Ten Times Worse

529 58 18
                                    


Ten years later . . .


"Did you blame someone after that?"

"Blame?" I shrugged. "I don't think blaming someone would help sa ganoong situation. You're naïve. Selective ka pa sa kung ano lang ang gusto mong isipin. Mahirap mag-blame kapag open na ang mind mo sa buong picture."

Mula sa table niya, lumipat si Divine sa tapat ng bintana at tinanaw ang langit na nagbabagsak ng malalaking patak ng ulan.

"Pero nakakapag-usap pa rin kayo?" tanong niya nang lingunin ako.

"Usap? Hindi na. Pero nakikita ko siya sa tagged photos ng mutual friends namin."

"May pain pa rin kapag nakikita mo siya?"

Matipid akong ngumiti saka umiling. "If accepted mo na ang fate ninyong dalawa, wala nang pain. Gusto mo na lang maging happy siya and, of course, gusto mo na lang ding maging happy ka."

"Walang bitterness?" nang-aasar na tanong niya.

"Wala nga. Saka bakit kailangang maging bitter? Puwede namang maging happy na lang tayo sa nangyari."

"Hahaha! Grabe, ang mature ng sagot, ha." Ang lalim ng buntonghininga niya at tumanaw na naman sa langit mula sa bintana ng room kung nasaan kami.

Divine is my student. One of those weird students na ayokong makita sa klase ko.

She's in her third year as a business administration student. Isa sa mga estudyante ko sa FinMan. She's 25 years old. Young, maybe? A decade younger than I am.

Third year, and this is her third course na tine-take.

Repeater? Nag-shift lang? That was the point. She's not.

She's one of those weird students na sure ka nang nalulunod sa privilege. She took up information technology eight years ago, had her bachelor's degree four years ago. At habang nasa second year college siya sa IT, nag-take pa siya ng BSEd in Social Science. Pinagsabay niya ang dalawa. Kaya after niyang maka-graduate ng IT, nag-aaral pa rin siya sa BSEd naman. After two, years, naka-graduate siya sa BSEd habang nagte-take ng Master of Arts in Education, major in TLE. Right now, kapag sinusulat niya ang buong pangalan niya sa exams ko, may karugtong na 'yong MAED-TLE sa dulo.

One year na lang after nito, may bago na naman siyang diploma ng bachelor's degree, under naman ng business course.

Kung tutuusin, puwedeng-puwede na siyang magturo gaya ko, but she still pushed this course na pangatlong taon na niya.

Ayoko talaga siyang estudyante. Feeling ko, may naka-sit in na proctor kada subject ko. Isa pa naman siya sa pinaka-active sa recit. Sobrang matanong. Kapag hindi kontento sa sagot, ikaw na ang gigisahin kahit ikaw ang propesor.

But she was in her "normal" mode today. Naging personal na ang mga tanong niya. Hindi naman off ikuwento ang matagal nang nangyari, wala na rin naman kasing mababago kahit ikuwento ko pa. At isa pa, tapos na ang klase ko. Nagpapatila na lang kami ng ulan.

She didn't sound courious, too. Parang nagtanong lang dahil gustong may mapag-usapan, hindi dahil gustong may malaman.

"Ang daming natutuwa kapag umuulan, 'no?" sabi niya, at pagtingin ko, nakatingin na siya sa ibaba. Pinanonood yata ang mga nandoon sa ibaba at masayang maulan ngayon.

"Naiinggit ka ba?" biro ko at niligpit na ang mga gamit ko sa table.

"To be honest, hindi ko gusto kapag umuulan. It reminds me of something sad and dark from the past."

"Traumatic ba?"

"Somehow." Nagkibit-balikat siya at umalis na sa may bintana. "Pero gaya nga ng sabi mo, hindi lumiliit ang trauma sa loob natin. Ine-expand lang natin ang zone kung saan tayo comfortable. It was still there, pero nag-grow ka na para hindi na doon umikot ang buhay mo. 'Yon naman ang importante."

Ramdam kong may kung ano sa ulan na iniiwasan ni Divine. Whatever that was, ayoko na lang ding pilitin siya dahil baka maka-trigger lang ng masamang alaala.

"Wala ka na namang payong na dala?" tanong ko sa kanya.

"Gusto kong harapin ang takot ko," nakangiting sagot niya.

"Lalagnatin ka lang sa pagharap sa takot mo. Tara na, isasabay na kita."

Ayokong dalawin kung ano man ang past ni Divine, pero may kung ano sa mga sinasabi niya sa akin na doon ako dinadala.

At kung ano man ang meron sa ulan, gusto ko ring malaman kung bakit hindi siya rito natutuwa.



- please read Ten Times Worse on Wattpad -

The Fifth Day's PainHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin