Chapter Four

243 32 15
                                    

Kate's POV

"WHY DID you agree?!" sikmat ko kay Kendrick nang mapag-isa kaming dalawa.

Nagpalakad-lakad ako sa malawak na drawing room sa mansion ni Lolo Alejandro. Alam kong tototohanin nila ang kasal namin ni Kendrick. Parang ngayon ko gustong magsisi.

"You should say no," naiinis na sabi ko pa.

"Ikaw ang may gusto nito. Tapos ako ngayon ang sisisihin mo?"

Huminto ako sa paglalakad at galit na tumingin sa kanya. "Sinamantala mo naman ng sobra! Dapat ako ang hinayaan mong magsalita!"

"Okay sige." Tumayo ito mula sa prenteng pagkakaupo. "Itatama ko ang mga kasinungalingang sinabi mo. Madali akong kausap."

Humakbang siya papunta sa pinto. Nang akmang bubuksan na niya iyon ay mabilis ko siyang pinigilan. Nahihibang na ata talaga ang lalaking ito.

"Anong gagawin mo?"

"Sasabihin sa kanila ang totoo."

"You can't! Siguradong magagalit sa'kin sila mommy at daddy lalo na si lolo. Nag-iisip ka ba?!"

Walang emosyon ang mga mata niyang tumitig sa akin.

"Ako pa ngayon ang hindi nag-iisip? Baka nakakalimutan mong ikaw ang gumawa ng pesteng kasinungalingan na 'to."

Oo nga naman. Bakit ba kasi sa kanya ko binubuhos ang inis ko? Paano kasi relax na relax lang siya, habang ako hindi na mapakali sa kagagahan ko.

"Bakit mo ginawa 'yon?" maya'y tanong niya.

Dahil matangkad siya ng ilang pulgada sa akin ay nakatingala ako sa kanya.

"Ayoko kasi kay Kalil. Ayoko sa kanya maikasal."

"Sa akin gusto mo?"

"H-ha?" Mabilis na tumahip ang puso ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "Kapal mo! Bakit ko naman gugustohin na maikasal sa isang katulad mo? I'm pretty sure you are like them, who only want my money; that's why they want me."

Pagak na natawa si Kendrick kaya muli akong napatingin sa kanya. Nang magsalubong ulit ang mga tingin namin ay nakita ko ang galit sa mga mata niya.

"Para sa kaalaman mo, prinsesa, wala akong pakiaam sa pera mo o sa pera ng pamilya mo. Hindi rin kita kailangan. Maraming mga babae ang umaalok sa akin ng tulong at nasisiguro kong walang-wala ka sa kalingkingan nila."

"A-ano?" Dinuro ko siya. "How dare you say that to my face! Let me remind you again, Mr. Hidalgo. Yung hacienda na pinamamalakad mo ngayon ay galing sa pamilya ko, kaya huwag mong sabihin sakin na you're not after with my family's money! Hindi ka magkakaroon ng magandang buhay kundi dahil sa lupain nila Tito Ace!" Natigilan si Kendrick sa sinabi ko.

O ano ka ngayon?

Mabilis kong naibaba ang daliri kong nakaduro kay Kendrick nang biglang bumukas ang pinto ng drawing room at iniluwa ni'yon sila daddy at mommy.

"Nag-aaway ba kayo?" tanong ni mom nang tuluyan ng nakapasok ang mga ito.

Mabilis kong niyakap ang kamay ko sa braso ni Kendrick. "Of course not, mom."

"Akala ko nagtatalo kayo eh."

Tumingin si daddy kay Kendrick. "Gusto sana namin kayo makausap ng masinsinan, Kendrick. Ayos lang ba 'yon?"

"Actually kasi, daddy, may lakad pa si Ken—"

"Wala hong problema sa akin, Tito." putol ni Kendrick sa iba ko pang sasabihin.

"Mabuti kung ganu'n."

Naupo na sila at ako ang nahuli. Nakakainis talaga ang Kendrick na ito! Sinabi kong ako na ang magsasalita eh!

Owned by Him: Princess Kate AndersonWhere stories live. Discover now