Prologue

599 39 14
                                    

Author's note: Una sa lahat gusto kong pasalamatan si YuChenXi sa pag-alok niya sa akin na maging parte ng Aderson o ng Owned By Him Series. Salamat sa tiwala. ☺️
Salamat sa muling pagkakaibigan.
Sana mabigyan ko ng magandang hustisya ang love story nila Princess Kate Anderson at Kendrick Hidalgo. ❤️
(⁠*⁠❛⁠‿⁠❛⁠)⁠→←⁠(⁠>⁠▽⁠<⁠)⁠ノ





"HEY, You." napalingon pa ako sa likuran ko pero wala akong ibang makitang ibang tao maliban sa akin kaya muli akong napatingin sa babaeng nakasuot ngayon ng puting dress dahil na rin sa isa ito sa nagdala ng vail para kina Kenneth at Acer kanina.

Itinuro ko pa ang sarili ko para masiguradong ako ang kinakausap nito.

"Yes you are. May iba ka bang nakitang ibang tao sa paligid maliban sayo at sa akin." taas pa ang kilay nitong  sabi.

Kunot ang nuo kong napapailing dahil iba din ang ugali nito. Kahit na hindi ko ito kilala at wala akong balak kilalanin ito ay hindi mapagkakailang isa itong Anderson sa ugaling ipinapakita.

"Bakit?" tanong ko kahit nagusto ko na itong talikuran at huwag na lang pansinin.

"Help me to take this off." Sabay turo ng suot nitong damit.

"Ano?" Mas nangunot ang nuo ko dahil hindi ko sigurado kung tama ba ang dinig ko na gustong magpatulong sa akin para tanggalin ang damit niya ngayon

"Damn."narinig kong napamura pa nito habang pilit na inaabot ang zipper ng gown nito sa likod.

Makikita sa mukha nito na parang naiirita sa kung anong bagay. Hanggang sa muling magawi ang tingin nito sa akin.

"Hey! Can you come over here." tawag pa nito ng muli akong balingan.

Muli kong itinuro ang sarili ko dahil hindi naman ako sigurado kung ako ba talaga ang kausap nito dahil hindi naman ako nito kilala.

"Yeah you are." sagot nito.

Nilapitan ko ito. Pero sa paglapit ko at tinalikuran naman ako kaya naman nakaramdam ako ng biglang inis.

"Tinawag mo ako pero tinalikuran mo naman ako. Nang iinsulto ka ba?" naiinis na hindi ko mapigilang sita dito. Wala akong pakialam kung isa itong Anderson pero hindi ko ito kakatakutan dahil isa lamang itong babae.

"Can you unzip this damn gown for me. I cant reach it." sagot nito. Saka bahagyang itinuro ang zipper nito sa likod. "Nangangati na ako sa lintik na gown na ito."

Duon ako napakurap. Nasagot ang pagkairita sa tanong ko dahil gusto nitong buksan ko ang Zipper ng gown nito.

Tumingin ako sa tinuro niya. Sa una ay sa zipper ako nakatingin pero hindi naiwasan na hindi ako mapatingin sa batok nito. Sa hindi maipaliwanag na pakiramdam ay hindi ko napigilan ang mapalunok ng wala sa oras. Biglang nademonyo ang utak ko dahil sa kung saan umabot ang utak ko sa imahinasyon ko.

Parang nag aanyayang kagatin ang maputi nitong batok. Pupugin ng halik. Lasaan.

"Yah! What are you doing for. Hindi mo ba ako narinig?" may pagkairitang sita nito sa akin ng hindi pa ako gumagalaw na gawin ang pinapagawa niya.

Duon ako nagising at napamura ng wala sa oras.

"Oh yeah!" Muli akong napalunok. Ano bang klasing pag iisip ang mayroon ako ngayon. "Pero bakit hindi ka na muna makipagsaya sa mga pinsan mo duon sa labas." tanong ko dito habang pilit na kinakalma ang sarili ko.

Itinaas ang kamay ko pero nanginginig lamang iyon dahilan para muli akong mapamura.

Tangna. Kumalma ka Kendrick. At para saan ang panginginig ng kamay mo, gago. Tanong na may paninita ko sa sarili ng hindi ko mapigilang manginig ang kamay ko habang palapit ang mga ito sa likod niya.

"Later. After I change this damn gown." may pamura na namang sagot nito

Bigla tuloy akong napangisi dahil narin sa pagmumura niya. Hindi yata naturuan ito ng magandang asal ng isang maganda at mahinhing binibini bagkus tila ito isang anak ng ranchero na ang tanging alam ay ang magsalita na may kabuntot na pagmumura.

"Nakasuot parin sila ng mga gown nila. Ayaw mo ba ng gown mo. Bumagay naman sayo.." Sabi ko dito baka maisipiang hindi na alisin ang gown nito para na rin maiwasan ang ipinapagawa nito sa akin dahil patuloy parin ang kamay ko sa panginginig na naiwan parin sa ere.

Pero nagkamali yata ako dahil bigla niya akong tinapunan ng matalim na tingin.

"Are you going to pull it out or not." may galit na tanong nito. "Ah never mind. Maghahanap na lang ako ng ibang gagawa." sabi nito ng hindi agad ako nakasagot at saka humarap sa akin.

Natawa ako dito. Hindi yata maganda ang timpla ng isang ito. Ganito ba talaga ang mga Anderson. Mainitin ang ulo at maiksi ang pasensya.

Hmmm, siguro nga. Kaya bago pa ito makahanap ng ibang tutulong dito ay nagpasya na akong tugunan ang gusto nito.

"Sige, hindi ka naman makapaghintay." sabi ko dito saka ako pumunta sa likod niya.

Hindi naman agad ako nakakilos ng nasa likod niya ulit ako. Napalunok ako bago ko hinawakan ang zipper ng damit niya at para pang slow motion ang pagbubukas ko ng zipper ng gown niya at unti unting nalantad sa akin ang makinis niyang likod na wala ni kahit na anong bumabalot na duon maliban sa gown nito.

Tangna. sa loob loob ko na hindi ko mapigilan ang mapalunok. Hindi naman ito ang unang beses na makakita ako ng likod ng isang babae dahil patalikuran kong inaangkin ang mga babaeng gusto kong kaniig pero ngayon.

Tangna talaga. Hindi ko mapigilan ang tayuan ng mga balahibo sa mga malalaswang eksinang tumatakbo sa isipan ko.

Sa puti at kinis ng balat nito ay kahit hindi ko iyon damahin ay alam kong malambot iyon. At ang isa pang katanungan na nagsumiksik sa isip ko ay kung gaano kalambot ang nasa harapan nito.

Fuck! Tangna mo Kendrick. Sita ko na naman sa sarili. Kung saan na napunta ang naisip ko.

Lumingon ito sa akin habang hawak nito ang gown sa kanyang harapan para hindi tuluyang malaglag. Napalunok na naman ako ng makita ang ayos nito na para bang sa paraan ng tingin nito ay para akong inaakit.

Ngumiti itong bumaling sa akin.

"Thanks for helping me out of this." sabi nito saka binuksan ang isang pintuan sa kanan namin at tuluyang pumasok duon.

Naiwan akong walang nasabi dito. Hindi ko maalis ang tingin ko sa pintuang pinasukan nito.

Nailing ako na may ngisi sa labi ko. Kakaibang babae. Hindi ba ito natatakot na humingi ng tulong sa isang estranghero. Hindi ba niya naisip na baka pagsamantalahan ang pagkababae niya? At sa hiniling niyang tulong sa akin ay kung masama pa siguro akong tao ay wala itong magagawa kung natukso akong gawan ito ng masama.

Fuck! muli kong mura at pilit na binawi ko ang tingin sa pintuang pinasukan nito. Naiiling na umalis sa lugar na iyon at nakisalamuha sa ilang taong nakilala ko na siyang dumalo sa kasal ng kapatid ko.

Owned by Him: Princess Kate AndersonWhere stories live. Discover now