Chapter 2

10 2 0
                                    


"Kaya pala nagkakanda kuba ang Ari namin. Naging katulong na pala siya." pang aasar ni Elix. 


Buong hapon akong inutusan nung bwiset na 'yon. Hindi pa siya tapos mayroon uli siya ngayon simula pagkagising ko nakita ko nalang ang pagkahaba-habang listahan niya.


Hindi ako kusinera pero ako nagluto ng agahan dahil utos niya. Hindi ako Gardenera pero ako pinagdilig niya ng napakalawak na halamanan buti nalang umulan at siguradong hindi ko matatapos 'yon ng isang araw. Ngayon pinaglalaba ako ng mga damit. Hindi niya damit syempre ang pinalaba sakin mas malala 'don. Tatlumpung napaka kapal na punda. Triple pa ang bigat sakin!


Sakit na ng kamay ko magsusugat na yata 'to dahil sa chlorine.  Samantalang si Elix heto tinatawanan ako bastos talaga. 


"Labhan mo na rin pati damit namin." pang aasar pa nito pero hindi ko na siya pinansin dahil ang hapdi na talaga ng kamay ko. 


"Ako na jan. Gawin mo nalang yung ibang utos." parang lumiwanag ang mga mata ko sa sinabi niya.


"Yan, 'yan ang magic word na hinihintay ko! Ito na yata ang pinakamatinong ginawa't sinabi mo! Mabuti ka talagang tao Elix!"


Dumiretso na agad ako sa rooftop para magsampay ng nilbhan kong tapos na. Minadali ko na talaga mag asikaso dahil magluluto pa 'ko ng tanghalian.


Naiinggit ako sa ka batchmates ko dahil nag e-ensayo na sila para gumaling ang skills nila samantalang ako heto... inuutos utusan haha. 


Natapos na sila sa pag e-ensayo at maghahapunan na ako eto nagku-kuskos ng dumi sa mga sulok-sulok.


Nakakapag taka't hindi ako tinatawag ng Commander ngayon.


"Nalinis mo na ba yung dumi sa kusina?" gulat ako nang biglang may magsalita sa likod.


Kapitan.


Hinarap ko siya bago tumango.


"Madumi pa rin." napakurap ako ng dalawang beses bago gumalaw dahil sa sinabi niya. 


Matik 'di ko na ku-kuwestyonin 'yon. Galaw agad!


Pumunta ako ng kusina para maglinis nang biglang kunin sakin ng kusinera ang panlinis na hawak ko. 


"Tumigil ka na diyan, kumain ka." pagalit sakin ng kusinera. Magsasalita na sana ako pero pinigilan niya ko. " Walang pero pero sabi ng Kapitan pakainin kita at sabi rin ng Commander may pagpupulong daw kayo. Kaya kumain ka jan." 


Napakurap nanaman ako ng dalawang beses sa narinig. "Sinabi po ng Kapitan 'yon?"


"Oo, heto paborito mo." alok sakin ng Kusinera at laking gulat ko dahil pabrito ko nga. Pano niya nalaman 'yon. 


THE 3RD YOUWhere stories live. Discover now