CHAPTER 1

80 1 1
                                    












Raven's POV

Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na tumatama saaking mukha kaya bumangon na ako at tiningnan ang oras para makapag handa na ako sa aking magiging unang klase ngayong taon

So hi guys my name is raven rain Montefalco i am 17 years of age grade 11 student sa bago kung paaralan ang star university btw ang school nga pala na ito ay hindi pangkaraniwan dahil ito lang naman ang nangunguna sa buong asya kayat marami ditong mga mayayaman na nag aaral at kung ako ang tatanungin nyo kung pano nakapasok ang hampaslupang katulad ni em charr hahaha well eto nanga ang chika, dun kase sa dati kung school ay bumisita ang mga coordinator ng paaralang yun at namigay sila ng mga scholarship test at isa ako sa mga nakapasa kaya labis akong natutuwa dahil makakapag aral na ako sa pangmayamang paaralan

So balik tayo sa introducing portion so ayun nga meron akong balingkitang katawan at maputing balat isama mupa ang maganda kung mukha at mahabang buhok kayat napapagkamalan akong babae  es opo bakla si em well nahalata nyo ata sa title diba Hhahha eme

So ayun na nga balik na tayo sa story. Ng matapos na akong mag ayos ay agad na akong lumabas ng bahay para makapasok na dahil syang tunay na ako ay na eexcite na ng bonggang bongga hahahhaha

Ng makakita ako ng masasakyang jeep ay agad na akong sumakay, hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na makakapasok ako sa paaralan na nooy pinapangarap kulang pero ngayon ay abot kamay kuna hindi lang yun dahil dun na talaga ako papasok kaya labis ang aking pag papasalamat sa dyos dahil dininig nya ang aking napaka laki at imposibleng hiling na alam ko namang pag humiling ka sa kanya ay may tamang panahon na ito ay matutupad rin

So ilang sandali pa ay nakarating na ako sawakas sa paaralan na aking papasukan namamangha parin ako kahit sa tarangkahan pa lang ng oaaralang ito ay nag susumugaw na agad ito sa karangyaan kaya napangiti ako ng wala sa oras

"waaaaahhhhhhh" matinis na tili ko dahil sa biglang malakas na busina ang bumungad saaking likuran halos mawala ang aking puso dahil sa gulat

"hoyyy miss tanga kaba wag ka ngang paharang harang sa daan sasagasaan kita eh" sigaw ng nag mamaneho ng sasakyan sa boses palang ay mukhang galit na eto medyo nasaktan akodahil sa pag sigaw nya saakin, ito din ang problema ako eh yung pagiging mahina at iyakin

Humarap naman ako sa taong yun at ngumiti ng mapait at humingi ng pasensya. Nakita ko naman ito na nakatulala bakit kaya ganon sya makatingin saakin

"pasensya na po kuya" hinging pasensya ko sakanya bago mag bigay daan para sya ay makaraan na, nabalik naman ito sa wisyo at namula bago pinaharurut ang kanyang sasakyan patungo sa loob ng paaralan

Napatingin ako sa aking paligid at nagulat ako dahil pinag titinginan na pala nila ako kaya heto ako ngayon at hiyang hiyang pumasok sa loob ng paaralan dahil narin sa malapit na ang unang klase ko

Nang makarating ako sa magiging classroom ko ay agad na akong kumatok, mabilis din naman itong nabuksan at duon ko nakita ang sa tingin ko ay nasa 40+ na isang babae siguro ay sya ang magiging guro namin

" anong maitutulong ko sayo ija" tanong nya saakin at ngumiti kahit may edad na ito ay makikita mo parin ang ganda sa kanyang mukha

" ahmm maam ito po kase ang aking magiging klase pasensya napo kung akoy nalate bago lamang po kase ako dito" maglang kung sabi sa kanya napatango naman sya at sinabi na kung ako raw ang scholar ng paaralang ito na agad ko namang tinanguan, pinapasok na ako nito para raw mag pakilala sa aking mga kamagaral, sa ganto talagang parte ako kinakabahan

"hi my name is raven rain Montefalco im 17 years old and sana maging mabuti kayo sakin at isa pa po pala lalaki po ako" pakilala ko bago mag bigay ng isang maliit na ngiti, napansin ko na nakatulala ang aking mga kaklase kaya agad akong nahiya sa di malamang dahilan may nasabi ba akong mali

"ok mr. Or should I say miss. Montefalco dahil mas bagay ito sayo hahah maaari ka nang umupo dahil mag sisimula na ang ating klase and btw im miss. Cathrina im your advisor in this class" nakangiti nyang sabi saakin nahiya pa ako sa pag tawag nya saakin ng miss hindi parin talaga ako masanay sa ganyang tawag saakin hahahha

Naupo nako at duon nanga nag turo saamin si maam ngunit hindi ako makapag focus dahil sa tingin ng mga kaklase ko saakin lalong lalo na ang mga lalaki hayyst





































End...

RAVEN THE  HIGHEST GODDESS (BXB) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon