Kabanata 05

9 3 0
                                    

Kabanata 05

Infatuated 

“Hi, can I have a glass of water, Obed?”

 

Napalingon kami pareho ni Obed sa taong nakatayo sa may pintuan. He is the one they called Amare. Ito ang taga STEM student, I wonder what section he is in. I bet 2 or 3. 

 

He looked at me blankly, then turned his gaze to Obed. His eyes lit up as he looked away. Ngumuso lang ako. Ang gwapo niya infairness, pero mas gusto ko si Obed.

“Ah, nandito Amare.”

Pinagmasdan kong mabuti ang pag-aalay ni Obed kay Amare. He is very gentle with everyone. I wonder if every girl likes him. As far as I can see, he is the person that every girl wants to have. 

 

Habang nakatitig ako kay Obed, napansin ko ang malamyos na titig sa akin ni Amare. He looks at me intently while drinking his water, and Obed is talking to him. Ang alam ko nakikinig siya, pero na sa akin ang titig niya. I directly bow my head and focus on my plate. I feel ashamed that someone caught me drooling on his friend.

 

Narinig kong nagsalita si Amare, pinipilit ko talagang hindi iangat ang aking ulo sa kanila.

 

“Sabi ni Pastor, paparating na iyong pagkain. Labas na kayo bago ka pa makita dito at baka ano pa ang masasabi nila,” he mumbled before he stormed out. 


Doon ko lang inangat ang ulo ko at nakaupo na si Obed sa aking harapan. He smiled again. 

“Tapos ka na?” tanong niya sa akin.

Gusto ko sana siyang tanungin kong anong meron kung makikita kami ni Pastor nang maalala ko si Tan. Gano'n din kaya si Obed katulad ni Tan? Bawal din sila sa ganito?


I nodded at him. “Tapos na. Hindi ko na ubos, Bed. Busog na kasi ako.”

Tumango siya sa akin at tumayo. Tumawa siya sa akin habang nililigpit ang aking pinagkainan. Kaagad ko siyang pinigilan.

“Huwag ako na,” untas ko habang kinukuha sa kaniya ang plato ko.

He shook his head and softly grabbed the plate out of my hands. He smiled again.

“Ako na, Beth. Maupo ka nalang diyaan, okay?”

Ngumuso ako at dahan dahan na umupo pabalik sa upuan. Tinignan ko ang likod niya habang naghuhugas sa pinagkainan ko. Nasa gilid lang ang lababo kung saan ako kumain.

Kahit sa ganitong kilos niya kinilig ako. 

“Ang liit ng kinain mo,” sabi niya sa katahimikan ko.

I chuckled. “Maliit lang ako kumain,”

“Kaya pala hindi ka tumatangkad,” he teased me.

“Hoy! Grabe ka naman, Bed,” mahinang bulyaw ko sa paratang niya.

Malakas siyang napatawa sa akin at nilingon ako. Hindi nagtagal ang tingin niya sa akin. Ngumuso ako habang inirapan siya.

“Bakit ka nga pala sa STEM habang iyong bestfriend mo sa kabilang strand?” tanong niya.

Tumayo ako at nilapitan siya. Nakita kong nagulat siya sa biglang pag lapit ko pero nagpatuloy siya sa kaniyang ginagawa. 


Broken Vessel (Amog Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora