirap na hirap niyang sabi. Huminga pa siyang muli bago magsalita. "Mamamatay ba 'kong... walang ambag sa bayan...?"


Iniluhod ng Kapitan ang isang tuhod niya upang makalapit siya kay tatay at hinawakan ang kamay nito. 


"Hindi mawawalan ng saysay ang ginawa mo. You've done great job, Tatay." pagkatapos marinig ni tatay ang mga salitang 'yon ay tuluyan na siyang nag paalam. 


"Narinig niya ba yung mga sinabi ko?" tanong ng Kapitan sa medik at tumango naman ito. 


Malungkot na emosyon ang bumalot sa kampo dahil sa pagkawala ni Tatay at ilan pang magigiting na sundalo. Kahit kailan ayokong masanay sa ganito pero kailangan tatagan ang loob. 


Sa lahat kasi ng grupo sa amin yung pinakamaraming nalagas kaya hindi ko nadamang nanalo kami.


"Ari, ayaw daw kumain ni Elix tawagin mo nga." tawag sakin ni Julia na ka-batchmate ko din dito sa kampo. "Dalawang araw na 'di kumakain 'yon."


Ako din naman! Halatang may gusto kay Elix, concern na concern. 


"Oona tatawagin ko na!" irita kong sabi. Kanina pa kasi nangungulit kaya pinuntahan ko na agad yung mokong na 'yon. 


Binatukan ko muna siya bago ako nagsalita. 


"Tang ina mo kumain ka na!" bungad ko. 


Sinamaan naman ako ng tingin nito bago siya nagsalita. "Tang ina mo din! Lakas mo mag aya ikaw nga 'di pa kumakain."


"Edi kumain tayo parehas! Problema ba 'yon!?" pagsusungit ko sabay hila sa braso niya at nagpahila nga ang gago. 


Si Julia na nagsandok ng pagkain niya para kumain na siya. Magsasandok na rin sana ako nang mapansin ang ulam. 


Allergic ako dito. 


Malulungkot na sana ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko. 


"Smith! Andito pagkain mo!" sigaw ng kusinera sakin. Yung nilutuan ako ng isang araw. 


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE 3RD YOUWhere stories live. Discover now