Start

25 1 0
                                    

"Pasensya ka na talaga, ija ha? Kailangan ko rin kasi nang mapag kukuhaan ng pera para sa pang araw araw namin."

"Naiintindihan ko ho, Lola Mercy. Maraming salamat po sa mga tulong niyo." Ngumiti ako sa kausap na matanda at bahagyang dinampian ng tapik ang kanyang kamay na nakahawak din saakin. Nangiti lamang din naman ito saakin at pumanhik na pabalik sa apartment para ayusin ito para sa mga bagong titira roon. 

Hindi ko na kasi kayang suportahan yung sarili ko na tumira pa doon lalo na't tinitipid ko itong naiwang pera saakin nina Mama at Papa. Kaya kahit na mahirap ay pinakawalan ko na lamang din ito. Nakakahiya na rin kasi kay Lola Mercy, ilang beses niya na ako pinag bigyan at ayoko naman nang abusuhin ito. 

"Papaano yan, Isla? Saan ka na niyan?" Napa baling naman ako kay Ate Gina na naging matagal ko ring kapitbahay at kasangga habang naninirahan ako dito. 

"May mga kamag anak po ako sa probinsya ni Mama, yun nalang po ang nakikita kong paraan para kahit papaano ay makaraos." Ani ko na may tipid na ngiti. Agad ko namang sinikop ang mahaba at bahagyang kulot kong buhok saaking kabilang balikat para hindi ito makasagabal saaking mukha. 

"Osya..ito.."

"Nako, hindi na po!" Agad kong pinigilan si Ate Gina sa pag aabot saakin ng iilang  papel na pera. Nakakahiya na..

"Tsk! Wag kang makulit, Isla. Tulong ko na rin sayo ito! Sobrang naging malapit saakin ang Mama mong si Ina. Tanggapin mo na. Sige na." Bahagya akong napa buntong hininga at tinanggap nalang ang perang inaalok saakin. Nginitian ko si Ate Gina at hindi na napigilang bigyan ito nang yakap. 

"Hay, Isla. Mag iingat ka doon ha? Pasensya ka na at ito lang ang kaya kong itulong sayo." Yakap nito pabalik saakin.

"Sobra sobra na ho ang naitulong niyo saamin, Ate Gina. Maraming salamat po." Kumalas ako sa yakap at binigyan siya nang ngiti. "Di bale ho, kapag nakaraos ako ay babalik po ako dito at ako naman ang tutulong sainyo." Dugtong ko kay Ate Gina na ngayon ay nangangamba na ang mga luha sakanyang mga mata. 

"Nako, ikaw talagang bata ka!" Muli ako nitong yinakap at bahagyang isinayaw ang aking balikat. "Manang mana ka sa mga magulang mo. Gabayan ka nawa ng Diyos, anak." Asik nito saakin at pinakawalan na ako. Nginitian ko lamang ito pabalik..

Sana nga..

Dahil iyon ang pinaka kailangan ko sa buhay ko ngayon, ang isang gabay. Lalo na't madami at malaking pag babago ang mangyayare sa buhay ko simula ngayon. 

"Osya! Sige na! Tumulak ka na at baka mahuli ka pa."

"Sige po, Ate Gina. Mag iingat po kayo rito." Saad ko at agad na ring kinumpuni ang mga gamit. Iilang mga kapitbahay pa ang nag paalam saakin hanggang sa makarating na rin ako sa sakayan. 

"Bayad ho, isang terminal." Pagka abot sa drayber ng bayad ay muli kong sinilip ang lugar kung saan ako lumaki. Natanaw ko pa ang pag tanaw ng ibang mga kapitbahay, hindi man nila ako natatanaw ay ngumiti pa rin ako at bahagyang kinaway ang aking kamay. 

Hindi rin nag tagal ay umalis na din ang jeep na sinasakyan ko. 

Agad akong nakaramdam nang lungkot nang unti unti nang lumayo ang sinasakyan. 

This is it.

This is the reality. 

Mag isa nalang ako ngayon, wala nang ibang pwedeng sandalan kundi ang sarili ko nalang. Tatlong buwan na ang nakakalipas mag mula noong masangkot sa isang aksidente sina Mama at Papa. Makapangyarihan dito sa Maynila ang naka aksidente sa mga magulang ko, kaya ang nangyare ay nauwi nalang sa alegruhan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman nung mga panahong iyon..sobrang sakit isipin para saakin na sa iilang piraso lamang ng papel ang halaga ng buhay ng mga magulang ko. Alam kong ito ang pinili ng mga magulang ko dahil ayaw nila akong mahirapan hanggang huli. 

Kaya pagkatapos nilang makipag alegro, ilang araw lang din at sabay silang binawian ng buhay. Hanggang kahuli-hulihan, kapakanan ko pa rin inisip nila.  

Napa buntong hininga na lamang ako at inisip ang mga susunod na mangyayare saakin. 

"Tabi lang po!" Nakarating na ako sa terminal kung kaya't agad na rin akong pumara. Mula dito ay sasakay na lamang ako ng roro pa iloilo. Mahaba haba ang magiging byahe neto alam ko, pero mas mura ito kung mag eeroplano ako. Gayung, limited lang din naman ang pera ko, kaya't kailangan kong maging mautak sa lahat ng desisyon na gagawin ko.

Kung tama ang naaalala ko ay bababa ako ng Bacolod upang maka sakay ulit sa panibagong ferry atsaka padiretso na sa iloilo. Halos isang araw din siguro ang aabutin ko neto. Pero ayos na rin ito, sakto dahil hindi rin naman kamahalan nung nabili ko ang ticket ko. 

Nang maayos na ang lahat ay agad na rin akong sumakay at pumirmi na lamang sa aking upuan. Hindi rin naman kadamihan ang dala kong kagamitan dahil na rin sa nangungupahan lang din naman kami, at di rin naman ako magarbong tao.

Napa buntong hininga ako muli at sinilip ang litrato ng aming pamilya saaking bag. 

Sa totoo lang..matapos ang lahat nang nangyare, hindi ko alam kung ano pa ba ang silbe ko sa mundo, kung bakit kailangan ko pa ring mag sumikat mabuhay lalo na't mag isa nalang naman ako. Pero siguro kahit nga na ganun man ang nararamdaman ko sa ngayon, meron pa ring kaunting siklab sa puso ko na magiging masaya din ako sa huli.

And sometimes..that is all that matters.

Isa nalang din kasi iyon ang mayroon ang kagaya kong ulila at hirap sa buhay. 

Hope.

Kung kaya't I will do my best in this lifetime. Whatever happens, I will make sure to be happy. Maybe that's my ultimate gold in this life and I want my parents to be proud of me kahit na wala na sila ngayon dito sa tabi ko. 

Hindi ko man ma pa alam o naiintindihan ang purpose ko sa buhay, I know that eventually...I will. 

Napa hikab ako at bahagyang napa kurap kurap..

Sa kakaisip at siguro ay dala na rin ng pagod..hindi ko na rin namalayang napa pikit na pala ako at nahila na sa isang mahimbing na pag tulog. 


Rise and FallWhere stories live. Discover now