Chapter 17

195 14 20
                                    

Concert

Ang galing nila talaga! Sobrang saya kausap ni Yuan! Napakadaldal, as in! Nahiya ang kadaldalan ko sa kaniya. Si Kian at Gerald ay mabait din, sadyang mas naka-focus sila sa performance. And, that's really cool for me.

"Bakit ang tahimik mo?" tanong ko nang magsimulang paandarin ni Davis ang kotse.

Hindi siya sumagot at seryosong nag-drive.

Napaawang ang bibig ko. Anong nangyari sa kaniya? Kanina lang ay good mood na good mood siya. Now he's sulking! Umaarangkada na naman ang mood swings niya!

"Tangi?" pagtawag ko sa kaniya. May sumilay na ngiti sa labi niya na agad niya ring itinago. Serious mode na ulit. "Hmm.. tangi?"

Nasamid siya and this time humarap na siya sa akin. Tinigil niya ang sasakyan sa gilid. Wala pa kami sa amin. Sumilip ako sa labas, nasa park kami natigil, maraming tao. Binalik ko ang tingin kay Davis.

"Galit ka ba? Nagtatampo?" I asked.

He sighed. Binitawan niya ang manibela at kamay ko naman ang hinawakan. Ano bang nangyayari sa kaniya?

"Why..." Saad niyang hindi niya itinuloy.

Kumunot ang noo ko.

"Huh? Pabitin ka naman!"

Nahihiya siyang umiwas ng tingin. "Bakit.. Yuan agad ang tawag mo sa kaniya? Bago pa lang naman kayo nagkakilala... Are you that comfortable with him? While, you can't even call me by my first name."

Nag ngiting aso ako. "Are you jealous, Tangi?" natatawang tanong ko. Kahit deep inside ay nagwawala na ang puso't isipan ko.

He nodded and answered, "Yes.. I'm sorry for being childish.."

Agad akong umiling. "Hindi naman pagiging childish ang pagseselos! Lahat naman ng tao nakakaramdam ng selos, 'yung iba nga lang nakakaya nilang itago. Pero iba tayo sa kanila... dahil hindi naman tayo sila." Saad ko.

"Just tell me lagi kapag nagseselos ka.. kinikilig kasi ako." Natatawang sabi ko bago hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"And, want do you want me to call Yuan?"

He smiled softly, and gently caress my hand on the top of my cheeks. "It's okay." He answered. "You can call him whatever you want. Basta 'wag lang tangi. Because, that's me. I'm your only tangi."

Napakalaking ngiti ang iginawad ko sa kaniya bago siya hinampas sa balikat.

"Okay.. tangi." Ngumuso ako. "Ikaw lang ang tatawagin kong tangi." Kinikilig kong sabi. Nababaliw na yata talaga ako.

He chuckled while shooking his head.

"Hindi ka na nagtatampo?" Tanong ko.

Umiling siya.

"Hindi naman ako nagtatampo."

Pinagpatuloy niya ang pagpapaandar sa sasakyan. Agad akong naka-uwi sa amin. Walang tao sa amin nang ako'y maka-uwi. Nakapatay pa ang ilaw kaya't binuksan ko 'yon. Pati si Mama ay wala pa. Baka nag-date sila ni Papa, dahil alam ko ay ngayon ang uwi niya. Sana nga ay mag-date sila. Para naman mawala ang stress nila sa trabaho.

Matagal na nang huling umuwi si Papa sa bahay dahil sa trabaho. I really hope that he's taking a good care of himself. I always text him pero wala akong natatanggap na reply pabalik. Busy lang talaga siguro.

Nagprito na lang ako ng itlog dahil may kanin naman. Mabilis akong kumain. Walang pasok bukas dahil holiday. Mabuti naman at pati college ay holiday.

Pumasok ako sa kwarto ko ng naka-pajama na. Masarap matulog! Pero, syempre need ko muna mag-goodnight kay Tangi.

Save The Last Song For MeWhere stories live. Discover now