XXVII. Baby Boy

12 3 0
                                    

Chapter Twenty -Seven

XXVII. Baby Boy


Dinner sounds fun. Sa kakaisip ko ng kung anu-ano, hindi ko namalayan na nakaparada na sa loob ng bahay ng mga Cheng ang sasakyan na ginamit naming ng nanay ni Kale. Nakakatuwa nga yung mama niya eh, sobrang saya nung narinig niya na 'friends' kuno daw kami ng anak niya. Ano ba yung anak niya? Introvert din na kagaya ko? Well, introvert lang naman ako pag dating sa mga ka-edaran ko.

"Hija?"

"Po?"

"Baka gusto mo nang bumaba, ikaw na lang ang hinihintay namin", sabi ni Mrs. Cheng. Nahiya naman ako bigla kasi totoo naman talaga. Ako na lang yung hinihintay nilang bumaba. (-_-) "Ay sorry po. Na-carried away lang hehe", sagot ko habang bumababa.

Tahimik lang akong sumusunod kay Mrs. Cheng papasok sa bahay nila. Ako na lang nag-decide na tawaging 'Mrs. Cheng' ang nanay ni Kale kasi baka sabihin niya feeling close ako hahahaha. I know it's too formal pero at least, safe ako. Safe from humiliation! XD

Napatingin sko kay Mrs. Cheng kasi bigla siyang tumikhim. "Uhm-" "Shanen po pangalan ko. Sorry di ko po naipakilala ang sarili ko kanina"

Ngumiti siya bigla, "Ako din, nakalimutan ko din". Kaya natawa kami pareho. "Just call me tita Kassandra. Marunong ka naman gumalaw sa kusina di ba?", tanong ni tita Kass. "Opo".

"Good. Isu-surprise natin ang baby boy ko mamayang dinner kaya tulungan mo akong magluto"


--



"Tignan mo ito, Shanen. He looks so cute! Hahahaha!" sabi ni Ate Lexie. Ate siya ni Kale. Dumating siya habang nagluluto kami ni tita. I thought that she would be intimidating like her brother pero hindi pala. Medyo close na nga kami eh. Nagtatawanan kami habang binubuklat yung mga lumang photo albums ng family niya.

"Grabe, ang cute nga! Hahaha!". Tawa lang ako ng tawa. Paano ba naman, naka-damit pang babae si Kale!

"I used to dress him up with my dresses. Nag-eenjoy pa nga siya nun eh! Hahaha!"

"ATE!", naiiritang sigaw ni Kale. He looks flushed, almost blushing with embarrassment. "Lexie, enough na. Huwag mo apihin ang baby boy ko-", hindi na natapos ni tita Kass yung sasabihin niya kasi sumigaw na naman si baby boy-este si Kale pala XD!

"MA! Ano ba yan! Stop calling me baby boy! Hindi na ako baby!" he said. Napapaso ako sa mga tingin na binabato niya sa akin. Kasi naman si Ate Lexie eh! Lakas mang asar! Haha! Dinamay pa ako!

"Okay, okay. Naglalambing lang naman. Ngayon na nga lang tayo nagkita eh" sabi ni tita. At parang magic lang, tumahimik na siya.

Tapos na kaming magdinner. At tuwang-tuwa si Tita Kass sa akin kasi marunong akong gumalaw sa kusina. Sa ibang bansa pala nakatira sila tita, Ate Lexie at yung daddy niya. Umuwi lang sila ngayon sa Pilipinas kasi ikakasal na si Ate Lexie. Si Kale lang ang nagpaiwan kasi gusto niyang tapusin yung pag-aaral niya dito.

"Shanen, I want to invite you sa wedding ko. And you can't say no, di ba Ma?" sabi ni Ate Lexie. Tumingin sa akin si tita at tumango.

"Okay po" sagot ko.

"Why does she need to come to the wedding?" biglang tanong ni Kale. Ouch ha, ayaw niya talaga akong isama.

"Kale! Ano namang masama? If she's not your friend, then she's my friend and a family friend also" sagot ni ate. Thank you, ate! Buti pa si ate Lexie, love ako. Belat ka, Kale! Hahaha!

InvisibleWhere stories live. Discover now