Chapter 19

208 13 11
                                    

Warning: R-18

Anniversary

Just like how the wind passed, a year have passed too. And so, our relationship.

I'm now on my third year! My Goodness! Kinakaya pa at kakayanin pa! Sana. Choz, kakayanin ko talaga. Para sa future—kasama ang tangi ko.

"Bakit daw hindi pumunta si Axel?" tanong ko kay Elay. Sabado ngayon at narito ako sa bahay nina Elay. Tinutulungan ko siyang mag-bake ng cookies. Hindi ko alam kung para saan ba ito, tinutulungan ko lang siya.

Minsan lang siya humingi ng tulong e, kaya sasagarin ko na. Malinis ang kitchen nina Elay, parang hindi masyado nagagamit. Halos puro bago ang mga kagamitan dito. Very minimalist lang din.

She shrugged. "Baka busy." Seryosong sagot niya. "Minsan ko na lang din makita siya, e. Hindi na yata umuuwi sa kanila."

"Oh? Bakit? Hindi ko na rin siya masyado nakikita, e."

Nagkibit-balikat siya at tinuloy ang ginagawang cookie.

Naka-hair net pa siya habang may suot-suot na face mask. Seryoso niyang inaayos ang shape ng cookie na ginagawa niya. I've never seen her this serious, mas seryoso pa yata siya rito kaysa sa mga binabasa niyang aklat.

Tumango ako habang ginagawang hugis puso ang cookie na ginagawa ko. Napagpasyahan kong gumawa na rin ng para kay Davis. Since, today is our first year as a couple. 

Na-miss ko tuloy ang tangi ko. Makikita rin kita mamaya!

Matapos naming mag-bake ay umuwi na ako. It's Wednesday. Maaga akong umuwi galing school dahil foundation day naman. Sobrang galing ng anniversary namin, kasabay ng foundation day ng school.

Inayos ko ang heart na cookie na aking binake at inilagay 'yon sa heart na lagayan. Puro heart. Sa ibabaw ng lagayan ay may naka sulat na 'I love you', pati na rin design na hearts. Punong-puno ng pagmamahal ko para sa kaniya. I really don't know if ayos lang na ito lang ang gift ko sa kaniya when in fact.. first anniversary namin 'to.

Hindi naman ako maka-isip ng ibang gift for him kaya ito na ang nagawa ko. I feel like kahit anong regalo ang ibigay ko sa kaniya ay hindi 'yon sapat, dahil he deserves so much better.

Kinuha ko ang nabiling paper bag na sobrang cute. Inilagay ko doon ang lagayan ng cookie. Matapos ay kinuha ko naman ang maliit na box na naglalaman ng mga pictures namin, simula one month as a couple hanggang sa mga pictures namin ngayon. I've been keeping all of that for him.

Iyon naman ang inilagay ko sa loob ng paper bag. My gifts for him are totally simple, like really damn simple. Sana magustuhan niya.

Nang maayos ko ang regalo ko sa kaniya ay sarili ko naman ang inayos ko.

I wore a shiny red dress, which is spaghetti strapped. Kita ang likod ko. Ang haba naman niyon ay hanggang tuhod. Naglagay din ako ng lipstick—red lipstick. A seductive lipstick to be exact. Huy.

"Is this too much?" pagkausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa refection ko sa salamin. Tinititigan ko ang sarili, I am comfortable and confident with what I looked like right now.

I like my looks today. I like the weather today. I like the day today. I like everything about today.

Lumabas na ako nang marinig ang boses ni Davis sa sala namin. Naka-upo siya habang kaharap ang Papa ko. They're talking about something. Hindi ko 'yon masyadong maintindihan dahil mahina ang volume nila pareho.

Nang makalapit ako sa kanila ay agad na bumaling sa akin ang tingin ni Davis.

He stood up and took my hand. "Ang ganda mo." He whispered as he slowly entwined our fingers. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin.

Save The Last Song For MeWhere stories live. Discover now