Kabanata 01

15 6 0
                                    

Kabanata 01

Like

"Ysabel!" Tawag ko sa kaibigan na ngayon ay tumatakbo papunta sa akin. 

Ngumiti ako ng malapad hanggang sa nakarating na siya at niyakap ako. 

"Nakapunta ka ba sa concert kagabi?" tanong niya at kumalas sa yakap namin.

Umiling ako. "Hindi. Open ground naman 'yon at free ticket pero hindi pumayag si Mommy dahil hating gabi na matatapos. Alam mo naman na malayo pa ang sa amin doon sa inyo."

"Eh, ihahatid ka naman namin ni Gabriel,"

"Kahit na. Tsaka, may exam tayo ngayon!" I exclaimed.

Umirap siya sa akin. "Multitasker ako!"

"Ewan ko sa ‘yo, Ysa." Inirapan ko din siya.

Tumingin ako sa may bandang kanan, nakita ko si Gabriel Lucero na naglalakad patungo sa amin. Ngumiti ako at kumaway. Lumingon siya sa kaibigan at ganoon rin ang ginawa. Kumaway si Gab sa amin. Sa kalagitnaan ng pagkaaway namin, may biglang humawak sa aking balikat. Dahan-dahan akong napalingon at ngumiti Ng napagtanto kong si Tan 'yon. 

"Hoy!" Yumakap kaagad ako sa kaniya.

Napalingon si Ysa amin. Nandito na din si Gab.

Tan laughed at me. And tap my back.

"Na miss kita," ani ko.

Tumawa pa siya. "Me too, Beth."

Tumango ako at dahan-dahan na kumalas sa yakap. Seryoso akong sinabi kong namiss ko siya. Dahil sa bagyong dumating na suspende ang klase namin. Mahigit buwan rin yon bago pa kami nakabalik dito. Lagi naman kami nagkikita ni Ysa dahil siya ang pumupunta sa bahay. Si Tan naman pumunta sa ibang bansa ganoon rin si Gab.

"Ako, Beth." Ngumuso si Gab sa akin.

Natawa ko siyang nilingon. Tumango ako at niyakap rin siya.

"Miss you, Gab," wika ko.

"Nasaan ang “I” doon?"

Ang arte naman!

"I…" ani ko sabay kalas sa yakap. Tinignan ko siya. Nakakunot na ang noo niya. Natawa naman ako.

"Bakit ba? Kay Ysa ka na lang manghingi ng “I” total may pagtingin naman siya sa iyo!" 

Biglang namilog ang mata ni Ysa. Tinampal niya ako sa balikat. Nakita ko kung paano ngumiti si Gab habang nakatingin kay Ysa.

Inlove sila pareho!

"Ano ba, Beth!" Ysa exclaimed.

Nilingon ko siya. "Totoo naman ah! Tsaka, magkaibigan tayo, oy! 'Wag kayo ganiyan!"

Umismid si Gab. "Bakit si Tan hindi ka ba gusto?"

Nilingon namin ang tahimik namin na kaibigan. He's clueless when he opens his eyes to us. Kunot ang noo niya. Humighik si Gab ng hawak ni Tan ang kamay ko. Kilala ko siya if he doesn't feel comfortable with any stares. Hahawak talaga siya sa kamay ko para pigilan ang manginig.

"May gusto si Tan." Nilingon ko ang dalawa.

Ysa never left her eyes on our hands. Gab still giggles beside her. His eyes are looking at us back and forth. Naramdaman kong lumingon sa akin si Tan.

"Yeah. May gusto ako." The way he said those words, he didn't look away. He just looked at me, full of confidence.

Naramdaman ko na ang ibig niyang sabihin. Dahil sa reaksyon pa lang ng dalawa. Hindi ko na kayang magisip ng kung ano-ano. This is one of my avoidable topics. Tan is my friend. Technically, my childhood friend. Let's say I liked him. Let's just be honest with that part. But it is all about adoring him for being a gentleman and for being a good friend. Never 'yon uusad na kung ano naman. This feeling I have for him is only adoration. 

Broken Vessel (Amog Series #1)Where stories live. Discover now