Chapter 35 - Smile

63.2K 474 39
                                    

HI GUYS

THIS   BOOK IS NOW A PUBLISHED BOOK UNDER LIB PUBLISHING 

IT IS NOW AVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE 

THANK YOU SO MUCH FOR ALL YOUR SUPPORT

LUV U ALL

- ZYCINE -

-------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 35 - SMILE

ANYA'S POV

Nagising ako na maayos na ang pakiramdam ko, wala na akong sakit, hinipo ko ang noo ko para i-double check kung okay na nga ako at tama okay na nga ako pero nagugutom na ako kaya bumangon ako at umupo sa kama pero noong pabangun pa lang ako ay nakita ko sya.

Nakita ko si Ace-sin na nakaupo sa lapag at nakayukong natutulog sa gilid ng kama ko, mukha syang pagod at puyat buong gabi nya ba ako binantayan? sinuri ko sya at nakita ko na nasa kanang kamay pa nya ang isang bimpo yun siguro ang ginamit nya para pababain ang lagnat ko kagabi hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako yung para bang pakiramdam na naawa ka at the same time parang gustong lumukso ng puso mo sa tuwa? basta ganun.

I don't know. . . basta right now all I want is to be with you Anya.

Biglang nag play sa utak ko ang sinabi nito kagabi sa akin habang tinitignan ko sya. Si Ace-sin inalagaan nya ko, totoo ba ang lahat o panaginip lang, hindi ko maintindihan.

It's not important to me. basura lang.

Parang akong biglang sinuntok sa dibdib noong maalala ko ang huling sinabi nya sa akin sa Party matapos nyang punit-punitin ang litrato naming tatlo ng kapatid nya. Natauhan ako bigla ayoko na ulit umasa pa, pagod na akong umiyak at masaktan ng dahil sa katangahan ko.

I'm done pursuing, I'm tired of reaching out, and most of all I'm done being Ace-sin Kin's stupid and miserable slave..

-

-

-

ACE-SIN POV

Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako habang binabantayan ko si Anya... teka oo nga pala si Anya! tinignan ko sya sa kama pero wala na sya doon kaya agad ko syang hinanap

"Anya!" sinilip ko ang banyo pero wala sya doon kaya nagmadali akong bumaba para i-check kung nandoon sya

"Anya! wala sya dito sa sala, baka nasa kitchen" kaya tinakbo ko ang kusina

"Anya nasan ka!" sabi ko habang papunta sa kusina at pagdating ko doon ay nakita ko sya na naghahaing ng pagkain

"Good Morning Ace-sin!"masayang bati nito

"Anong ginagawa mo!" bulyaw ko sa kanya. grabe pinapainit nya ang ulo ko hindi nya ba alam na sobra akong nag-alala sa kanya kagabi.

"Nag hahaing!"

Simpleng sagot nya sa akin habang inilalapag ang hawak na plato na may lamang kung anong pagkain sa mesa tapos umupo na sya doon.

"Naghahaing?"

"Oo! tara kain share tayo. gutom na ko eh." Sinabi nya iyon habang nakangiti sya, ano yun nagpapa-cute ba sya sa akin?

"Hoy! wag ka nga mapacute. isa pa sinong may sabi sayo na kumilos ka na ha? hindi mo ba alam na wala akong tulog kakabantay sayo" doon ko lang naalala na hawak ko parin pala ang bimpo na ginamit ko para i-spange bath sya. "and this! for your information I've never than this to anyone before." ihinagis ko ang bimpo na iyon sa kanya.

Ace-sin Kin's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon