Chapter 8

4.8K 34 8
                                    

>> Chapter 8 <<

Nagtuloy si Francine sa lugar na pinagtagpuan nila kanina ni Jacob. Ewan niya kung bakit doon siya dinala ng mga paa. Basta sumunod lang siya kung saan man siya ipadpad ng mga iyon. Hindi siya makapag-isip. Nanlalabo ang mga mata niya sa mga luhang umaagos sa kaniyang pisngi.

Nanghihinang napaupo siya sa bench na siya ring inupuan niya kanina. Wala na ang ilang estudyanteng naroon kanina lang. Pero kahit may makakita pa sa kaniya ay wala rin siyang pakialam. Wala namang maitutulong ang mga iyon sa kaniya.

“Francine.”

Si Jacob ang nakita niyang nakatayo sa harap niya. Nagmamadali niyang pinunasan ang mga luha.

“What’s wrong?”

What’s wrong? Hindi ba nito alam kung ano’ng nangyari kani-kanina lang? Alam ng buong campus ang nangyari sa kanila ni Soshi. Saan ba nanggaling ito at hindi alam kung ano’ng nangyayari sa paligid nito?

Umiling siya bilang sagot.

“I’m fine.”

“Pero…”

“I’m fine, Jacob.”

Katahimikan.

“I want to do it now”, sabi niya maya-maya.

“What? Ang alin?”

“Come on…kanina lang natin pinag-usapan ito, Jacob”, iritable niyang sagot.

“You mean that?”

Tumango siya.

“Are you sure? Akala ko ba…”

“I am sure”, matigas niyang sabi dito.  

“Baka nabibigla ka lang, Francine.”

“I know what I’m doing. Don’t tell me what to do. Do you still want to help me or not?”

Tinitigan muna siya ng kaharap bago sumagot. May ngiting nabuo sa mga labi nito na hindi niya sigurado kung para saan.

“Alright. Where do you want to do it?”

“Sa resthouse namin sa Tagaytay.”

“That far?”

“It has to happen as far away from here as possible. Besides, I want to get away from here.”

“Okay”, sabi nito habang napapatangu-tango. “Let’s go then. Malayo ang biyahe natin.”

Tinanggap niya ang palad ng binata. Hinayaan niyang dalhin siya nito sa sarili nitong sasakyan. Walang imik na sumakay siya doon. Habang mabagal na tumatakbo ang sasakyan palabas ng campus ay nakatanaw naman siya sa bintana. Habang papalayo sila doon, pakiramdam niya ay papalayo din siya nang papalayo sa mga mahal niya. But there’s no backing out now. She has to do this. Pinunasan niya ng likod ng palad ang luhang tumulo mula sa kaniyang mata.

     -------------------------------------------------

“Soshi, wait.”

Hindi siya tumigil sa paglalakad kahit narinig niya ang boses ni Hailey.

“Soshi”, tawag uli nito sabay pigil sa kaniyang braso. Wala siyang choice kundi tumigil at harapin ang dalaga. Ngunit hindi siya nagsalita. Hinayaan lang niya ito. Ilang sandaling nakatitig lang sila sa isa’t isa. Medyo humihingal pa ang babae dahil sa ginawa nitong paghabol sa kaniya.

“Let me be by your side. Please.”

Hindi siya sumagot.

“Please, Soshi…”

Thank God I Found You ~ CS book 1 (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon