Chapter 7

4.8K 28 5
                                    

>> Chapter 7 <<

     “Excuse me?”

     “I said I want a child”, walang gatol niyang sagot.

     Awang ang bibig ng binata. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa sinabi niya. Para siyang batang gusto lang bumili ng laruan. Siguro ay iniisip ng kaharap na nasisiraan na siya. O nagwawala siya. But she doesn’t care what he thinks. As long as he’ll agree to what she wants him to do. She doesn’t care what he thinks of her.

     “Are you serious?”, narinig niyang tanong nito pagkuwan.

     “Oo.”

     “Why? Francine…”

     “Please, Jacob. I need this.”

     “O-okay.”

     Katahimikan.

     “May I know why me?”

     “You like me. Besides everyone knows that I don’t like you so nobody will suspect that my child’s father is you.”

     Napatangu-tango ito.

     “So that’s it ha? You want to make this a secret.”

     “Of course. Hindi naman talaga pag-aasawa o pagkakaroon ng relasyon sa ama ng anak ko ang intensiyon ko.”

     “Then what is your intention?”

     “That’s none of your business. Kung ano man ang dahilan ko for doing this, sa akin na lang iyon. Tutal hindi mo naman maiintindihan.”

     “Try me.”

     “Huwag na, Jacob, pwede? Look, sabihin mo na lang kung payag ka sa gusto kong mangyari o hindi. Para makapaghanap ako ng iba kung ayaw mo.”

     “Wait. Payag ako.”

     “Good. May isa akong kundisyon, Jacob.”

     “I thought I am the one doing you a favor. Bakit ikaw pa ang may kundisyon?”

     “Because I have to.”

     Napatawa ito sa sagot niya ngunit hindi siya natinag. Hindi nawala ang seryosong ekspresyon ng mukha niya.

     “Alright. What’s your condition?”

     “Walang dapat makaalam nito. You will keep your mouth shut about this conversation, about what we’ll do and about the baby.”

     Napatangu-tango ito pero hindi iyon sapat para sa kaniya.

     “Promise me, Jacob, that you’ll keep this a secret.”

     “Yes. I promise.”

     “Thank you. Sige, tatawagan na lang kita.”

     “Okay. Kung ano mang dahilan mo, sana it’s worth what you’re giving up for it. Good luck.”

     Tinanguan lang niya ito saka siya umalis. Nang makaalis sila pareho ay lumabas ang isang pigurang kanina pa nakikinig sa pinag-uusapan nila. 

Nang maghiwalay sila ni Jacob ay naisipan niyang umuwi na. Hindi na siya makikipagkita sa mga kaibigan. Babalik lang ang tensiyon sa pagitan nilang lahat kung magkakasama sila nina Hailey at Coreen sa iisang lugar.

Sa gilid ng main building siya dumaan para hindi na niya daanan ang canteen kung saan hula niya ay nandoon pa ang mga barkada niya. Natanaw niya sa malawak na grass area ng campus, sa harap ng main building, ang mga estudyanteng naglalakad sa magkabilang direksiyon. Meron din ilang mga naglalaro ng chess sa bench na nasa tabi niyon. May mga naglalaro ng hindi na niya inintindi kung ano. Basta dumiretso siya. Kailangan kasing dumaan sa grass area para makarating sa parking lot. May walkway papunta doon sa gilid niyon pero mas madali kung sa damuhan mismo siya dadaan.

Thank God I Found You ~ CS book 1 (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon