chapter 1 | haunted

2.9K 187 219
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Do you regret it? Protecting my secret?"

"It doesn't matter as long as I can see that smile."

"Even if you end up losing everything?"


"If you hit rock bottom, the only way to go is up," I whispered underneath my breath as I patted my chest lightly and put on my bravest smile.

Whoever coined that phrase, I owe them the last bit of motivation I have left to carry on my pathetic existence in this world.

Lumapit ako isang kinakalawang na gate at pinindot ang doorbell nitong para bang napudpod na. Akala ko nga sira na ito kung hindi ko lang narinig na tumunog.

Makalipas ang ilang sandali, bumukas ang gate at tumambad sa akin ang isang may-edad na lalakeng punit-punit ang t-shirt at may hawak pang bote ng beer. Pasuray-suray, kinusot-kusot niya ang kaliwang mata mula sa ilalim ng kanyang bilugang mga salamin. "S-Sino ka?"

"P-Pa?" It was only one syllable but it felt so heavy to say. Naiilang akong nagtaas ng kamay at saka nagpakilala, "M-Marika po . . . "

Biglang nanigas si Papa sa kanyang kinatatayuan at napatitig sa akin. Akala mo nakakita ng multo. Pero kung tutuusin, gano'n naman talaga kami isa't isa. Ever since we left Filimon Heights and Mama got married, Papa and I have been like ghosts in each other's lives. 

"P-Pa?" agaw ko sa kanyang pansin at pilit na nananatiling nakangiti para sa kanya.

Umawang ang bibig ni Papa. Naghintay ako sa susunod niyang sasabihin pero laking gulat ko nang bigla niya akong pinagsarhan ng gate. He literally slammed the door right in front of my face.

Napapikit na lamang ako nang mariin at huminga nang malalim. Ayoko nang magtanim ng galit para sa kahit na sino kaya pilit kong inintindi ang sitwasyon. Pinaalala ko sa sarili ko na ako ang unang tumawag kay Papa at desperadong humingi ng tulong. Ako ang nakiusap kung puwede ba akong makitira sa bahay niya habang wala pa akong trabaho at matitirhan. Ako ang kusang pumili sa Filimon Heights bilang lugar kung saan ako magsisimula ulit.

Pagbali-baliktarin man ang mundo, wala akong ibang puwedeng sisihin sa sitwasyon ko kung hindi ako. This is my karma. I deserve this.

Bumuntonghininga ako at nagpapa ng tingin sa dalawa kong maletang dala. Bukod sa napakarumi na ng mga gulong, tabinging-tabingi na ang karamihan sa kanila. Akmang bibitbitin ko na ang mga ito nang bigla na lamang bumukas ulit ang gate.

"Marika, anak!" 

Nagulat ako nang makita si Papa na nakasuot na ng isang kulay maroon na polo, kaso mukhang basa pa ito at kulang-kulang ang pagkakabutones. Hindi na tabingi ang salaming kanyang suot at wala na rin ang beer na kanina ay hawak niya. Pasuray-suray pa rin siya, pero may napakasigla at napakatamis nang ngiti sa kanyang mukha.

Favorite KarmaWhere stories live. Discover now