Rest who?

2 1 0
                                    

Ilang araw na din ang lumipas matapos yung bigayan ng cards, di ko din alam pano ko nalampasan lahat ng breakdowns basta ang mahalaga nakakahinga pa ko ngayon.

"Huy, muka ka ng zombie tapos yung buhok mo muka kang galing sa rambol" bungad ni Bea.

"Okay lang maging panget atleast matalino," sagot ko.

"Eh bakit si janelle? Matalino tsaka maganda. Magpahinga ka nga muna para di ka nagmumukang bangkay dyan." Dagdag nya. Minsan talaga di ko alam kung iniinsulto ako nito o talagang pasmado lang bunganga nya.

"Ayoko ng paghinga, gusto ko kapag nagpahinga ako diretso 'pamamahinga' na."

"Bahala ka nga dyan, matalino ka nga weird ka naman." Tapos naglakad na sya papalayo.

Buti naman nilubayan din ako ng bibeng yun. Hayst, kung nasa option ko lang talaga ng magpakamatay siguro matagal na kong nakalibing ngayon.

Bakit wala?

Its simple, di ko alam kung sa taas ba ko mapupunta o sa baba. Eme lang, pero isa na din yan sa mga reasons. Ang major reason ko lang ay kapag nagpakamatay ako baka habang nililibing ako eh sinasabihan na ako ng mga usyosera kong tita ng "namatay ng palamunin" syempre di kaya ng pride at ego ko yun. Ikaw ba naman nililibing na ginagawa ka pang chismis, baka bumangon ako ng wala sa oras nyan.

Anyways, recess namin now and nandito ako ngayon sa room habang inaayos lahat ng papers na kailangan para sa report namin mamaya.

"Ate, excuse me daw po kay Ms. Elide. Pinapatawag po ni Ma'am Ramos sa Teacher's hub." Saad ng isang lalaki na hindi ko kilala, agad naman syang umalis na parang walang nangyari.

Seryoso ba?? Recess ngayon teh?? Nakakainis naman. Ano na naman kayang sasabihin sakin nun, panigurado ako na naman papagalitan nun kase may mga kaklase akong bagsak sa subject nya or di kaya sasabihan na naman akong magready ng report about sa lesson namin para bukas at isulat ko sa sampung manila papers. NAKAKAINIIISSSSS

Kalma self, kaya mo toh, para sa grades.

Just MeWhere stories live. Discover now