2

8 0 0
                                    

"Isla, bumangon ka na riyan!"

Agad akong napa balikwas mula sa pagkakahiga nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Napa pikit pikit pa ako at dinukot ang cellphone sa ilalim ng kama. Liniitan ko ang mga mata ko para maananinag nang maayos ang oras mula sa basag na salamin ng aking phone.

8:03PM..

Shit.

Ganun na ako katagal na tulog? Hindi ko namalayan, kanina lang ay nag aayos pa ako ng mga gamit tapos biglang gabi na pala. Jusko!

Agad kong inayos ang mahabang buhok ko at hinigit ang suot na damit para maging maayos. Shit talaga. Hindi ko na namalayan sa sobrang pagod ko.

Pagkalabas ay naabutan kong nag lalagay na si Tita ng mga aksesorya sakanyang katawan. Naka suot na rin ito ng isang sexyng damit at may kolorete na rin ang kanyang mukha.

She's like a more matured version of my Mother.

"Nakapag pahinga ka ba? Hindi na kita ginising dahil naalala ko na gabi pa nga pala ang bukas ng beerhouse." Nag taas ito ng kilay saakin habang sinusuot ang kanyang bilugang hikaw.

"S-salamat po, ta." Ani ko.

Umismid naman ito at bahagyang umirap. "Sa mga susunod na araw hindi na pwede yan ha, nakausap ko na yung may ari nung beerhouse, pasok ka na, hanggang alas onse ang pasok doon, 50/50 tayo sa kita mo tutal inabala mo naman ako dito."

Napa tango tango ako..

"Wala hong problema, ta." Sagot ko.

"Good. Tara na!" Ani nito at agad nang umalis ng bahay. Wala ang nobyo nito na bahagyang nagpagaan ng pakiramdam ko. Sabi ni Tita ay mula rito sa bahay niya ay isang tricycle lang ang layo ng pinapasukan niyang beerhouse. Ilang minuto lang din at tanaw ko na ang iilang mga nag kukumpulang tao at rinig ko rin ang isang malakas na tugtugan.

"Oh, bayad!" Inabot ni Tita ang bayad sa drayber ng tric at agad na nag lakad patungo sa beerhouse, kahit mataas ang takong ng sapatos nito ay wala man lang bahid ng pag hihirap ang paglalakad nito.

Napa awang ang labi ko, iniisip kung pag susuotin din ba ako ng ganun ni Tita.

Wag naman sana, dahil paniguradong mapapahiya lamang ako kung sakali.

"Madam Majoy!"

"Oh, Ivy!" Isang malamang babae ang binati ni Tita, may kolorete rin ito sa mukha at may hawak na makapal na bag.

Nag beso ang dalawa at bahagyang nag tawanan, nakasunod lang naman ako kay Tita habang iniikot ang mga mata sa lugar.

Madami ang mga tao, bahagyang mausok at talagang malakas ang tugtugin, hindi maiiwasang hindi mag sigawan ang mga nag uusap.

Iilan ang nakita kong sa tingin kong mga ka edad ko, may mga matatanda na at ang iba ay mukhang mga lasing na.

"Ito nga pala yung pamangkin kong sinasabi ko sayo." Hinablot ni Tita ang aking braso at hinarap ako kay Madam Majoy.

"Wow!" Sinipat ako nito na bahagyang nagpa hiya saakin. "Mas makutis pa 'to sayo Ivy ah? At napaka gandang bata!" Patuloy pa rin ito sa pag sipat saakin. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya nang may iilang mag tinginan sa banda namin.

"I know right, madam! Oh pano ba yan, pasok nato ha?"

"Oo sige, pasok na yan siya. Waitress ano?" Sakin naman bumaling si Madam na agad ko namang tinanguan.

"Ayaw mo bang tumable?" Si Tita, bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

"A-ayoko po, Tita. Ayos na po saakin ang Waitress."

"Mas malaki at doble ang kita sa mga table, ano ka!" Si Tita. Patuloy pa rin ako sa pag iling.

Oo nga't nangangailangan ako sa pera pero hindi ibig sabihin nun aabot ako hanggang doon. Umirap naman si Tita sa sunod sunod kong pag iling.

"Hay nako, Ivy! Hayaan mo na, okay na yung waitress siya. Panigurado madami ang babalik balik sayo dito." Ani Madam Majoy. Hindi ko alam ano ang isasagot kaya tipid na lamang akong nangiti. "Pwede ka nang mag simula sa susunod na linggo, kailangan mo mag ayos para sa pag aaral mo diba? Sapat naman na siguro yung isang linggong palugit?" Nanlaki ang mga mata ko at hindi na naitago ang tuwa.

"Opo! Nako, maraming salamat po." Ngumiti ako at ngumiti din naman ito saakin.

Mukhang mabait naman pala ito si, Madam. Buti nalang.

"Osya, Isla. Pwede ka nang umuwi muna, hanggang alas dose pa ako dito. Wag mo na ilock ang pinto, sabay na kaming uuwi ni Ricardo mamaya." Pang didismiss ni Tita saakin, tumango na lamang ako at agad nang pumara ng Tricycle pauwi.

Bukas na bukas! Pupunta na ako sa kolehiyong malapit dito kanila Tita. Mag iinquire ako at sisikapin kong makapasok doon.

Napangiti ako sa sarili. Nag papasalamat pa rin dahil kahit papaano ay nakakaraos ako.

Kahit gaano kahirap, kahit anong mangyare, gagawin ko ang lahat, mag sisikap ako para maka angat sa buhay! Paunti-unti.

Rise and FallWhere stories live. Discover now