1

13 0 0
                                    

Ilang oras din ang binyahe ko hanggang sa makarating na ako sa pupuntahan. Gaya nga nang nakasanayan ay sa Bacolod ang hinto namin, pagkarating ay sumakay muli kami ng ferry papunta sa Iloilo. Hindi ko na rin namalayan ang byahe dala na rin siguro nang pagiging alerto ko dahil matagal tagal na rin nang makabalik ako rito. 

Sumakay pa ako muli ng tricycle para makarating sa bahay nila Tita. Sinipat ko ang aking cellphone upang makita kung nag reply ito saakin.

And as expected, walang reply ito.

Malalim akong napa buntong hininga at tinanaw nalang ang kagandahan ng probinsya. 

Bata pa ako mag mula nung makarating ako rito, kasama ko pa nun si Mama at Papa, wala akong ibang maalala kundi ang kasiyahan sa tuwing napapa bisita kami rito. Ganun pa rin naman ang tanawin, maraming puno at kakaiba ang simoy ng hangin, kakaibang comfort ang binibigay saakin ng hangin ng probinsyang ito. Kahit na pili lang ang naaalala kong memorya mula rito ay hindi pa rin maaalis sa isipan ko kung gaano ito kaganda.

"Sa tabi lang ho." Agad na inabot ko sa drayber ang bayad at bumaba na nang tricycle.

Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko na ang bahay nila Tita. Ganun pa rin ito sa pagkakatanda ko, maraming halaman sa harap, bungalow at kapag pumasok sa mababang gate ay may mamamataan kang humba humba na pwede mong pag tambayan tuwing hapon. 

Agad na rin akong nag lakad papalapit sa bahay, walang tao sa labas, naka bukas ang gate pero mas pinili ko na lamang na mula dito tumawag.

"Tita..?" tawag ko. Walang lumalabas. 

Bahagya akong tumingkayad, nag babakasakaling may masilip..

"Tita Ivy?.." Tawag kong muli. 

Napatayo naman ako nang tuwid nang makitang may papalabas na sa hamba ng pinto. Napa lunok ako, medyo kinakabahan. Matagal tagal na rin kasi talaga nang makita kong muli si Tita Ivy, bata pa ako nung nakagawi ako dito. Isa siya sa mga binalitaan ko nung nawala si Mama at Papa, saglit lang ang pag uusap namin at hindi na nasundan..ngayon nalang ulit.

"Sino ba yan?" Asik nito, lumabas ito sa pintuan habang may hawak na sandok. 

"Tita ako po ito, si Isla po." Ani ko nang makitang medyo hindi niya na ako nakikilala. Nakita ko ang pag kunot ng noo nito at pag ismid. 

"Oh? Anong ginagawa mo dito?" Tuluyan nang nakalapit sa gate si Tita at nagpameywang. 

"Ah tita..nag text po ako sainyo, m-makikisuyo po sana akong makituloy muna pansamantala?" 

Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa at bahagyang umikot ang mga mata nito..

"Ano pa nga bang magagawa ko eh andito ka na. Pasok." Agad ko namang sinunod ang utos nito. Sinundan ko siya papasok nang kanilang bahay, tahimik ang loob, malinis naman at amoy na amoy ang ginigisang mga sangkap. 

"Ivy, sino yan?" Isang lalaki ang lumabas sa isang kwarto, naka tapis pa ito ng tuwalya habang nakatitig samin ni Tita. Nag iwas ako ng tingin at pinili na lamang na titigan ang sahig,

"Pamangkin ko. Makiki tuloy muna dito."

"Ah talaga? Hindi mo sinabi na may maganda ka pa lang pamangkin."

Agad na kumalabog ang dibdib ko nang marinig ito. Naramdaman ko ang titig ni Tita at hindi nalang kumibo.

"Mag tigil ka nga, Ricardo." Si tita. "Yung kwarto doon sa dulo, bakante yun, yun nalang gamitin mo. Ilagay mo ang mga gamit mo doon at mag usap tayo."

"Opo tita." 

Sinunod ko naman ito at diretso nang pumasok sa sinabing kwarto. Pagka pasok ay may kama na rito, may isang electricfan at cabinet, may iilang alikabok pero konting linis lang dito panigurado magiging maayos na rin ang itsura nito. 

Binaba ko ang mga gamit ko sa kama at muling napa buntong hininga. 

Bukas na bukas ay mag hahanap na agad ako nang  pwede kong mapasukan para pang ambag ko rito at pang tustos sa sarili. Kailangan ko rin pala maka hanap nang papasukang eskwelahan. Graduating na ako sa pasukan, kaya pag susumikapan kong makapag tapos na ako.

"Isla bilisan mo na diyaan!"

"Opo tita!" Nabalik ako sa ulirat nang marinig ang sigaw ng Tita. 

Inayos ko lang saglit ang sarili, kinuha ko ang wallet ko at agad na ring lumabas. 

Nakalabas na rin ng kwarto yung lalaking kausap ni Tita kanina. Sinulyapan ko ito at nagkasalubong ang aming mga mata, napaiwas ako ng tingin.

Hindi ko pa nakikita ang lalaking ito. Bago sigurong nobyo ni Tita. 

"Anong nangyare? Bakit ka andito? Alam mo namang hindi ako mayaman, dito ka pa pumunta." Umismid si tita at bahagyang padabog na naupo sa harap ko. 

Napalunok naman ako at napahawak saaking siko. 

"Pasensya na po Tita, wala na ho kasi akong matitirhan sa Maynila, may ibang rerenta na po kasi sa Apartment na tinutuluyan namin, kung kaya't wala na akong maisip na ibang paraan."

"Tch! Asan na yung iniwan sayo ng mga magulang mo? Wala na?"

"Hindi na kasi sasapat Tita, kaya balak ko ho sanang mag hanap ng trabaho dito habang nag aaral ako." 

"Aral? Jusko, Isla! Mag trabaho ka nalang! Anong mapapala mo sa kaka aral mo?" Umismid ito at napa iling iling pa. Kinurot ko ang aking braso at muling sumagot..

"Sayang ho kasi Tita, isang taon nalang ako, pag susumikapan ko naman po, siisguraduhin kong di ako makaka abala sainyo."

"Aba'y dapat lang! Hindi ka pwedeng mag buhay prinsesa dito, wag ka na mag hanap ng trabaho. Sumama ka nalang saakin sa bar, mag waitress ka doon para may pakinabang ka." Napa tango tango na lamang ako dito. 

"Ah ito ho Ta, kaunting ambag ko po sa ngayon.." marahas na hinablot nito ang pera sa kamay ko at harap harapang binilang ito.

"Sa mga susunod na buwan hindi na uubra to ha? At baka pwedeng wag mo naman tagalan ang pag stay dito!" Saad nito at tumayo. Hindi na ako naka sagot dahil sa biglaang pag alis nito. Napa lunok nalang ako at umambang babalik na sa kwarto.

"Nice to meet you, Isla." Ani nung nobyo ni Tita na may ngisi sa labi. Bahagya lamang akong tumango at nagpatuloy na papasok.

Nang makapasok sa kwarto ay saka lang ako naka hinga nang maluwag. 

Wala kang choice, Isla..

Kailangan kong mag tiis dahil si Tita Ivy nalang ang kilala kong kamag anak. Kahit noon pa. malayo na rin talaga ang loob niya samin. Dalawang magkapatid lamang sila ni Mama at si Tita Ivy ang panganay. Kabaliktaran siya ni Mama, dahil si Tita Ivy ay may matigas na personalidad, habang si mama naman ay parating kalmado at soft spoken, parehas sila ni Papa. Hindi naman sila magkaaway ni Mama pero hindi rin talaga sila malapit sa isa't isa.

Lumapit ako sa kama at isa isang linabas doon ang mga dalang gamit.  

"Ma, Pa..kakayanin ko ang lahat, mairaos ko lang ang sarili. Gabayan niyo po parati ha?" Kausap ko sa litrato naming pamilya. 

Inilabas ko pa ang ibang mga gamit mula sa dalang mga bag..

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto na agad na nakapag patayo saakin..

"Pagkatapos mo diyan lumabas ka at sumama ka sakin. Dadalhin kita doon sa pinapasukan ko para bukas makapag simula ka na agad." Saad ni Tita Ivy at agad ring tumalikod, napatango nalang ako hindi na nakasagot. 


Rise and FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon