spacetime

8.9K 140 20
                                    

paano kita maaalis sa isipan,
maitatakwil, kung ang kagandahan
mo ang siyang nagwawala sa aking
panaginip, ang unang sumasagi
sa isip, pagmulat ng mga mata: ikaw
ang unang makikita.


sabihin mo kung paano at anong
makagagamot, anong makahihilom
sa sugat ng matalim na hiwa ng
milyon-milyong taon-liwanag;
nakakaltas man ang mga pagitan
sa iyong kabutihan, umaapaw pa rin
ang katotohanan, na ako lámang


ang tunay na masidhing
nangungulila, bumabathala,
sa naiwan mong imahen
sa alaala.


lagi akong sasaiyo,
kahit ikaw man ay
hindi sumaakin
kailanman.


8 Hulyo 2015
3:33 nh




sintones (isang antolohiya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon