Chapter Ten

282 21 0
                                    

Am I in love?

The next day, sobrang daming gawain kaya lahat ng estudyante sobrang busy. Malapit na kasi ang Finals exam namin kaya kailangan na naming mag-aral at magpasa ng mga requirements namin para makapag-exam kami.

Masyado kasing mahigpit ang ibang mga teacher ng St. Joseph University, kaya heto kami ng mga kaibigan ko, babad sa library buong araw kahit weekend naman.

"Guys! Hindi ko na talaga kaya! Umiikot na ang paningin ko!" Reklamong sabi ko.

Tumingin naman sila sakin at mukhang naawa naman sila. Hindi kasi ako kasing talino nila, napaka-unfair!

"Kumain muna tayo. Baka mamaya mahimatay na si Samantha diyan kung ipagpapatuloy pa natin ito." Natatawang sabi ni Kate, kaya napanguso ako dahil sa sinabi.

"Tssss, hindi kasi ako kasing talino niyo!" Sabay irap sa kanya.

"Sus, matatalino kaya mga Kuya mo! Anyari sayo!"natatawang sabi ni Alex.

Inirapan ko na lang silang lahat at pinagpatuloy na lang ang pagliligpit ng mga gamit namin.

Pagkarating sa Cafeteria, sila Alex at Daniel na ang kumuha ng mga pagkain namin, total naman lalaki pa rin sila pusong babae lang talaga.

Habang hinihintay namin sila Alex at Daniel ay may biglang pumasok dito sa cafeteria na naging dahilan ng mga ingay, tili at hiyawan ng mga estudyante lalo na ang mga babae.

Nang makita kong sila Kuya at Knight pala yung pumasok ay agad akong napangiti kay Knight lalo na nung napatingin din siya sakin kaso hindi niya sinuklian iyon, sa bagay ano pa bang aasahan ko sa kanya.

"Uy Samantha!"tawag sakin nila Kate.

Kaya agad akong napatingin sa kanila iyon nga lang nakakunot noo silang nakatingin sakin. Hindi ko namalayan na nandito na pala sila Alex at Daniel.

"W-What?"kinakabahan kong tanong, shocky nakita pa yata nilang nakatitig ako kay Knight.

"Bakit ka ba titig na titig ka kay Knight?"mapag-usisang tanong ni Kim.

Shocky, sabi na nakita nila ehh, masyado ka kasing halata Samantha. "H-Huh? H-Hindi naman ako nakatitig k-kay K-Knight!"Patay malisyang tugon ko.

"Kung hindi si Knight ang tinititigan mo, sino?"tanong ni Angel habang nakangisi sakin.

"W-Wala!"utal kong tugon.

"Siguraduhin mo lang, gusto ko kasi si Knight."nakangiting sabi ni Chel.

"Totoo?"sabay tanong nila Kate maliban sakin. Tumango naman siya habang nakangiting tumingin samin.

Napailing na lang ako nang makaramdam ng kirot sa puso ko. Magugustuhan din siya ni Knight, maganda, sexy, matalino at healthy si Chel kaya bagay talaga sila ni Knight.

Nangingilid ang mga luha ko pero pinigilan ko din agad. Ang hilig ko talagang saktan ang sarili ko, crush ko lang naman si Knight kaya bakit ganito kasakit ang nararamdaman ko.

"Ayos ka lang ba Samantha?"nag-aalalang tanong ni Alex sakin.

"H-Huh? Oo ayos lang ako, uhm...kailangan ko pa palang ibalik itong mga libro sa library."Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Mamaya muna ibalik, kumain ka muna, sasamahan kana lang namin mamaya."sabi ni Kim, agad naman akong umiling.

"Hindi pa naman akong gutom, kailangan ko na talagang ibalik itong mga libro na hiniram ko at mauna na kayo umuwi."nakangiti kong sabi, sabay tumayo at tumalikod na sa kanila, hindi ko na sila hinintay magsalita.

The Woman Who Doesn't Believe In Love (Lee Siblings Series#1)Where stories live. Discover now