CHAPTER 20.2

1.7K 9 10
                                    

CHAPTER  20.2

__*Lala__

nung sigawan ako nung lalaking mukhang pamilyar din sakin.. may mga.. may mga salita akong narinig sa utak ko..

“mahal ko din si love eh..”

“unggoy unggoy!!” 

“la?.. gusto mo ng tubig? ipagda—“

“eh, wag na la, pupulikatin ako. gabi na eh, bukas nalang”

“mahal din kita la..”

biglang nagdilim ang lahat.. ewan ko na kung anong nangyari.. sa dilim na yon, lumalabas lahat ng nangyari.. si.. si JL, si Love, Si jeff.. si.. si kuya japoy.. si kaloy.. si jasper.. si daddy.. si tita rei.. si.. aaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!!!!

bumangon ako sa kama ko.. may dextrose na nakakabit sakin.. nakita ko si mama, nagising ata sya sa pagsigaw ko.. umiiyak ako.. si love.. si love wala na si love.. si.. si JL, nasan na si JL?? patuloy ako sa pagiyak.. hindi ko alam ang mga nangyari pero ngayon nagbalik na ang lahat lahat.. niyakap ako ni mama.. umiiyak padin ako.. wala na si love.. wala na ang matalik kong kaibigan.. 

nandoon si Romeo sa sulok,.. sa sofa.. nandoon din sina Janice at Hayley.. pinagmamasdan lang nila ang pagwawala ko.. niyakap ako ni Janice.. dalawa sila ni mama na kayakap ko.. hindi ko to kaya.. 

“Angel??” nilapitan ako ni romeo nang bitawan nina Janice ang pagkakaakap sakin. niyakap ako ni romeo.. hindi ko alam ang gagawin.. 

12:57pm dinalaw ako ni Ms. George. 3 araw daw akong tulog sabi ni mama.. naririnig ko silang naguusap habang pinagbabalat ako ni Romeo ng mansanas.

“o.” iniabot ni romeo sakin yung hiniwa nyang apple. ngumiti lang ako’t umiling. hindi ako gutom.

“umalis na sina Janice, may pictorial sila para sa summer issue.. wag kang magalala, excuse ka.”

sabi ni romeo nung ngumiti sya sakin  pagkalingon ko sa kanya.. mga isang linggo din akong nagtagal sa ospital. nakakatamad doon.. pero masaya ako, binabantayan ako ni romeo araw gabi. o kung hindi naman, nandyan lang si mama.. si daddy.. ewan ko kung alam nya.. hindi na kami nagkita mula nung magabroad sya last year.

umuwi na ako sa bahay at pagkauwi ko, meron padin akong personal nurse. wala lang, para lang magpapainom sakin ng mga gamot. sinabi k okay mama ang lahat. knuwento ko sa kanya.. kahit alam kong,.. kahit, kahit hindi kami legal ni JL. 

May 27,2007

araw ng.. araw ng pagbabalik ni JL sa bahay namin. magtatapon dapat ako ng trash bag sa tapat.. nang.. nang makita ko si JL sa loob ng kotse nya.. binuksan nya ang pinto nito at lumapit sakin.. 

“kmusta ka na la?” 

__*JL__

mula nung araw ng pagkakaospital nil ala, araw araw ana akong nagdadaan sa bahay nila.. araw araw ko tong pinagmamasdan.. hinihintay kung lalabas ba si lala doon.. kamusta na kaya sya..? sana naaalala na nya ako. ako bilang JL, na dating minsan nagmahal sa kanya.

mahal ko padin sya eh.. kahit alam kong.. wala na sa puso nya ang magmahal pa..

May 27, nandon padin ako sa tapat nila.. tuwing umaga nandoon ako. lumabas si la ng gate.. nakita nya siguro ako .. lumabas ako ng kotse’t lumapit sa kanya..

“kamusta ka na la?” ngumiti lang sya’t inakap ako.. inakap ko din sya ng pagkahigpithigpit. sobrang namiss ko yung ganito.

Hot Love ♥ Finished! 05.09.11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon