CHAPTER 2

36 1 0
                                    




Raven's POV


Nandito ako ngayon sa cafeteria dahil tapos na ang aming klase ng pang umaga at ngayon ay brake time na.
Ng matapos na akong bumili ng pag kain ay humanap na kaagad ako ng mauupuan ngunit punong puno ang lugar na ito hanggang sa may makita ako sa pinaka gilid at medyo tagong lamesa may nakaupo dito na nakayuko lamang kaya napag pasyahan ko nalang na dun na umupo

Ng makarating ako sa lamesang iyon ay humingi muna ako ng permiso kung maaari ba akong makiupo sa kanya

"amm maaari ba akong makiupo" tanong ko sa nakayuko lalaki habang kumakain natigil naman ito at napatingin saakin ng may bahid ng gulat

" ahhmm cge upo kana" nahihiyang sabi nya kaya umupo ako tumayo naman sya sabay buhat ng kanyang pag kain naalarma naman ako dahi baka lilipat sya ng mauupuan

"teka wag kang umalis hindi naman ako masamang tao ehh" sabi ko sakanya sabay bigay ng isang ngiti nagulat pa ito dahil saaking ginawa.
Nahihiya naman itong umupo at kumain ng tahimik gayun din naman ako

Ng matapos na akong kumain ay agad na akong nag paalam sa lalaking iyon para umalis dahil may susunod na klase na ako

Ng makarating na ako saaming classroom ay laking gulat ko ng makita ang aking upuan na punong puno ng mga chocolate, cupcakes at mga teddy bear tumingin naman ako saaking mga kaklase at tinanong kung kanino galing ang mga ito hindi naman sila sumagot sa diko malamang dahilan kaya ang ginawa ko ay inilagay ko ito saaking bag ngunit sadyang marami ang mga ito mabuti na lamang at maraming malalaking lagayn ang mga iyon kaya dun ko nalang inilagay ang iba

Natapos na ang aming klase kaya agad na akong gumayak pauwi ng mailagay kuna ang mga gamit ko saaking bag ay lumabas na ako



(FAST FORWARD)

nandito na ako sa bahay ngayon at kumakain ng hapunan at kung itatanong nyo kung asan ang mga ibinigay saakin ng kung sino man na mga chocolate at iba pa ay inilagay ko ito sa ref laking lasasalamat ko nga dahil nag kasya ang mga ito dun

Matapos akong kumain ay agad na akong nag linis ng aking pinagkainan bago mag tungo saaking kwarto para mag pahinga na

Naalala ko na bukas na pala ang aking kaarawan at magiging ganap na akong nasa wastong edad. Saaking pag iisip ng kung ano anong bagay ay diko namamalayan na nakatulog na pala ako
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Napabalikwas ako ng gising ng makaramdam ako ng subrang init saaking katawan na para bang sinusunong ang aking katawan kayat hindi ko mapigilang mapa sigaw

'aaaaaghhhhh ang sakiittttt' sigaw ko dahil sa aking nararamdaman na init na patuloy na gumagapang sa aking kaloob looban na para bang gusto nitong lumabas saaking katawan

Ilang sglit pa ay bigla nalang akong nakaramdam ng kaginhawahan ng maramdaman ko na lumabas saaking katawan ang init na aking nararamdamn at duon na ako nawalan ng malay at nakatulog muli





"raven" tawag ng kung sino ngunit hindi ko parin binubuksan ang aking mata

"ravennn" ulit nitong tawag kayat napa mulat na ako ng tuluyan ngunit nagulat ako ng wala akong makita ni katiting mang liwanag sa paligid

"sino ka mag pakita ka" sigaw ko sa kawalan ngunit walang naging dulog saaking mga tawag

Ilang sandali pa ay bigla nalang may nabuong kulay puti na nahahaluan ng itim na liwanag saaking harapan. Nakakaramdam man ako ng takot ay pinilit ko parin na huminahon

"kay langan munang bumalik sa tunay mong mundo iligtas mo ang sanlibutan ikaw lamang ang tanging may kakayahan kayat humayo ka" nagulat at natakot ako ng bigla nalang mag salit ang liwanag na nasa harapan ko at ano daw bumalik nako sa tunay kung mundo hibang na ata to at gagawin pakong alien hahahah

"huh adik kaba hahahah parang dika naman nag grade 2 nyan vebs" natatawa kung sabi

"alam kung may mga tanong ka ngunit dun mo nalang malalaman ang buong katotohanan na hindi kalang pangkaraniwang nilalang sa mundong ito" sagot nya saakin kayat kinabahan ako na nag tataka

Sasagot pa sana ako ng bigla nalang itong mawala 'nabunot siguro yung plugg' charr hahaha eme lang

Napasigaw ako ng bigla nalang akong mahulog mung saan at dahil dun ay nawalan na ako ng malay at tuluyan nang kinain ng dilim ang aking ulirat












































End.....

RAVEN THE  HIGHEST GODDESS (BXB) BOOK 1Where stories live. Discover now