Chapter 1

6.3K 94 6
                                    

"Pambihira! Ang hirap maghanap ng trabaho dito sa Maynila," sabi niya sabay salampak sa couch pagdating na pagdating niya sa condo.

Bumukaka pa siya at hindi alintana ang suot niyang palda. Kitang kita ko ang kulay pink niyang shorts na may print pang mga pusa. Napailing na lang ako.

Iyon ang dahilan kung bakit magkasama kami ngayon sa condo. Naghahanap siya ng trabaho dito sa Maynila at dito ko muna siya pinatuloy sa condo habang wala pa siyang nahahanap na trabaho.

Pareho kaming lumaki sa hacienda kaya naging matalik kaming magkaibigan. Anak siya ng katiwala na nag-alaga sa'kin mula pagkabata. Kahit noong dito na ako nag-aaral sa Maynila ay nanatili ang pagkakaibigan naming dalawa. Madalas kapag umuuwi ako sa hacienda ay sa kanila agad ako dumidiretso at madalas ay inaabutan ko siyang nakikipag-inuman sa mga trabahador doon. Mas malakas pa yata siya uminom kaysa sa'kin.

"Sabi naman sa'yo sa'min ka na lang magtrabaho. Nangangailangan kami ng bagong gwardya." Tumabi ako sa kanya at tinabig ang isa niyang hita para isara niya ito. Masyado akong nadidistract sa mga pusa na naka-print sa shorts niya.

"Tangina naman kasi. Yung nag-interview sa'kin kanina kulang na lang hubaran ako sa tindi ng titig sa'kin. Nasapak ko tuloy. Nagkalat talaga ang mga manyakis na gaya mo sa panahon ngayon, ano?" Sinimulan niyang buksan ang mga butones ng blouse na suot. Ni hindi man lang pinansin ang sinabi ko.

Hindi ko rin maintindihan ang trip ng babaeng 'to at ayaw pa tanggapin yung inaalok ni Paps na trabaho sa kanya. Nagpapakahirap pa siyang maghanap ng iba.

"Tulungan kita?" Nakangising tanong ko habang nakatingin sa ginagawa niya.

"Bl*wjob kita?" Ganting tanong niya na masama ang tingin sa'kin.

"Gusto mo ba?" Tanong ko at lalo akong napangisi, "Ilalabas ko na," dagdag ko saka nagkunwaring huhugutin ang alaga ko sa loob ng suot kong shorts.

"Pakyu!" Bigla niya na lang akong sinapak. But I wasn't surprised since I was expecting it.

Napahalakhak ako. Ang bilis talaga mapikon nito kahit kailan kaya ang sarap niya lalong asarin.

"Sige na. Isang beses lang," nakangusong sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya saka siya napa-atras. Lumapit naman ako para mas asarin pa siya.

"Pusang gala ka, Hyatt Sebastian! Sasakalin kita," pikit-matang banta niya habang pilit na iniiwas ang mukha niya sa'kin.

"Yung alaga ko na lang ang sakalin mo para mag-enjoy tayo pareho."

Mukhang lalo siyang naalarma sa sinabi ko. Marahas niya akong itinulak kaya nalaglag ako sa sahig. Bumangon siya at saka tinadyakan ang alaga ko. Napamura ako sa sobrang sakit. Na-scramble pa yata ang itlog ko.

"Gago ka talaga kahit kailan. Ulitin mo pa yan, puputulin ko yang pinagmamalaki mong hotdog at saka ko ipapakain sa'yo," dumiretso siya sa kusina at kumuha ng beer sa ref. Tinungga niya iyon na parang tubig.

Bumangon ako mula sa sahig at naupo sa sofa nang maka-recover ako sa sakit.

"Hanap ka na lang ng ibang uutuin. Hindi tayo talo," sabi niya saka tuluyang hinubad ang suot niyang blouse.

Nag-iwas ako kaagad ng tingin dahil ayaw kong magkasala. Tama siya, hindi kami talo. Mas lalaki pa yata siya kaysa sa'kin.

"Putaragis! Ang init. Sira ba ang aircon mo?" Bumalik siya dala ang dalawang lata ng beer. Ibinigay niya sa'kin ang isa.

Pambihira. Hindi man lang magsuot ng damit. Binabalandra ba niya ang malulusog niyang dibdib?

"Makatitig ka, ah. Gusto mong l*masin?" Kaswal niyang tanong.

Midnight Confession [Revamping]Where stories live. Discover now