Chapter Sixteen

158 4 0
                                    

Kaya ko pa.

Kaya ko. Sa mga araw na lumipas iyon ang pilit na sinasabi ko sa sarili ko. Na kaya ko pa, na hindi dapat. pa ako puwedeng sumuko. Na hindi pa.

Isang linggo na rin ang nakakaraan simula nung umamin ako kay Knight at nalaman ko yung about sa sakit at totoo g pagkatao ni Chel. Ilang beses na rin kami nagtatalo ng mga kuya ko about sa kapatid nila sa labas, which is si Chel, until now, I just can't believe it, and accept the fact that she is my sister, I didn't know if she knows na alam ko na yung totoo, pero sa nakikita ko hindi pa niya alam yung mga nangyari last week.

Monday ngayon at may pasok na naman Ako, ito na naman ako sa pag pretend na parang walang nangyari, kahit na ang linaw linaw pa sakin ang lahat, wala eh, ganito na siguro talaga ang takbo ng Buhay ko, wala naman akong karapatang magreklamo. HAHAHA.

Tahimik naman akong pumasok sa loob ng sasakyan. Hindi ko na masyadong napansin si Tay Pedro, dahil maski ang aking sarili ay, dko rin pansin kung paano ko nakakaya ang lahat. Binuhay na ni Tay Pedro ang makina ng sasakyan pagpasok niya sa driver seat. Pasimple naman akong tinitignan ni Tay Pedro, siguro nagtataka siya na may pagbabago sa mga kilos ko, nais ko sanang tanungin si Tay Pedro, kaso huwag na lang. Bumuntong hininga na lang ulit ako sabay pumikit ng mariin.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, nagising na lang ako nung ginigising ako ni Tay Pedro.

"Ma'am Samantha, gising na iha, nandito na tayo sa inyong paaralan," Mahinang pang gising sakin ni Tay Pedro.

Nag unat lang ako saglit at ng retouch ng saglit then bumaba na rin, dahil baka malate pa ako sa mga subjects ko ngayon.

"Sige po, mauuna na po ako, salamat po sa paghatid sakin Tay Pedro, ingat po kayo." Mahinang sambit ko.

Habang naglalakad ako papunta sa aking classroom, parang may iba akong nararamdaman, hindi ko alam kung kinakabahan ba ako or may hindi lang talaga mangyayari ngayon? Kung tatanungin niyo ako kung nasaan ang mga kuya ko? Hindi ko din alam, basta pag-gising ko, wala na sila, so I guest nandito na sa school yung iba at yung iba baka nasa work na. Sa sobrang lalim ng pag iisipin ko, hindi ko namalayang may tao pala sa harap ko at nagka-bunguhan kami.

"Halla! Sorry po, dko po kayo napansin." Nahihiya kong Sabi.

Pagtingin ko kung sino yung taong nagkabunguhan ko, dko inaasahan na siya pa, ang daming students na nag aaral dito, bkt siya pa? Ang aga-aga pa para sa pain, hindi ba pwedeng tama na muna? Hindi pa ako, okay, hindi pa ako ganun kalakas para harapin siya. Aalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"We used to be okay, Sam."

Pigil ang emosyon na sinalubong ko ang tingin niya. "Yes, after you hurt me."

"I needed to do it."

Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. "Ano bang gusto mo Knight? Magpa-fiesta ako at kalimutan na lang na ang taong mahal ko, ay hindi ako kayang mahalin?"

Bumakas ang gulat sa mga mata niya. He brushed his hair up using his hand as a sign of frustration. "I told you...I told you not to fall in love with me."

"Well, I'm sorry! I'm sorry that this pashnea heart won't even listen to me! Dahil kung nakinig lang sa akin ang pesteng puso na ito, hinding-hindi kita mamahalin—"

Hindi ko na nagawang makasigaw ng may kung sinong bumangga sa akin dahilan para matumba ako. Mariing pumikit ako at inintay na lamang na ako ay matumba ng maramdaman ko ang mga braso na pumalibot sa akin.

I slowly opened my eyes. I met his gaze...his face was so close to me. And again I saw my Knight. "Knight..."

"It doesn't have to be this way. Stop loving me."

The Woman Who Doesn't Believe In Love (Lee Siblings Series#1)Where stories live. Discover now